Chapter 28

623 18 0
                                    

Jennie's POV

Napatingin naman ako sa aking cellphone at ganun nalang ang pag irap ko nang walang makitang message mula kay Lisa. Gabi na, hindi parin s'ya umuuwi. Sabi n'ya, may titingnan lang s'ya sa site doon sa hospital ni Kuya pero hindi parin s'ya bumabalik.

Masama pa ang pakiramdam ko kaya mas naiinis na ako. After kase ng birthday ni Ella, dito muna ako dahil hindi parin tapos si Lisa about his project. Gusto ko din sana na nandito si Leo but may pasok pa s'ya.

Natulog nalang ako ng may sama ng loob at masama ang pakiramdam.

Nagising nalang ako nang may maramdaman na biglang pag baliktad ng aking sikmura. Napasapo ako ng aking bibig at dali-daling pumuntang banyo. Halos maiyak na ako dahil pakiramdam ko ay pati lamang loob ko ay masasama sa pagsusuka ko.

Umiiyak akong sumusuka dito sa banyo.

"Baby..?"Ganun nalang ang pag tingin ko sa pinto ng banyo nang marinig si Lisa. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala nang tumingin sa akin"Hey, are you okay?"

Mabilis akong nag mumog at hindi s'ya pinansin. Inaamin ko na miss ko s'ya dahil hindi ko s'ya nakayakap kagabi pero ngayon na nasa harap ko na s'ya ay bigla akong nainis. May tampo parin ako sa kanya nang hindi man lang s'ya nag message sa akin.

"Baby-"

"Why are you here?!!"Sigaw ko sa kanya na s'yang kinagulat n'ya.

"Baby, I'm here because this is our room. And JK said na you're not feeling okay...so pumunta na ako dito at pinag hahanda ka ng breakfast, baby"Kahit anong paliwanag n'ya ay hindi parin sapat 'yon sa akin. Galit parin ako sa kanya dahil hindi s'ya nag message.

"Umuwi ka na sa Manila"Usal ko pa at kinuha ang toothbrush ko at handa nang mag sipilyo.

"Huh?"

"I said, umuwi ka na"

"Why would I?"

"Because I want to"

"But I don't want to, baby. I'll take care of you"

"Doon kana sa Manila at mag pakasaya"

"Baby, what are you talking about?"

Sa sobrang inis ay tiningnan ko s'ya ng masama"What am-talking about, huh? Sino kayang hindi nag message kagabi?"Umangat ang labi n'ya pero walang lumabas na salita"See...Kung pinag lalaruan mo lang ako ay umalis ka na dito. Ayokong makita ang mukha mo!!"Sa inis ay kinuha ko ang toothpaste at binato sa kanya pero mas nainis ako nang masalo n'ya 'yon. Kinuha ko naman ang towel at binato ulit pero nasalo n'ya din.

"Baby, I messaged you last night"Napatigil naman ako sa kanyang sinabi. Pinakita n'ya ang cellphone n'ya at tama s'ya may messaged s'ya. 8:30pm pa 'yon pero nang maalala ko na natulog ako ay 7:30pm. Maaga nga pala akong natulog dahil sa sama ng pakiramdam

"I messaged you because I'm worried pero wala akong narecieved na sagot mula sa'yo...so umuwi na ako dito"Ramdam na ramdam ko ng sincere sa kanyang boses pero hindi parin ako nag padala sa kanya.

"I don't care. Ayoko paring makita ang mukha mo"Inirapan ko s'ya at tumingin sa sink pero napatigil ako nang maalala na nasa kanya ang toothpaste.

"Here"Lumapit s'ya at Inabot sa akin. Pasiring kong kinuha 'yon sa kanya. Narinig ko pa ang pag buntong-hininga n'ya kaya mas nainis ako.

"Kung nandito ka lang dahil may sakit ako, bumalik ka na sa site."

"Love, I'm here because I'm worried. Ano bang nangyayari sa'yo? Baby, we were okay yesterday, right?"Kahit ako ay napatigil na lang din sa sinabi n'ya.

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon