I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbinoLas Vegas....
Ilang araw na mula ng biglang dumating si Joy sa America ay nakatulala lang ito at nakatingin sa malayo na para bang kay layo ng kanyang iniisip. Laging nagkukulong sa kwarto na kung hindi pa pasukin ng kanyang mga magulang para kausapin ay hindi ito iimik kaya labis ng nag aalala ang mag asawang don Hernan at donya Fely..
"Hernan ano na ba ang nangyayaring ito sa anak natin, ni hindi makausap ng matino at laging tulala at ang mga mata niya'y laging namumugto!" paroo't paritong tanong ni donya Fely habang nakatanaw sa anak na nasa may hardin at nakapangalumbaba roon na animo ay may hinihintay dahil nakaharap sa may gate.
"Ako ma'y naguguluhan narin sa kanya. Mula ng dumating siya ay ganyan na ang kanyang hitsura, baka naman may dahilan ang pagparito niyang bigla ng wala man lang pasabi?" nag aalala na ring sagot ni don Hernan habang nakatanaw kay Joy.
"Mas mabuti sigurong kausapin natin siya ng masinsinan para malaman natin ang kanyang problema" suhistiyon ni donya Fely sa kanyang esposo.
"Mabuti pa nga" sang ayon na sagot ng don.
....
Isang hapon nakaupo sa harap ng nakasinding tv si Joy ngunit ang kanyang mga mata ay hindi naman nakapukos doon kundi sa may bintanang nakabukas at doon ay nakikita niya ang mga punong kahoy na idinuduyan ng malalakas na hangin at dinig na dinig nito ang nag aawitang mga ibon na para bang napakasaya nila, maya maya pa ay muli na namang dumaloy ang kanyang luha dahil kahit na anong pilit niyang kalimutan si Lyndon ay lagi namang sumisiksik sa kanyang isipan lalo na kapag gabing malamig na kahit na pilit niyang itinatanggi sa kanyang isipan ay andun parin ang kanyang pangungulila sa mga mahihigpit na yakap sa kanya ni Lyndon, ang pag unan nito sa braso ng binata habang nakayakap siya sa kanyang Thunder na nakayapos ang isa naman nitong kamay sa kanya at kung ilang beses na pinapaliguan ng halik ang kanyang noo, ang kanyang mukha at angkinin nito ang kanyang labi hanggang sa kapusin silang pareho ng hininga.
"Heto ang panyo" anang donya Fely na noon ay hindi namalayan ni Joy na nakalapit na pala ang kanyang mommy kaya biglang natigil ang kanyang pag e emosyon.
"Thank mommy" sagot ni Joy at inabot ang panyong bigay ng kanyang ina at pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi at mga mata.
"Anak ano ba ang problema mo at bigla kang napasugod dito sa states? At mula ng dumating ka ay ganyan na ang ikinikilos mo? Sabihin mo sa amin anak kung ano iyang mabigat na dinadala mo para alam namin at baka sakaling makatulong kami ng iyong daddy dahil nag aalala narin kami sa iyo? malumanay na tanong ni donya Fely na noon ay naupo sa tabi ni Joy.
"Mo-mommy hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya ang sakit at bigat ng aking dibdib! Ang sakit sakit mommy!" humahagulgol na sabi ni Joy saka biglang yumakap ito sa kanyang ina.
"Bakit ano bang problema mo? Sabihin mo anak at makikinig kami ng daddy mo" mahinahong sabi ni donya Fely at noon din ay palapit si don Hernan sa kinaroroonan ng kanyang mag ina.
"Mommy, daddy minahal ko siya ng buong puso ko. Ibinaba ko ang pride ko ng dahil sa kanya, kinalimutan ko ang lahat lahat, ipinantay ko ang aking pagkatao sa kanya dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ngunit bakit niya ako pinagpalit sa ibang babae? Ano bang wala ako na meton si Glenda? Dahil ba sa spoiled brat ako? Dahil ba noong una ay pinakitaan ko siya ng hindi magandang pag uugali? Hindi ko maintindihan mommy, daddy dahil noong una ay masaya naman kami ngunit biglang bigla nalang ay nag iba ang lahat. Bigla nalang siyang nawalan ng Amor sa akin at ng matuklasan ko ay sila na pala ng kaibigan ko. Sila na! engaged na sila Lyndon at Glenda na kung hindi ko pa siya sinundan ay hindi ko pa malalaman ang lahat lahat" humihikbing salaysay ni Joy na mas lalo pang lumakas ang paghagulgol nito.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)