Chapter 18

482 19 1
                                    

Jennie's POV


"My princess, aren't you done? We're going to be late!"

"Almost!"I shouted and grab my things"Done"Bumukas naman ang pinto at niluwa si Kuya na ngayon ay gwapong gwapo sa kanyang suot na black polo, paired with his pants.

"Hi, there human Chanel"Inirapan ko s'ya kaya ganun nalang ang pagtawa n'ya.

Hapit na hapit na Chanel red dress ang suot ko kaya kitang-kita ang aking curve. Parang ako ba ang may pa-party dahil pati lipstick ko ay pula din at ang aking buhok at hinayaan kong nakalugay dahil medyo mahaba na iyon at bagsak na bagsak. Ang heels ko ay pwede ng ipangsaksak kung sino man ang magwawalang-hiya sa akin.

"He'll be there"Sambit n'ya pa nang makapasok na kaming dalawa sa kotse n'ya.

"I know"Napahinga ako nang malalim.

"Don't forget to breathe"Pang-aasar n'ya pa.

"I'll try. Ikaw din, baka mawalan ka ng malay pag nandoon s'ya"Pang-aasar ko din kaya ganun nalang ang singhal n'ya.

Habang nasa byahe kami ay ramdam ko na kinakabahan ako. Alam ko naman kung bakit. Napatingin nalang ako sa labas at nag-isip.

Magagawa na n'ya kaya akong titigan? Makakausap ko kaya s'ya? Magiging okay ba kami this time?

Kahit naman hindi ko aminin ay gusto ko parin na magka-ayos kami ni Lisa. Gusto kong bumalik kami sa dati. Pero sa tuwing naiisip ko iyong nangyari sa amin noon ay para din akong nasasaktan.

"We're here"Doon ako napatingin kay Kuya nang tumigil kami sa isang gate, kina Jisoo. Of course, dito gaganapin ang birthday n'ya.

Madami nang kotse ang nakapark sa labas ng gate nila Jisoo. Ngayon lang ako nakapunta dito sa kanila dahil hindi kami dati noon madalas mag sama, lagi kami nila Lisa.

Unang bumaba si Kuya at pinag buksan ako ng pinto. Inalalayan n'ya akong makababa bago ko isabit ang kamay sa kanyang braso.

"Nice house"Kuya said and looked at me"Are you ready?"

Huminga naman ako nang malalim"Yeah"

"Alright, let's go"He said and we went inside. May ilan-ilan tao na din kaming nakita nang makapasok kami. Iyon iba ay hindi familiar sa akin, siguro kamag-anak nila Jisoo.

Ganun nalang ang pag tingin nila sa amin ni Kuya at parang nagulat sila nang makita kami.

"Jennie!"At doon kami napatingin kina Irene nang marinig sila. He's with Seulgi, mukhang bagong dating din. She look so beautiful with her white dress.

"Bae"Nag beso kaming dalawa at ganun din kay Seulgi. Nag batian pa sila nila Kuya bago kami tumingin sa paligid.

"Doon tayo sa may backyard"Sambit pa ni Irene kaya tumango kami at sumama sa kanila.

Doon bumungad sa amin ang mga bisita na ngayon ay mukhang may kanya-kanya nang mundo.

"Just don't mind them"Bulong pa sa akin ni Irene nang may napansin ako na grupo ng kababaihan na napatingin sa akin saka mag bubulungan.

"Oh, gosh! Jennie"

"Nayeon!"Ganun nalang ang tuwa ko nang makita si Nayeon dito with her boyfriend"Nayeon"Niyakap ko s'ya nang mahigpit.

"Oh, gosh! Totoo nga na you're here"She said, almost crying"I've missed you"

"I missed you, too"I said and hug her tight"How are you?"Tanong ko pa sa kanya.

"Ito,"Pinakita n'ya sa akin ang kanyang katawan sa akin at napatop ako ng bibig when I noticed her tummy.

"Oh, gosh!"Nakangiti naman s'yang tumango"Congratulations. Ilang months na?"

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon