Jennie's POV
Halos dalawang linggo na ang lumipas nung bumalik kami dito sa Manila. At sa dalawang linggo na lumipas ay hindi ko parin nakakausap si Lisa.
Hindi ko alam kung may karapatan pa ba ako para kausapin s'ya. I've caused him a lot of pain. Hindi na ako magugulat kung iiwas s'ya sa akin.
Habang yakap-yakap ang libro ko ay may nakasalubong ako na isang tao.
"Ms. Dara"Tipid na ngiting bati ko sa kanya.
"Hi, Jennie"Ngiti nito sa akin bago tumingin sa hawak kong libro"Ibalik mo sa library?"
"Yes, Ms"Sagot ko naman sa kanya. Tumingin naman s'ya sa akin at parang pinag aaralan ang aking mukha.
"May problem ka ba? Lately, madalas ay napapansin ko na parang wala ka sa sarili. I mean, you were spacing out"She said and I just sighed.
"Madami lang pong iniisip, Ms"Sagot ko pa"Sorry po. Promise, I'll listen na po next time"
Hinawakan naman n'ya ako sa aking balikat"May klase ka pa ba?"Umiling na naman"Come with me, mag usap tayo"She said and smile at me.
Sumama naman ako dahil pakiramdam ko kailangan ko nga nang makakausap ngayon. Pwede naman sina Irene pero masyado na din silang madaming iniisip. Kahit iyong problem ko, nagiging problem na din nila.
Sumama ako sa office ni Ms. Dara"Take a seat"She said I sat in front of her office table. Naupo din naman s'ya sa kanyang upuan bago tumingin sa akin.
"You know what, Jennie, you're one of the great students here in the university"Ngiti n'ya pa sa akin"Kahit naririnig ko na medyo mataray ka, wala akong pakialam dahil hindi ka naman ganun sa akin."Napatawa naman ako bahagya"That's why I'm so wondering why these past few days, you're being quiet, hindi masyadong active sa klase"Ngayon ay nag alala na ang kanyang boses"You can tell me, everything, Jennie. I'm all ears"
"Ms."Sambit ko naman sa kanya"Masyado na po kaseng complicated"Napayuko naman ako at pinigilan na umiyak"May nasaktan akong tao na walang ginawa kundi ang mahalin lang ako"
"Sigeh, tell me, anak. Sabihin ko sa akin"She said and caressed my hand. Ako naman ay nagsimula nang umiyak at sinabi sa kanya ang problema ko.
Umiiyak akong nag kwento sa kanya, simula sa simula habang sa umabot na masaktan ko na si Lisa. Wala namang sinabi si Ms. Dara, nakikinig lang s'ya sa akin.
"And ngayon Ms. Dara, nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko"Sambit ko naman at napasapo na ng bibig.
Ramdam ko ang pag tayo n'ya at niyakap ako dito. Niyakap ko din naman s'ya at doon umiyak nang umiyak.
"Based sa nakwento mo, masyado ngang complicated"Pinunasan n'ya naman ang aking luha."Parehong Lisa pero mag kaiba naman ang nakikita mo sa kanilang dalawa"Bumuntong-hininga s'ya"Jennie, anak, sabihin mo sa akin, may lumalamang na ba sa puso mo?"Napatingin naman ako sa kanya"Kung meron man, iyon ang piliin mo dahil mahirap talaga ang mamili sa dalawa"Ramdam ko na parang nahihirapan si Ms. Dara sa problema ko.
"Pareho po silang mahalaga sa akin"Sagot ko naman sa kanya.
Tumango naman s'ya"Sigeh, sabihin na nating ganun pero kailangan mo paring sundin ang tinitibok ng puso mo, kung saan alam mo na doon ka sasaya"Hinawakan n'ya naman ang aking kamay"Masaya ka ba sa piling ni Lisa na nasa panaginip mo?"
"Yes, Ms."Tango ko sa kanya.
"How about kay Lisa na nandito?"Tanong n'ya naman kaya ganun nalang ang pag tingin ko sa kanya.
"I'm happy with him, miss"Totoong sagot ko sa kanya.
"Hindi mo naman s'ya siguro ginawang boyfriend mo dahil...nakikita mo sa kanya iyong Lisa na nasa panaginip mo, right?"Makahulugan n'ya pang tanong sa akin na s'yang kinainit na naman ng aking mga mata.
BINABASA MO ANG
The Cure: Between heart and mind (book 2)
FanfictionJennie tried to love Lisa back but unfortunately she's still in love with Lisa. Not Lisa in real world but Lisa in her dream. Ano nga ba ang mangingibabaw para kay Jennie? Puso o isip? Panaginip o reyalidad? Mananatili nga ba s'ya sa nakasanayan n'y...