I LOVE YOU
-LYNDON & JOY-
by...emzalbinoNagmamadaling inihanda ni Lyndon ang kanilang agahang magkakapatid dahil mamamasada pa siya sa taxing isa sa mga side line niya sa tuwing color coding ng traysikel na pinapasada niya...
"Celine!..Faith!,..Tanya!..halina at ng sabay sabay na tayong kakain at tanghali na't wala na naman akong mapapasadahan nito kung tatanghaliin ako ng alis!" tawag ni Lyndon sa kanyang tatlo na nakakabatang kapatid na babae...
"Opo kuya naririyan na!" sagot ni Tanya na siyang sumunod sa kanya na nasa third year high school samantalang si Celine ay nasa first year palang at si Faith ay nasa grade six...
"Asan si Celine at Faith?" tanong ni Lyndon sabay dulog ng pinggan ng kapatid sa harap nito saka iniabot ang sinangag na kanin at pritong tinapa at itlog...
"Nagbibihis kuya" sagot naman ni Tanya saka inumpisahang kumain...
"Good morning kuya!" maya maya ay sabay na bati ni Faith at Celine kay Lyndon sabay halik nito sa pisngi ni Lyndon....
Sa tatlo niyang kapatid ay mas malambing si Faith dahil siguro ay bunso ngunit masunurin naman silang pareho kay Lyndon at matatalino pa kaya nga ginagawa lahat ni Lyndon ang kanyang makakaya para mapag aral niya ang kanyang mga kapatid at magamit nila ang kanilang mga dunong...
"O hala maupo na kayo Faith at Celine ng makakain na tayo at nagmamadali ako at kailangan ko pang iligpit ang mga pinqgkainan natin para hindi langgamin pagdating natin" saad ni Lyndon sa mga kapatid at tumango nalang sina Celine at Faith at tahimik nilang pinagsaluhan ang simpleng agahan na nakahain sa may hapag kainan...
Matapos na linisin ang lahat ng kalat sa bahay ay saka lang umalis si Lyndon dahil ayaw na ayaw niya ang makalat na kapaligiran lalo na sa loob ng bahay...
Naging responsable sa mga gawaing bahay at sa mga kapatid si Lyndon magmula ng mamatay ang kanilang mga magulang at kahit na gustuhin niyang mag aral kahit na mekaniko lang sana para madagdagan pa ang kaalaman niya sa pag me mekaniko ay hindi na niya ginawa pa dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pag aaral ng kanyang mga kapatid...
.......
Nagmamadaling bumaba ng dyip si Lyndon at agad na pinindot ang doorbell ng bahay ni mang Aldo ang may ari ng taksing sina sideline niya....
"O ikaw pala Lyndon, akala ko ay hindi ka mamamasada ngayon?....bungad na tanong ni mang Aldo ng pagbuksan nito ng gate si Lyndon..
"Na trapik po kasi ako mang Aldo kaya medyo late ng kaunti" sagot ni Lyndon saka kinuha ang timba at panlinis ng sasakyan at winashing niya ang taxi para makintab itong ilalabas niya...
"Ah ganon ba! o siya sige maiiwan na kita at heto pala ang susi ng sasakyan at papasok na ako sa trabaho ko at baka mahuli din ako eh tiyak na nakasimangot na naman yung anak ng amo ko kung saka sakali" ani mang Aldo kay Lyndon..
"Ah wala pong problema mang Aldo, magpapaalam nalang po ako kay aling Berta pag alis ko at sandali lang namang lilinisin ito at lalarga na rin ako ng makarami naman kahit papaano" sagot ni Lyndon kay mang Aldo saka dumiretso na ng alis ang matanda...
Ilang sandali pa ang nakakalipas ay natapos nari ni Lyndon ang paglilinis ng taksing ipapasada nito..
"Aling Berta aalis na po ako" paalam nito sa matandang babae na asawa ni mang Aldo...
"O sige iho at mag iingat ka" sagot ni aling Berta saka isinara nito ang gate ng bahay at pumasok sa loob...
........
Samantala sa mansiyon ng FAMILIA TORRES ay kanina pa napipikon si Joy sa kaaantay sa isa nitong body guard dahil ang personal body guard niya ay naka on leave kaya ang isa nalang nilang guard sa bahay ang inatasan ng kanyang daddy para siyang umalalay sa kanyang mga lakad...
"Daddy anong oras na ay wala pa si mang Aldo, kanina pa naghihintay sa akin si Glenda!" inis na turan ni Joy sa kanyang ama saka nagdadabog na naupo sa may sofa..
"Anak eh diba katatawag lang ni mang Aldo na nasa daan na siya kaya hintayin mo nalang dahil baka natrapik lang siya" sagot ni don Armando sa unica hija nito..
"But dad, Glenda is waiting for few minutes already at nakakahiya kung pag aantayin ko pa ng mas matagal iyong tao!" asar na sumbat ni Joy sa kanyang ama..
"Ok! si Alvin na muna ang isama ko sa lakad mo at pasusunurin ko nalang si mang Aldo sa kinaroroonan ninyo ng hindi na humaba pa ng husto ang nguso mo!" tanging saad ni don Armando saka iiling iling na napaupo sa sofa dahil sa sobrang tigas ng ulo..
"It's better dad!...turan ni Joy saka deritsong lumabas ng bahay at deritso sa kanyang kotse at nakasunod naman sa kanya ang guardiyang si Alvin ngunit nakasakay sa ibang sasakyan dahil ayaw niyang may katabi o kasamang body guards sa loob ng kanyang kotse..
Sa bilis ng pagpapatakbo ni Joy ay nahuli ang nakasunod sa kanyang body guard dahil narin sa sobrang haba ng trapik kaya hindi na niya ito hinintay pa at dumiretso na ito sa MALL OF ASIA kung saan ay naroroon si Glenda at naghihintay sa kanya..
Nagmamadaling ipinarada ni Joy ang kotse sa may parke at naglakad nalang siya papasok at nakipagsiksikan sa mga tao at hindi na siya gumamit ng elevator...
Samantala matapos maihatid ni Lyndon ang una niyang pasahero sa MOA ay bigla niyang naalala ang pinapabili pala ni Faith sa kanya na school things nito kaya sandali niyang ipinarada ang kanyang taksi na minamaneho upang pumunta sa may book store ng mall para mabili na niya ito...
Siksikan sa dami ng taong nag uunahang pumasok sa entrada ng mall dahil may nagkataon yatang show ng isa sa sikat na artista ngunit pumasok parin siya at ng nasa unang palapag palang siya ay palinga linga siya sa paligid para alamin kung saan banda ang section ng mga school supplies...
Hindi makita kita ni Joy si Glenda kaya sinabihan niya ang kaibigan na antayin nalang niya ito sa may school supplies habang namimili siya ng stationary at mga color pens ng biglang may humablot ng kanyang handbag.....
"Magnanakaw!...magnanakaw!!...magnanakaw!!....sigaw ng naghehisterikal na si Joy na halos mamutla na sa pagkagulat...
Nagkagulo ang mga tao sa lakas ng sigaw ni Joy...
Saktong dadamputin na sana ni Lyndon ang librong pinabibili ng kapatid niyang si Faith ng may marinig siyang sumisigaw ng magnanakaw kaya agad niyang binitiwan ang bibilhin sanang libro at agad na lumabas ng school supplies at tamang tama na papunta sa direksiyon niya ang lalaking may hawak hawak ng bag kaya ng saktong makatapatsa kanya ay agad niya itong pinatid at natumba ang lalaki saka naman agad na inundayan ni Lyndon ng magkasunod na suntok ang lalaki at agad na inagaw sa lalaki ang hinablot nitong bag...
Agad na dumalo ang mga guardiya at mga pulis upang arestuhin ang magnanakaw samantalang hawak parin ni Lyndon ang bag dahil hindi nito kilala ang may ari ngunit maya maya lang ay nagulat siya ng may biglang humablot sa kanya ng bag...
"Hey! just give me my bag and don't keep on holding it dahil baka kalawangin pa ito!" mataray na wika ni Joy sa lalaking hindi niya kilala.
"Miss wala akong interes sa bag mo kahit na mamahalin pa ito at kaya ko hawak hawak dahil hindi ko alam kung kanino ko ibibigay" sagot naman ni Lyndon sabay tingin sa mukha ng babae..
"What ever!" tanging turan ni Joy saka nakataas ang kilay na tinalikuran ang lalaking nakabawi ng kanyang bag at ni hindi man lang niya nagawang magpasalamat..
"Tinulungan na nga, ikaw pa ang lumabas na masama! Ang mga mayayaman talaga parang nakakatitano ang tingin nila sa mahihirap! sa Susunod na mag krus ang landas natin ay hinding hindi kana makakaungot sa akin para sagipin ka dahil sa pag uugali mong mapag mataas!" tiim bagang na bulong ni Lyndon sa sarili saka muli nitong binalikan nito ang binibiling libro.
ITUTULOY!....
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)