Jennie's POV
I love you, Jennie....
I love you, Jennie....
I love you, Jennie....
Kahit ilang araw na ang lumipas nang sabihin iyon sa akin ni Lisa ay parang kahapon lang iyon dahil paulit-ulit sa aking pandinig.
Last day na namin dito at sa bawat araw na dumaan ay wala kaming ginawa kundi ang mag gala dito at mag foodtrip.
Pero kahit na nag eenjoy ako dito ay may gumugulo parin sa aking isipan. Gusto ko mang alisin iyon pero hindi ko talaga magawa.
"Love,"Napatingin ako kay Lisa na ngayon ay nakangiti sa akin habang may hawak-hawak na empanada.
Tumigil muna kami nang may makita kaming nag titinda ng empanada sa may tabi ng streets. May maganda namang view dito kaya nandoon ang iba naming kasama. Nanatili akong nakaupo dito sa may bamboo chair upang makapag isip.
"Thank you"Ngiti ko kay Lisa nang maibigay n'ya sa akin ang bagong favorite naming dalawa. Masarap talaga ang empanada dito sa ilocos kaya naman nagustuhan ko.
Napatingin ako sa aking pagkain at napabuntong hininga. Mamaya ay may date kami ni Lisa katulad nang napag usapan namin nung nasa Suba Sand Dunes kami.
"Saan tayo pupunta mamaya?"Tanong ko pa sa kanya.
"You'll see"He said and caressed my cheek.
"Lisa,"Hinawakan ko naman ang kanyang kamay kaya napatingin s'ya sa akin"About sa sinabi mo sa akin noong first day natin dito..."Napatigil naman muna ako"I'm sorry if..."
"I told you, you don't have to answer that, love"He said and smile at me"Just let me to love you, Jennie. Hindi naman kita minamadali, e"
"But-"
"It's okay...."He said and smiled at me."Just be with me later, masaya na ako doon"He added and kiss my forehead.
I don't know, pero pakiramdam ko, naiiyak na ako kahit hindi ko alam ang dahilan.
Tumango naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. Ngumiti naman s'ya sa akin bago kunin ang pagkain namin.
"Kain tayo"He said and feed me"Masarap diba?"
"Yeah...."Tanging nasabi ko.
Ramdam ko na hinawakan ni Lisa ang aking kamay at dinampian iyon. Hinawakan ko din naman ang kamay n'ya at hinaplos ang kanyang pisngi.
Bumuntong-hininga naman muna s'ya bago tumingin sa aking mga mata"Bukas, tabi ulit tayo sa bus, ah?"Ngiti n'ya pa sa akin.
"Of course..."Ngiti ko sa kanya"Sino pa ba ang tatabi sa akin?"
"Just in case...."He said and looked at me.
"Hoy, love birds, join naman kayo sa amin"Tawag pa sa amin nila Jisoo kaya naman tumingin ako kay Lisa.
"Go, puntahan mo na sila. Tawagan ko lang muna si mama"Sambit n'ya sa akin.
"Yeah, susunod ka, ah?"Sambit ko pa at tumayo.
"I will"He said and get his phone. Tiningnan ko naman muna s'ya bago lumapit kina Jisoo. Nakita ko naman si Lisa na hawak-hawak ang kanyang phone at mukhang may tinatawagan.
"Kumusta na kayo ni Lisa?"Tanong sa akin ni Irene nang makalapit ako.
"Mukhang okay na okay na kayo, ah?"Ngiti naman sa akin ni Rosé kaya naman tipid na ngiti lang ang nagawa ko.
Totoo, masaya ako sa nangyayari sa amin ni Lisa ngayon pero parang may kung ano parin ang pumipigil sa aking puso. Kahit hindi ko sabihin ay alam ko na kung ano iyon....kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
The Cure: Between heart and mind (book 2)
FanfictionJennie tried to love Lisa back but unfortunately she's still in love with Lisa. Not Lisa in real world but Lisa in her dream. Ano nga ba ang mangingibabaw para kay Jennie? Puso o isip? Panaginip o reyalidad? Mananatili nga ba s'ya sa nakasanayan n'y...