Chapter 23

5.1K 127 14
                                    

I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino


Pagdating ni Joy ng mansion mula sa pamamalengke nila ni aling Luring ay nagkulong na ito sa kanyang kwarto at doon ay nagmukmok maghapon at ni hindi na nagawang kumain dala ng pagdaramdam nito sa sinabing iyon ng manghuhula tungkol sa kanila ni Lyndon na babae daw ang dahilan ng kanyang pagluha.

Dahil doon ay hindi na nawaglit sa kanyang isipan ang salitang babae at maya maya ay biglang mayroon na namang sumagi sa kanyang isipan.

"It's sounds like the same that the old woman says before" biglang sambit ni Joy na noon ay muli na namang nangilid ang kanyang mga luha Kahit na magang maga na ang kanyang mga mata ay ni hindi niya kayang pigilan pa ang kanyang emosyon.

Samantalang napapailing nalang si aling Luring dahil sa kanyang among dalaga na nagpapaniwala sa hula hula na kahit na pinagsabihan na nito na wag maniwala ay hindi parin siya nito pinakikinggan kundi ang iginigiit nito ay ang hindi daw niya kayang tanggapin ang lahat ng iyon kung sakaling mangyaring magkahiwalay sila ni Lyndon dahil sa ibang babae.

"Hay naku ang pag ibig nga naman,Nagagawang baliw ang isang tao basta masunod ka lamang!"ani aling Luring sabay buntong hininga ito at muling ibinalik ang pagkaing para sana kay Joy ngunit hindi nito kinain dahil wala daw itong ganang kumain.

...

Masayang masaya si Lyndon dahil sa mahigit isang linggo nitong pagkakaabala na halos napabayaan na niya ang kanyang babaeng mahal ay nakahanap narin siya ng bahay na matuyuluyan ng kanyang mga kapatid.

Parang nakahinga na ng maluwag si Lyndon at naalis na ang pag aalala sa kanyang dibdib dahil sa sobrang pag aalala para sa mga kapatid.

"Heto po ang deposit at down payment para sa upa ng bahay aling Marta" ani Lyndon sa matandang dalaga na may ari ng paupahang bahay.

"Ay salamat iho at binigay mo na agad ang bayad mo dahil kailangan ko kasi ng pera. Kahit na anong oras at araw ay pwede ng lumipat dito ang mga kapatid mo at wag kang mag alala dahil safe na safe ang mga kapatid mo sa lugar na ito dahil halos katabi lang ng baranggay ang bahay nila at nakikita ko rin dahil magkatapat lang kami kaya pwede ko silang tingnan tingnan kung wala akong ginagawa".pahayag ni aling Marta kay Lyndon.

"Salamat po aling Marta, siguro po ay sa susunod na araw pa sila makakalipat dahil ang mga gamit pa po muna ang unang ililipat namin rito at kailangan pa pong mamili ng ibang kailangan nilang gamit dahil ang mga ibang gamit namin ay masyado ng luma at kailangan ng palitan" saad naman ni Lyndon.

"Naku iho wag kang mag alala dahik hindi naman ako nagmamadali at kung sakaling kakailanganin ninyo ang tulong ko ay wag kayong mag mag atubiling sabihan ako dahil hangga't kaya ko ay maka katulong ako sa inyo" muling saad ng matandang dalaga.

"Naku salamat po ulit aling Marta, sige po at mauuna na ako at medyo dumidilim na eh dadaanan ko pa ang aking mga kapatid bago ako uuwi sa aking trabaho" paalam ni Lyndon kay aling Marta.

"Ah eh, lumarga ka na at gabi na nga"sang ayong wika ni Aling Marta at umalis na nga si Lyndon.

...

Nang makarating si Lyndon sa bahay ng kanyang mga kapatid ay mag aalas otso na ng gabi kaya ng masabi nito ang kanyang pakay sa mga kapatid ay nagpaalam na ito sa kanila upang makauwi narin.

Ngunit sa malas naman ay trapik pa kaya naman ganoon na lamang ang inis ni Lyndon dahil ma le late na naman siya ng uwi at malamang na tulog na si Joy pagdating nito.

"Marami na akong utang kay Sunshine, di bali pag natapos ko na ang problemang ito ay babawi ako sa kanya at alam kong nagtatampo na iyon sa akin" buntong hiningang bulong ni Lyndon sa sarili habang nakamasid sa kanyang harapan na nakahilera ang sangkatutak na sasakyang nagbubusinahan pa.

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon