Kumunot ang noo ni Andie nang makarinig ng ungol habang papalapit sa kwarto ni Zaire. Nawala ang ekspresyon sa mukha niya nang makatapat niya na ang pintuan ng kwarto nito at mas lalong narinig ang kakaibang ingay.
Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon, bumungad sa kaniya ang mukha ni Zaire na malawak ang ngisi habang tuwang-tuwa sa pinapanood na kabalastugan.
Mukhang hindi siya napansin nito kaya mabilis niyang tinungo ang desk na malapit sa pintuan at hinatak ang kable ng wifi sa kwarto nito.
"Shit, what happ- Andie naman!" buryong singhal nito sa kaniya na parang napakalaki ng kasalanan niya sa mundong ito.
"Gago ka ba? pinapunta mo ako rito tapos nanonood ka ng ganiyan? gusto mo basagin ko 'yang nasa gitna mo?" inis na sambit niya rito at tumungo sa sofa nito.
"No! You can't do that! Sayang ang magandang lahi ko 'no- fuck!" mabilis niyang binato ng unan ang mukha nito kaya naputol ang sinasabi.
"Pasalamat ka wala si tita rito, kun'di sinumbong na kita!"
"Tss. Killjoy ka Andie!"
"It's Al, not andie," paalala niya rito. Ilang taon niya na ba ito laging sinasabihan na Al ang itawag sa kaniya katulad ng tawag sa kaniya nang mga taong nakapaligid sa kaniya. Masiyadong babae ang Andie para sa kaniya, gusto niya ay Al lang dahil Andie Loucinda naman ang name niya.
"Edi okay, Loucinda!"
"Aba't gag- aray!" sigaw niya nang makalapit ito at inakbayan siya na parang sinasakal.
"Mura ka ng mura!"
"Ikaw rin naman! para ka kasing gago, nanonood pa ng porn!" Hinatak niya ang buhok nito at rinig niya ang daing nito kaya natuwa siya.
"Stop pulling my goddamn hair, Andie!" singhal nito sa kaniya. Dahil isa siyang mabait na kaibigan ay hindi niya ito sinunod kun'di hinatak pa ng husto.
Para sa mga babaeng sinaktan mong hayop ka!
Napahiga na siya sa sofa nito at nasa-ibabaw naman niya si Zaire na namimilipit pa rin sa sakit dahil hindi niya pa rin binibitawan ang buhok nito.
Hindi niya mapigilan na hindi matawa dahil sa itsura nito. Wala pa itong suot na shirt at tanging boxer short lang ang suot nito kaya tawang-tawa talaga siya sa itsura nito.
"Ay jusko ginoo!" pareho silang natigilan ni Zaire nang marinig ang boses ni Nanay Eve, ito ang matagal ng kasambahay at pinagkakatiwalaan ng pamilya ni Zaire.
"Nay!" masayang tawag niya at sinipa ang tiyan ni Zaire para makabangon siya.
"Ang sakit! tang- juice!" kinurot niya ito sa tagiliran. Nasa harapan nila si Nanay Eve kaya hangga't maaari ay ayaw niyang naririnig nito na nagmumurahan sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/312540202-288-k921991.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...