Isang traysikel driver lang si Lyndon Bautista ngunit marami siyang pangarap sa buhay gaya ng makapagpatayo siya ng isang sariling talyer...
Ngunit dahil sa siya lang ang bumubuhay sa tatlo pa niyang kapatid na nagsisipag aral dahil maaga silang naulila sa mga magulang kaya napunta ang obligasyon sa kanyang bilang isang padre de pamilya na hindi niya kayang tanggihan dahil sa mga mahal niyang kapatid na sina Tanya,.Celine at Faith....
Kahit anong hirap at pagod na nararamdaman ni Lyndon ay wala siyang reklamo dahil nais niyang makatapos ang kanyang mga kapatid at hindi matulad sa kanya na high school lang ang natapos kaya kung minsan ay umi extra siya bilang taxi driver kung color coding ng traysikel na pinapasada nito..
Joy Torres ay nag iisang anak ng kilalang pamilya na sina don Hernan Torres at Fely Torres...
Si Joy ay ang klase ng babae na titingnan ka mula ulo hanggang paa habang ang kilay nito ay nakataas...
At dahil sa nag iisang anak ay nasusunod lahat ng kanyang layaw...
Ngunit isang araw ay nagtagpo ang landas ng dalawa ng may nagtangkang holdapin ang bag ni Joy ngunit imbis na pasalamatan niya si Lyndon ay tinarayan pa niya ito..
At dahil doon ay nakaramdam ng galit si Lyndon sa mga mayayamang pamilya dahil sa sobrang mapanlait nila sa mga mahihirap at mula noon ay ipinangako niyang hinding hindi na niya uuliting iligtas ang babaeng kanyang tinulungan sakali mang muli niya itong makita sa ganoong sitwasyon..
Ngunit papaano kung sadyang mapagbiro ang tadhana at muling magkrus ang landas ng dalawa makakaya kayang baliwalain ni Lyndon ang mapang akit na kagandahan ni Joy?....
....abangan.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)