Chapter 17

5.3K 142 7
                                    

I Love You
"Lyndon & Joy"
By..emzalbino

Biglang uminit ang ulo ni Lyndon sa sinabing iyon ni Glenda kaya't para masigurong hindi nagbibiro ang dalaga ay tiningnan niya ang ward robe na lagayan ng damit ng dalawa at totoo ngang wala doon ang mga gamit ni Joy.

Tinawagan niya ito ngunit hindi niya makontak kaya iiling iling sa galit si Lyndon...." Glenda tara sa baba para matanong natin sa may information area kung umuwi na nga ang babaeng iyon! galit na wika ni lyndon kay Glenda na tumango lang ito at sumunod sa binata.

Malalaki ang mga hakbang ni Lyndon na tinungo nito ang kinaroroonan ng babaeng naka assign doon...." Miss excuse me, maari bang magtanong? pilit na pinakakalma ni Lyndon ang boses mito habang nakikipag usap sa harap ng babae.

"Opo sir. Ano po bang maipaglilingkod ko? magalang na sagot ng babae sabay ngiti nito.

"Nag check out na ba si Ms. Joy Torres?muling tanong ni Lyndon at si Glenda ay tahimik lang na nakikinig na medyo kinakabahan.

"Ah i will check it first sir" sabi ng babae saka nito tiningnan sa log book....." Yes sir, kaninang quarter to 2:00 am pa" muling sabi ng babae na ikinagulat ng dalawa.

"What! Huh!" Sabay na bulalas ng dalawa dahil hindi makapaniwala na habang nasa kasasagsgan ng kasiyahan si Glenda na kasama si Lucas at si Lyndon naman ay nakatulog sa tabing dagat ay tumakas pala ang kanilang kasama.

"Bakit sir, hindi ba nagpaalam ang kasama ninyo? takang tanong ng babae habang palipat lipat ang tingin nito sa dalawa at mas higit na kay Lyndon na noon ay halos magdikit na ang kilay nito sa sobrang pagkakakunot ng noo.

"Ah eh" hindi makasagot si Lyndon sa tanong sa kanya ng babae...."Okay lang Miss,sige tutuloy na muna kami" maya maya ay paalam ni Lyndon at nauna ng lumakad patungo sa may lift habang nakasunod lang si Glenda sa binata na walangkaimik imik ngunit ng nasa tapat na sila ng lift ay.

"Lyndon uuwi kana ba? alinlangang tanong ni Glenda kay Lyndon.

"Oo" tanging sagot ni Lyndon sabay buntong hininga.

"Maiiwan nalang muna ako rito" ani Glenda.

"Ikaw ang bahala pero ako kailangan ko ng u uwi ngayon din dahil sa babaeng iyon" pormal ang mukhang wika ni Lyndon.

"Si-sige ingat sa biyahe" muling wika ni Glenda ng biglang may tumawag sa kanya kaya napalingon siya sa kanyang likuran.

"Glenda! muling tawag ng lalaki kay Glenda at ng lingunin niya ay si Lucas pala ang tumatawag na iyon.

"Lu-Lucas" nakangiting tugon ni Glenda sabay lingon kay Lyndon na noon ay parang nagtatanong ang mga mata nito.

"Ah Lyndon siya si Lucas, at Lucas siya si Lyndon iyong ikinukwento ko sayo kagabi? pahayag ni Glenda saka palipat lipat ang tingin nito sa dalawang lalaki.

" Nice to meet you Lyndon! nakangiting sabi ni Lucas sabay lahad ng kamay nito sa binata...." Ikinagagalak din kitang makilala Lucas" sagot ni Lyndon sabay tanggap ng kamay ng binata at nag kamay ang dalawa.

"Sige bro, Glenda maiwan ko na kayo at hindi na ako magtatagal dahil kailangan ko ng bumalik sa Maynila" paalam ni Lyndon sa dalawa at tumango lang ang mga ito at agad na pumasok si Lyndon sa elevator na saktong bumukas sa kanilang tapat.

....

Maynila...

Mag aalas siyete na ng umaga ng makarating sa mansiyon si Joy dahil ng nasa airport siya sa Boracay ay hindi muna siya sumakay ng eroplano kundi hinintay muna niya na magliwanag bago niya ipinasyang umuwi dahil umasa siyang susundan siya ni Lyndon ngunit hindi nito ginawa at nagmukha lang siyang tanga hanggang sa nakatulugan niya ang paghihintay.

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon