I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino5 YEARS LATER...
Matuling lumipas ang panahon maraming nagbago, maraming bagay na naglaho gaya ng isang tao ngunit sa damdamin ay naroroon parin ang ala ala ng usang kahapon na hinding hindi nila malilimutan dahil nakatatak, nakaukit na ito sa kanilang mga puso.
Sa nakalipas na limang na taon ay maraming nagbago kay Joy, hindi na siya ang dating Joy na laging pasaway, hindi na siya ang dating Joy na nagmumukmok lang sa isang tabi, siya na ngayon si Joy na isang babaeng independente, isang babaeng kaya ng tumayo sa sarili niyang paa dahil kailangan niyang gawin iyon, kailangan niya para sa kanyang pamilya dahil siya nalang ang tanging pag asa ng kanyang daddy at mommy na magpatuloy sa pamamahal ng kanilang negosyo dahil naging maselan na ang kalagayan ng kanyang ama at kailangan nito ng sapat na pahinga.
Itinuon niya ang kanyang atensiyon sa muling pag aaral kaya nakapagtapos siya ng Management sa Las Vegas dahil kailangan niyang mapag aralan lahat kung papaano magpatakbo ng isang negosyo.
Samantalang si Lyndon, matapos ang tatlong taon niyang pakikipagsapalaran sa Saudi ay napatapos niya sa kolihiyo ang dalawa niyang kapatid na sina Tanya at Celine na ngayon ay nag ta trabaho na rin at si Faith ay graduating narin sa college kaya naman kahit papaano ay masaya na siya. At nakapag pundar narin siya ng sarili niyang town house na para sa kanya at nabilhan din niya ang kanyang mga kapatid na siyang tinitirhan nila ngayon at si Lyndon ay sa sarili nitong bahay siya tumutuloy at araw araw lang niya binibisita ang kanyang mga kapatid.
Ang dating maliit na talyer na kanyang ipinatayo noon ay isa ng BAUTISTA HARDWARE and MOTOR SHOP o BHMS na isa sa mga kilala sa Kamaynilaan dahil sa kalidad ng mga spare parts ng mga sasakyan at iba pang electronic devices na ibinibenta at talaga namang high qualities.
Tagumpay sila sa kanilang mga pangarap sa buhay ngunit parang hungkag ang kanilang pagkatao, parang may kulang, may hinahanap hanap sa tuwina at alam nilang pareho kung ano iyon ngunit papaano nila makakamit kung ang isa sa kanila ay nag aakalang hindi na nito pag aari ang isang lalaking minsan ay minahal niya ng buong buhay at katapatan.
..
Napabuntong hininga si Lyndon habang nakaupo sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Nakamit na niya ang kanyang mga pangarap sa buhay ngunit hindi parin siya masaya dahil ang Sunshine ng kanyang buhay ay hindi parin nagbabalik na sadyang kinalimutan na talaga siya.
"Joy, talaga bang nilimot mo na ako? Hanggang doon na lang ba talaga ang relasyon natin? Ni hindi mo ba ako na miss kahit minsan?" sunod sunod na tanong ni Lyndon sa kawalan habang nakatingin sa bintanang salamin na tagos sa labas ng kalsada kaya kitang kita nito ang mga taong nagdaraan roon...."Kahit na naririto na ako sa kinatatayuan ko ngayon ay hindi parin ako masaya Sunshine dahil nasa iyo, binaon mo sa iyong pag alis ang kaisa isang kaligayahan ko sa buhay, isinama mo ang aking puso sa iyong paglisan kaya ngayon ay kay lungkot ng aking mundo dahil hanggang ngayon ay nangungulila parin ako at umaasang babalik ka ngunit kailan? Kailan ka babalik sa piling ko Joy? Kailan?" dagdag na katanungan ni Lyndon sa sarili saka bumuntong hininga ito ng sunod sunod.
....
Las Vegas...
Isang umaga maganang nagsasalo ang mag anak ni Don Hernan. Masaya siya dahil ang kaisa isa nitong anak ay biglang nagbago, naging isa ng ulirang anak kaya nawala ang pangamba at agam agam sa kanyang isipan.
"Ah iha kailan ka pala uuwi ng Pilipinas? Kailangan na kasi na maipakilala kita bilang kapalit ko sa pwesto ko dahil nag retired na si Mr. Chen dahil sa kanyang sakit" pahayag ni don Hernan na ikinagulat ni Joy dahil nabigla ito ng marinig niya ang sinabi ng ama. Alam niyang one day ay kailangan niyang umuwi ng Pilipinas ngunit sa ngayon ay parang hindi pa siya handa.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)