I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbinoPanay ang hagulgol ni Joy sa loob ng kotse habang ito ay nagmamaneho pauwi at ng makarating ng mansiyon ay magang maga na ang kanyang mga mata ngunit hindi parin tumutila ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Pagkababa niya ng kotse ay nagmamadali siyang pumasok ng bahay na ipinagtaka naman ng mga kasambahay nila lalo na si mang Aldo ngunit hindi na nagawa pang magtanong ng matanda dahil alam niyang hindi rin siya sasagutin ni Joy.
Ngunit ng makita siya ni aling Luring ay hindi nakapagpigil ang matanda at agad na sinundan si Joy na papunta noon sa kwarto nito habang panay ang hikbi.
"Joy iha ano ba ang nangyari at umiiyak kang umuwi huh?" nag aalalang tanong ni aling Luring ngunit patuloy lang sa paglakad ang dalaga at nakasunod lang naman si aling Luring.
"Joy, sabihin mo sa akin iha kung napaano ka at ano ang nangyari?" muling tanong ng matanda at pinigilan nito sa braso ng papasok na sana siya sa kwarto nito.
"Manloloko siya aling Luring! Pinaikot lang niya ako, pinaibig lang niya ako oara makapaghiganti sa mga nagawa ko noon sa kanya!" luhaang sagot ni Joy saka yumakap na ng tuluyan sa matanda.
"Sandali, hindi kita maintindihan eh! Ano bang ibig mong sabihin, pwede bang ipaliwanag mo ang lahat para malaman ko kung ano ang ibig mong sabihin?" alalang tanong ng matanda at niyakap narin nito ang dalagang amo na naghihinagpis.
"Niloko niya ako aling Luring! Akala ko ay tapat ang pagmamahal at pagsuyong ipinapakita at ipinapadama niya sa akin ngunit ang lahat ng mga iyon ay pawang mga kasinungalingan lang pala dahil may ibang babae siyang mahal. May ibang babae sa buhay ni Lyndon na siyang pakakasalan niya! At alam niyo ba kung sino siya aling Luring? Alam niyo ba kung sino?" parang nagmamakaawang saad ni Joy.
"Si-sino?" naaawang tanong naman ni aling Luring sa kanyang alaga.
"Ang best friend kong si Glenda. Kay saya nila aling Luring, kay tamis ng mga ngiti nila sa kanilang mga labi habang sila ay magkayakap sa loob pa ng bake shop at kitang kita ko na kay ningning ng mga mata ni Glenda habang nakatitig sa suot niyang engagement ring. Kaya pala ang sabi ni Lyndon ay importante ang lalakarin niya ngayon dahil napaka importante nga pala para sa kanya at nakahanda narin ang bahay na magiging bahay nila kung sakaling matapos ang kanilang kasal" pahayag ni Joy na mas lalo pang humagulgol ito sa iyak kaya alalang alala naman si aling Luring.
"Si-sigurado kaba sa sinasabi mo?"hindi makapaniwalang tanong ni aling Luring.
"Kitang kita ng dalawang mata ko aling Luring! Kitang kita ko kung gaano sila kasaya na halos hindi na nila alintana pa ang mga tao sa kanilang paligid dahil sa sayang nadarama para sa isa't isa." muling sagot ni Joy na iiling iling pa ito at noon ay tuluyan ng pumasok sa kanyang kwarto.
"Eh ano ang desisyon mo ngayon?" nag aalalang tanong muli ni aling Luring.
"I will leave him aling Luring. Kahit na gaano ko siya kamahal ay hindi ko kayang ipagsiksikan ang aking sarili kay Lyndon gayong alam kong may ibang babae pala na kanyang minamahal at ngayon ay kanyang pakakasalan" malungkot na sagot ni Joy na pinapahid nito ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.
"Joy iha, hindi na ba ninyo mapag uusapan ni Lyndon ang lahat?" lakas loob na tanong ni Ling Luring dahil nag aalangan siya sa sinabing iyon ni Joy dahil nakikita namna niya kung gaano kalambing sa dalaga ang binata sa tuwing nasa labas sila at maging sa harap nila kung minsan.
"Wala na po kaming dapat na pag usapan pa aling Luring, sapat na po ang nakita kong iyon. Ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking puso, ibinigay ko lahat maging ang buo kong pagkatao para lang mapatunayan ko kung gaano ko siya kamahal ngunit ang lahat ng iyon ay mababaliwala lang pala dahil hindi naman pala ako ang nasa kanyang puso. Hindi naman pala ako ang nais niyang iharap sa altar dahil nais lang niya akong paghigantihan sa mga nagawa ko noon sa kanya. Ayoko na aling Luring! Ayoko ng makita pa ang kanyang pagmumukha dahil baka hindi ko mapigil ang aking sarili. Susundan ko nalnag sina mommy at daddy sa States upang makalimutan ko ang lalaking minahal ko ng labis ngunit sasaktan lang pala ako" pigil ang paghagulgol at kagat kagat ang labi ni Joy dahil ayaw na sana niyang umiyak pa ngunit ang mga luha niya ay hindi tumitila sa pagbuhos.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)