I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbinoKinabukasan gaya ng kasunduan ng magkaibigang Glenda at Joy ay dinalaw nga ni Glenda ang kaibigan..
Papasok palang si Glenda ay namataan na niya sa may terasa ang kaibigan nito na nakadungaw habang nasa may gate siya.
Agad namang pinapasok ng gwardiya si Glenda dahil kilala na siya ng mga ito,mula pa ng nasa high school sila ay magkaibigan na ang dalawa kaya nasanay narin si Glenda sa ugali ng kanyang kaibigan...
Nagmamadaling pumasok ng bahay si Glenda at nadatnan niya sa may sala si aling Luring na naglilinis..
"Good morning aling Luring!....bati ng dalaga sa matandang mayordoma ng mansiyon.
"Ay ikaw pala Glenda! Magandang umaga rin saiyo iha"....ganting bati ng matanda...."Napadalaw ka yata ah"....muling saad ni aling Luring.
"Opo aling Luring kasi dadalawin ko sana si Joy dahil ayaw daw niyang lumabas ng bahay kaya pinapapunta nalang niya ako rito para may kakwentuhan daw siya".... Salaysay nito kay aling Luring.
"Ah ganoon ba? Mabuti naman dahil lagi nalang siya sa kanyang kwarto at ayaw lumabas at kagabi ay nagtangkang tumakas,buti nalang at nakita siya ni Lyndon kaya nabulilyaso ang plano nito"...pahayag ni aling Luring.
"Sino pong Lyndon?...kunot noo na tanong ni Glenda sa matanda.
"Si Lyndon iyong bagong body guard niya".,,,muling tugon ni aling Luring.
"Ah Lyndon po ba ang pangalan niya?...
"Oo iha at pakiramdam ko ay takot si Joy kay Lyndon dahil wala siyang nagawa kagabi kundi magpapalag ng buhatin siya ni Lyndon papasok ng bahay"..
"Okay po kung ganoon baka sakaling mabago pa ang ugali ng aking kaibigan, but kahit na ganoon siya ka spoiled brat ay love na love ko po ang best friend ko"....
"Hmm mabait naman siya eh kaso lang nasobrahan ng pagka spoiled niya noong bata palang siya kaya lumaking matigas ang ulo at kaya lagi silang nagsasagutang mag ama dahil sa ipinagpipilitan niyang ayaw magkaroon ng alalay,ngunit ang daddy niya ay ikinuha parin siya upang mapanatili ang kanyang seguridad"......
"Alam ko po iyon aling Luring at naiintindihan ko po si tito Hernan, Nasaan nga po pala sila aling Luring?...
"Ah nagpunta sila sa opisina kasama si Lyndon dahil may kukunin daw doon si don Hernan at si donya Fely ay sinundo ng kanyang kapatid at may pupuntahan daw sila na party"...paglalahad ng matanda kay Glenda.
"Ah ganoon po ba? Sige po aling Luring tutuloy na po ako sa kwarto ni Joy!....paalam nito sa matanda.
"Siya sige iha at itutuloy ko na rin ang paglilinis ng bahay at maya maya lang ay magluluto na ako ng tanghalian".....sagot ni aling Luring sa dalagang bisita.
Ilang katok ang ginawa ni Glenda bago bumukas ang pinto ng kwarto ng kaibigan at parang nagtatalon na yumakap ito sa kanya ng mapagbuksan siya.
"Oh my dear friend! Thanks for coming!.....masayang turan nito sa kaibigan saka yumakap si Joy kay Glenda.
"Eh ano pa ba nag magagawa ko eh todo emo kana riyan!....kibit balikat na sagot ni Glenda.
"Hmm ang sabihin mo hindi mo ako matiis dahil loves mo ako diba friend?.....naglalambing na sabi ni Joy sa kaibigan..
"Oo na panalo kana!.....nandidilar ang matang sagot ni Glenda kaya napahalakhak nalang ang dalagang bisita.
"Hindi kaba na bo bored dito sa kwarto mo na lagi ka nalang nakakulong?....ani Glenda sabay tingin sa kabuuan ng kwarto.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomansaAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)