Lisa's POV
DAYS HAD PASSED and tomorrow, it will be Jimin and his fiancé's wedding. Ngayon din ang alam ko na darating sina mama kaya medyo nakaramdam ng konting kaba. Yes, kaba for us. I mean, alam ko na ang nangyari sa pagitan ng family namin ang nila Jennie. Pero alam ko naman na kahit ganun, hindi nag tamin sina mama ng galit sa magkapatid. Kay Mr. Kim oo, pero kina Jennie ay hindi dahil wala naman silang ginagawang masama.
At sa mga araw na lumipas ay hindi parin kami nakakapag usap ng maayos ni Jennie. Hindi sa kinakampihan ko si Diana, pero nang makita ko na s'ya na nasa floor ay kinabahan ako. Malaki ang utang na loob ko sa family nila Diana, and I promise to her dad that I'll take care of her.
Pero nang makita na umiyak si Jennie and sinabi n'ya na hindi n'ya naman tinulak si Diana ay para akong naguluhan. Sinong nag sasabi sa kanila ng totoo?
Napahilamos nalang ako ng aking mukha habang nakaupo sa may isang kahoy dito. Pinapanuod ko naman sa malayo ang aking anak na ngayon ay nag eenjoy kasama sina Jennie.
Si Diana naman ay nasa kanyang room, ayaw n'ya daw makasama ang mga kaibigan ko.
"HAHAHA! Mas pogi na ako sa'yo dahil mukha kang stress"Napatingin naman ako kay Jisoo na ngayon ay may hawak-hawak na canned beer"Oh,"Abot n'ya sa akin ng isa at tinanggap ko naman iyon.
"Where's Pikit, and the other boys?"Tanong ko pa sa kanya.
"Si Pikit, ayun nakasabit kay Irene, hindi na binitawan. And iyong iba naman, nasa tabi-tabi ata"Naupo s'ya sa aking tabi. Napatango naman ako bago buksan ang aking beer.
"Mamaya na ang dating nila Tita, no?"Tanong n'ya pa sa akin.
"Yeah,"Tumango ako sa kanya at ininom ang aking beer.
"Si Diana?"Tanong n'ya pa, bakas ang boses na medyo inis. Napailing nalang at tiningnan ang magandang dagat na ito.
"Nasa room n'ya, resting"
"Buti naman at nagawa n'yang makapag pahinga. Wala atang araw na hindi nakadikit sa'yo, e no?"Sarkastikong sambit n'ya pa sa akin.
"Jisoo"Banta ko na agad.
Napatingin naman s'ya sa akin"I'm just saying that what I'm seeing, dude. Iyong anak mo nga, halos hindi na makalapit sa'yo dahil laging na kay Diana ang atensyon mo"
Napabungtong hininga naman ako"Hindi ko naman pwedeng hayaan dito si Diana. And alam n'yo naman na wala s'yang kasama, ako lang ang pwedeng sumama sa kanya"
"Buti nalang talaga at nandito si Jennie"Sambit n'ya pa at sinulyapan sina Jennie"Kumusta naman kayong dalawa? Hindi parin okay?"
"Hindi n'ya ako kinakausap"Buntong-hininga ko.
"Deserve"Tiningnan ko s'ya nang masama pero hindi man lang s'ya natakot"Deserve mo iyon dahil gago ka!"
"Jisoo, ah, lasing ka ba?"Nagulat talaga ako sa sinabi n'ya.
"Ako, lasing? E, kung pupukpukin kita nito?"Pakita n'ya pa sa akin ng hawak n'yang canned beer"Alam mo, kung hindi lang talaga kita kaibigan, nilunod na kita sa dagat"Iling n'ya pa at ininom ang kanyang beer"Hindi kita maintindihan. Hinding-hindi, mas malabo ka pa sa blur, pare"
Hindi naman ako nagsalita"Alam ko naman na mahal mo si Jennie pero bakit parang pinapahirapan n'yo pa ang sarili n'yo?"Tumingin naman s'ya sa akin"Sabihin mo nga sa akin, mahal mo pa ba s'ya? Mahal mo pa ba si Jennie?"seryosong tanong n'ya sa akin. Si Jisoo ang pinakamaloko at alaskador sa aming mag kakaibigan pero once na mag seryoso s'ya, tiklop kaming lahat.
"Hindi naman nawala, e"Sagot ko pa at tiningnan nalang ang beer ko"Fuck! Six fucking years, still her"
"Oh, kung ganoon, bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo? Dahil ano, nasaktan ka n'ya noon?"
BINABASA MO ANG
The Cure: Between heart and mind (book 2)
FanficJennie tried to love Lisa back but unfortunately she's still in love with Lisa. Not Lisa in real world but Lisa in her dream. Ano nga ba ang mangingibabaw para kay Jennie? Puso o isip? Panaginip o reyalidad? Mananatili nga ba s'ya sa nakasanayan n'y...