Chapter 26

717 17 0
                                    

Jennie's POV

Warning: R-18 (You're welcome:)))

"Love, are you sure? Pwede naman na ako nalang ang pumunta d'yan, e"

"No, it's fine. And I have something to tell you din, love."Sambit ko pa habang inaayos ang food na dadalhin ko kay Lisa. Nandito parin kami sa Palawan.

Ilang months na ang lumipas nung nag simula na s'yang ayusin ang hospital namin. And now, I'm going to bring him some lunch.

Sa ilang months na lumipas, madaming nangyari. We celebrated our monthsary's together, even Pantaleon's 7th birthday. Hindi ko inaasahan na ganun kabilis ng panahon. Parang kailan lang, bagong dating ako dito sa Pinas at takot silang harapin but now, okay na.

But hindi ko parin nakakausap si Daddy. Sabi ni Lisa dapat ay kausapin ko na s'ya dahil matagal na din nung huli naming pag kikita pero parang hindi ko pa kaya.

"What is it?"Tanong n'ya pa sa akin kaya ganun nalang ang pag buntong-hininga ko.

"D'yan ko na sasabihin"Sagot ko naman sa kanya.

"Alright"He said and we bid our goodbyes. Si Leo ay nasa Manila dahil simula na ng kanilang klase. Of course, kina Tita muna s'ya naka-stay habang ako ay minsan dito, minsan naman sa Manila.

"Ms. Kim"Tumango naman ako sa tauhan namin na mag hahatid sa akin sa island no Kuya JK. Now, nag hahanap na sina Kuya ng mga pwedeng mag trabaho sa kanyang hospital. May pinapatayo din s'yang isang building para sa mga magtatrabaho sa kanya para doon mag stay.

Sumakay naman ako sa yate namin at naupo na. Sinuot ko naman ang aking shades at pinag masdan ang magandang lugar na ito.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lisa na kailangan kong bumalik sa L.A dahil I still need to fix my papers. May mga naiwan din ako doong work na kailangang ayusin kaya kailangan ko talagang bumalik doon.

Inaalala ko si Lisa, sana naman maintindihan n'ya na kailangan kong bumalik sa L.A.

"Ms. Kim, we're here"Doon lang bumalik ang atensyon ko nang marinig ang tauhan namin. Agad nila akong inalalayan na nakababa dito. Tiningnan ko naman ang hospital ni Kuya na ngayon ay mas gumanda na kaysa noo.

"Ang galing talagang engineer ng boyfriend ko"Proud ko pang sambit bago lumakad na.

May Ilan-ilan pang bumabati sa akin dito na nag wo-work at binati ko din naman sila.

At once na may nakita akong mga engineer na parang may pinag uusapan sa isang table ay lumapit na ako doon.

"Si Ms. Kim"Bati sa akin ni Engr Celvestre, iyong kanang kamay ni Lisa kung tawagin. Iyong kasama ni Leo sa ice cream parlor noon"Good noon, Ms. Kim"Bati nito sa akin. Kahit ang ibang kasama n'yang engineer ay bumati din sa akin.

"Good noon"Ngiti ko din sa kanila"Where's Engr Manoban?"

"Ay, Ms. Kim, nasa office po. May hinahanap na files"Sagot n'ya sa akin.

Tumango naman ako"I see. Thank you"Sagot ko naman at umalis na doon.

"Ganda ni Ms. Kim, no? Swerte ni Engr. Manoban"May narinig pa ako habang nag lalakad pero hindi ko nalang pinansin iyon.

Nang makarating na ako sa tapat ng office ni Lisa dito ay kumatok na ako. But mukhang may ginagawa s'ya dahil naririnig ko dito na may kausap s'ya.

"Yes, next week, pupunta ako d'yan para tingnan ang mga natapos na. Sabihin mo din kay Engr. Lee, icheck din ang mga materials na gagamitin for the site. Alright! Thank you"Saktong pag bukas ko nang pinto ay nakita ko aking boyfriend na ngayon ay binaba ang phone bago may hinanap sa mga folders dito.

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon