Chapter 10

5.8K 132 3
                                    

I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbino

Biglang nakaramdam ng awa si Lyndon ng makitang naglalandas ang luha sa pisngi ni Joy ngunit maya maya lang ay napabuntong hininga ito ng malalim saka deretsong pinatakbo ang kanyang kotse...

"No Lyndon wag na wag kang madadala sa drama niya dahil matatalo ka niya!.......kontra ni Lyndon sa isip nito at itinuon nito ang atensiyon sa pagmamaneho..

Hindi na napigilan pa ni Joy ang pagtulo ng kanyang luha ng mga sandaling iyon dahil nasaktan siya sa mga sinabi at ginawa ni Lyndon sa kanya, alam niyang mas masakit ang kanyang ginawa nito noon sa binata ngunit hindi niya akalain na mas masakit pala kung sa isang lalaking iyong lihim na hinahangaan manggagaling ang isang pang i insulto...

Maya maya ay marahang pinahid ni Joy ang kanyang mga luha at itinuon nalang ang atensiyon sa labas ng bintana at nakatingin sa bawat paligid na kanilang dinaraanan hanggang sa makauwi na sila..

Pagkababa ni Joy ng kotse ay diretso siya sa loob ng bahay at walang lingon likod na tinungo ang kanyang kwarto samantalang si Lyndon ay tinawag ni don Hernan at donya Fely para kausapin ito..

Nang makapasok na sa may library ay marahang isinara ni Lyndon ang pintuan at saka naupo sa may bakanteng upuan paharap sa mag asawang magkatabing nakaupo...

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo don Hernan at donya Fely?.......magalang na tanong ni Lyndon sa mag asawa..

"Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa Lyndon, Bukas ng umaga ay aalis kami ng aking asawa patungong Europe para doon namin gaganapin ang selebrasyon ng aming wedding anniversary at kaya namin kinausap ay para ihabilin sa iyo ang aming unica hija"......panimula ni don Hernan.

"Ganoon po ba?.......ani Lyndon.

"Oo Lyndon! Alam mo bang panatag ang kalooban naming mag asawa kung ikaw ang kasama ng aming anak dahil nakita namin ang malaking pagbabago ng kanyang ugali mula ng ikaw ang naging body guard niya at natutuwa kami sa aming nakikita kaya ikaw nalang ang bahala sa kanya, siguro ay magtatagal kami roon ng mahigit na isang buwan o kaya ay dalawang buwan dahil nais naming sulitin ang pamamasyal at ng mabisita narin namin ang mga ilang kamag anakan namin roon".......pahayag ni Don Hernan sa binata.

"Salamatpo sa inyong pagtitiwala at wag po kayong mag alala dahil hangga't ako po ang alalay ng inyong anak ay sisiguraduhin ko po ang kanyang kaligtasan para magawa ko ng tama ang aking tungkulin".......saad ni Lyndon sa mag asawa.

"Salamat iho at sana ay magkamabutihan pang lalo ang inyong pagsasama ng aking anak dahil gustong gusto ka namin dahil nakikita namin sa iyo ang isang respinsableng katangian ng isang lalaki"........lantarang sabi ni don Hernan kay Lyndon na ikinamula ng mukha ng binata.

"Salamat pong muli pero mahirap pong magkasama ang isang leon at isang daga dahil wala pong kalaban laban ang isang daga sa napakabangis na leon".......ani Lyndon.

"Pero ang isang munting daga ay siyang naging dahilan ng pagka amo ng usang mabangis na leon at iyon ang isa sa hinahangaan ko sa iyo iho, hindi nasusukat sa estado ng buhay ang lahat ng nangyayari dito sa ibabaw ng lupa. May mga importanteng bagay rin na hindi kayang bilhin ng pera at iyan ay ang respeto at ang pagmamahal na siyang taglay mo. Alam naming disappointed ka sa aming sutil na anak ng una pa man kayong magkita ngunit kami na ang humihingi ng despensa sa kanyang mga nagawa sayo at sana gaya ng sabi ko sayo ay wag na wag mong pababayaan dahil kahit na spoiled brat si Joy ay mahal na mahal namin ang aming anak"............nakangiting pahayag ni don Hernan na sinang ayunan naman ng isang tango ni donya Fely...

"Salamat po sa inyong pagtitiwala"........tanging sagot ni Lyndon at ng ngitian siya ng mag asawa ay nagpaalam na si Lyndon.

Habang naglalakad papunta ng kanyang kwarto ang binata ay hindi maalis alis sa isip nito ang sinabi ng don, ang tungkol kay Joy na parang pinagtutulakan pa nila ito sa kanya ngunit hindi maalis alis sa isip nito ang ginawa ng dalaga noon sa kanya kaya't kahit na nabibighani siya sa kagandahan ni Joy ay pilit niyang binabaliwala ang kanyang nararamdaman dahil ayaw niyang masaktan, ayaw niyang umiyak na gaya ng mga napapanood niya noon sa tv at lalong ayaw niya na isang katulad ni Joy na mapanghusga sa kapwa ang makakapagpabagsak ng isang kagaya ni Lyndon...

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon