Chapter 20

625 22 2
                                    

Jennie's POV


"You're forgiven"

Doon ako nagulat sa sinabi n'ya. I looked at him with a wide eyes. Napatingin din s'ya sa akin bago napabuntong hininga.

"Lisa, you don't have-"

"Hindi naman siguro madaling humingi ng sorry, right? Sino ba ako para hindi ka patawarin?"Tanong n'ya pa sa akin.

"But..."Napatigil pa ako"I've caused you a lot of pain"Napayuko naman ako"Nasaktan kita ng sobra, Lisa"

"Ang tagal na noon, okay na ako"Doon ako napatingin sa kanya. S'ya naman ang hindi nakatingin sa akin"Wala na din naman mangyayari kung magtatamin pa ako ng galit, diba? Okay na naman ako, okay na din naman ang family ko. Natanggap na nila kung anong nangyari kay...."Napayuko naman s'ya"Kay lolo"He take a deep breath.

"Lisa, I'm very sorry"Wala na akong masabi kundi ang sorry"Sorry for everything. I really am sorry"

"Sorry din"Sagot n'ya pa, nagulat naman ako. Ako dapat ang mag sosorry dito pero bakit pati s'ya?

"Sorry dahil masyado kitang minadali noon. Masyado ata kitang mahal noon kaya naging komportable ako na baka mahalin mo din ako"Mapait s'yang ngumiti"Sorry kung pinipilit ko ang sarili ko sa'yo noon kahit alam ko naman na may ibang laman iyang puso mo. Sorry kung pinahirapan kita kung sino ba talaga dapat. Sorry sa pangungulit, sa lahat lahat"

"Lisa, you don't have to say that."Lumapit naman ako bahagya"Believe me or not, masaya ako dahil alam ko na...na kahit ganun, hindi mo ako binitawan. I mean, you always by my side when I was hurt."

"You looked okay right now"Ngumiti naman s'ya sa akin"And I'm happy for you, Jennie"Tumango pa s'ya bago sulyapan si Leo"I have to go, hinihintay na ako ni JK sa lobby. Ikaw na muna ang bahala kay Leo, ah? Thank you"Sambit n'ya pa at lumapit muna kay Leo at hinalikan Ito sa noo. Pinanuod ko naman s'yang umayos ng tayo bago tipid na ngumiti sa akin.

Astang aalis na s'ya ay mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay kaya ganun nalang ang pag tingin n'ya sa akin.

"Please, bumalik ka na sa akin, Lisa"At kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata n'ya sa sinabi ko"Please, sa akin ka nalang ulit, oh"I don't care if mag mukha akong desperate sa harap n'ya. Gusto ko s'yang bumalik sa akin at mahalin katulad ng pag mamahal n'ya sa akin noon.

"Jennie..."He still shocked.

"Lisa, mahal kita. Believe me or not, mahal kita"Umiiyak na sambit ko sa kanya"Masyado lang akong nabulag noon, hindi ko makita ang mga efforts mo. Kumakapit parin ako sa kanya kahit alam ko naman na pwede akong mahulog sa'yo. Ang tanga tanga ko sa part na binitawan kita"

"Don't say that"Umiling naman s'ya sa akin"And please, kung nagsisisi ka lang sa mga nagawa ng daddy mo noon kaya mo ito nasasabi, please Jennie, wag na"Agad s'yang umalis sa kwarto.

"Lisa, please, makinig ka naman, oh"Ganun nalang ang pag habol ko sa kanya sa living room"Mahal kita, believe me. Walang kinalaman dito si Daddy or ibang bagay. Mahal kita, Lisa"Napatigil naman s'ya sa paglalakad habang nakatalikod sa akin.

"Jen, you're just confused, believe me"He said, still facing his back on me"Mag pahinga ka na, aalis na ako"

"Lisa"Pero ganun nalang ang pag iyak ko nang tuluyan na s'yang umalis dito. Napaupo ako dito at nasapo ang bibig.

Dapat alam ko na na magiging ganun ang sasabihin n'ya, na hindi na s'ya maniniwala na mahal ko s'ya. Pero bakit ang sakit? Ito na ba iyong kapalit nang mga nagawa ko sa kanya noon?

Tanging nagawa ko lang ay ang umiyak nang tahimik dito. Ayokong magising si Leo dahil ng mga iyak ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi sila tumigil, mas lumakas lang lalo.

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon