I Love You
"Lyndon & Joy"
By..emzalbinoKinuha ni Joy ang kanyang mga kinainan saka nagmamadaling lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina para ihatid ang kanyang kinainan.
Gulat na gulat si aling Luring sa kanyang nakikita. Halos hindi ito kumukurap at nakasunod ang kanyang mga mata sa kahit saang lugar dumako sa kusina si Joy na napansin naman nito.
"Aling Luring what's wrong with you at kanina ko pa napapansin na parang gulat na gulat ka? nakangiting tanong ni Joy sa matandang mayordoma ng mansiyon.
"Ah, eh Wa-wala iha" pagkakaila ni aling Luring ngunit hindi talaga mapakali sa kakaibang ikinikilos ng dalagang amo at kita rin sa mga mata nito ang kasiyahan at maging ang aura ni Joy ay parang fresh na fresh...."Iha may itatanong lang ako sayo ha, at sana ay wag kang magagalit? deritsahang sabi ni aling Luring.
"Ano po iyon aling Luring? balik tanong ni Joy habang umiinom ng tubig.
"Ano ba ang nakain mo at kay ganda ng aura mo ngayong umaga at napakasaya mo na parang kumikislap pa ang iyong mga mata kung susuriin? nagtatakang tanong muli ni aling Luring.
"Ha ha ha! Aling Luring naman, bakit kailangan bang may makain para maging maganda ang umaga? Bakit hindi ba pwedeng inspired o kaya ay inlove? ani Joy na parang kinikilig ito.
"Inlove!? takang bulalas ni aling Luring...."Kanino ka naman inlove ha Joy? nanlalaki ang mga matang muling tanong ni aling Luring.
"Ay si aling Luring nakiki chika sa akin! Hmm basta nasa tabi tabi lang siya at saka ko na sasabihin sa inyo. Sige aling Luring at magpapahangin lang ako sa labas" nakangiting paalam nito sa matanda na naiwang nakatulala at hindi makapaniwala sa nakikita nito dahil palaisipan sa kanya kung sino ang lalaking nagpapatibok ng puso ng kanyang dalagang amo na kay hirap espilingen ang ugali nito.
"Hindi kaya si Lyndon ang lalaking iyon? Kasi kung ang pagbabasihan ang hitsura ni Lyndon ay posible dahil gwapo ito at macho at alam kong maraming babae ang magkakandarapa para makuha ang pansin nito" ani aling Luring saka napatingin sa pintuang nilabasan ni Joy.
...
Biglang napalingon si Lyndon ng may mga yabag na papalapit at ng lingunin niya ay si Joy na naka short ito ng kay iksi at litaw ang makikinis na long legged nito lalo pa at natatamaan ng sinag ng araw ang dalaga at naka spaghetti shirt siya ng puti.
Biglang napangiti ng wala sa oras si Lyndon habang pinagmamasdan niya nag dalagang papalapit sa kanya at agad rin niya itong sinalubong...."Good morning Sunshine" kaytamis ng ngiting bati ni Lyndon kay Joy sabay saboy ng tubig kay Joy ng makalapit na ito.
"Ay! tili ni Joy sa pagkagulat sa pagsaboy ni Lyndon ng tubig mula sa pool...."Ang lamig! muling saad nito at gagantihan sana niya ng pagsaboy si Lyndon ng maagap na hinawakan ni Lyndon ang kamay nito at tumatawang niyakap si Joy.
"Gaganti ka huh! wika ni Lyndon habang yakap yakap ang dalaga na nakatalikod sa kanya.
"Bakit mo kasi ako sinabuyan! kunwari'y nagmamaktol na sagot ni Joy ngunit sa totoo lang ay kinikilig ito habang yakap yakap siya ng binata.
"Eh hindi mo kasi sinagot agad ang bati ko sayo".saad ni Lyndon
"Bating ano? maang maangan na tanong ni Joy ngunit ang Sunshine na tinutukoy ni Lyndon ay alam niyang siya iyon.
"Good morning Sunshine sabi ko sayo pero hindi ka sumagot" ani Lyndon.
"Eh papaano ako sasagot eh hindi naman ako si Sunshine hmm" muling sagot ni Joy saka humarap kay Lyndon na nakayakap parin ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)