I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbinoNakatanga at tulala si Joy na nakatingin sa pintuang nilabasan ni Lyndon na umalis lang ng walang paalam.
"Saan kaya pupunta ang taong iyon at ni hindi man lang nagawang magpaalam sa akin? takang tanong ni Joy na napatayo narin sa may hapagkainan at tahimik na tinungo ang main door ng bahay at sakto namang narinig nito ang ugong ng kotseng papaalis kaya malungkot na tinanaw nalang niya ang labas ng gate na hindi man lang niya naabutan ang pag alis ng lalaking minamahal.
"Mang Aldo saan po ba pupunta si Lyndon? baling na tanong ni Joy sa guardiya na papalapit sa kanya.
"Eh hindi naman niya sinabi Joy basta nagmamadali lang na sumakay ng kotse at pinaharurot agad ang kotse" sagot naman ng matanda kaya nagkibit balikat nalang si Joy ngunit sa loob loob niya ay may kung anong katanungan.
"Ano kaya ang nangyari at sino ang kausap niya? muling tanong ni Joy sa sarili dahil hindi niya naintindihan ang sinasabi ni Lyndon dahil sa parang natataranta ito.
..
Pagdating ni Lyndon sa bahay nila ay tahimik na naman ang paligid ngunit nagkalat ang mga basag na bote at bubog sa kalsada at maging sa may harap ng bahay nila.
Nagmamadaling binuksan ni Lyndon ang pinto ngunit naka locked ito kaya kumatok siya sabay tawag ng pangalan ng kanyang mga kapatid.
"Ku-kuya Lyndon! halos nanginginig pang sambit ni Tanya sa kapatid na agad na yumakap sa binata at noon din ay tuluyan ng napahagulgol.
"Tama na Tanya naririto na ako,nasaan sina Celine at Faith?" agad na tanong ni Lyndon sa dalagita nitong kapatid habang magkayakap sila.
"Nasa kwarto sila kuya, nagkulong lang kami sa kwarto habang nagkakagulo sa labas" kwento ni Tanya na hindi parin naaalis ang pangangatog ng tuhod nito dahil sa sobrang takot.
Agad na tinungo ni Lyndon ang kwarto at ng makita siya ng dalawa niyang kapatid ay agad siyang sinugod ng mga ito ng yakap na umiiyak.
"Kuya takot na takot na kami dito! Kuya baka bumalik ang mga nag aaway na lasing at batuhin nilang muli ang bahay natin! humihikbi at nanginginig sa takot na sabi ni Faith at si Celine naman ay tahimik na umiiyak habang nakayakap kay Lyndon at ramdam ng binata ang sobrang takot ng mga kapatid.
"Nasaan na ang mga lasing na iyon? tiim bagang na tanong ni Lyndon.
"Dinampot na ng mga pulis kuya dahil may tumawag kanina ng pulis kaya nahuli ang mga lasing na iyon pero natatakot parin kami kuya na baka muli na namang maulit ang nangyari kanina dahil halos araw araw na may nag iinuman sa may kanto".pahayag ni Tanya.
"Wag kayong mag alala at hahanap na ako ng ibang lugar na malilipatan natin iyong mas ligtas na hindi gaya dito, kunting tiis nalang at mag iingat kayo lagi at gagawin ko lahat ng makakaya ko para makahanap agad para agad ding makaalis kayo sa lugar na ito" desididong saad ni Lyndon at muli niyang niyakap ang mga kapatid.
"Salamat kuya! tanging nasabi ng mga kapatid ni Lyndon.Alam naman nila na kahit hindi nila kasama sa araw araw ang kanilang kuya ay laging sila ang nasa isip nito.
..
Gaya ng sinabi ni Lyndon sa mga kapatid ay tinupad nito ang kanyang pangako na maghahanap ng panibagong bahayna malilipatan ng kanyang mga kapatid na mas ligtas at malayo sa panganib.
Ilang araw na siyang laging umaalis ng bahay at kung minsan ay halos ginagabi na siya sa pag uwi at kung minsan ay nadadatnan na niyang nakatulog na si Joy at dahil sa pagod sa maghapong paghahanap ng matitirhan ng kanyang mga kapatid nakakaligtaan na niyang lambingin ang dalaga.
Hindi na sinabi pa ni Lyndon ang kanyang problema kay Joy dahil ayaw niyang alalahanin pa siya ng dalaga, at higit sa lahat ay ayaw niyang makialam si Joy sa kanyang problema dahil kung tungkol sa kanyang mga kapatid ay nais niyang siya ang mismong lumutas ng kanilang problema.
Hinagkan nalang niya sa pisngi ang tulog na tulog ng si Joy saka tumabi ito at yumakap sa dalaga at ilang sandali pa ay nakatulog na ito sa sobrang pagod.
Ang akala ni Lyndon ay nakatulog na si Joy ngunit ang totoo pala ay gising na gising ang dalaga at nakikiramdam lang ito. Ilang araw at halos mag iisang linggo ng laging parang binabaliwala na siya ni Lyndon at kung minsan ay pagkagising niya sa umaga ay nakaalis na ito o kung minsan naman ay laging nagmamadali itong umalis.
Nais sana niyang tanungin su Lyndon kung bakit at ano ang ikinabahala ng binata dahil laging parang aburido at natataranta at higit sa lahat ay madalas itong umuwi ng gabi na gaya ng gabing iyon, ni hindi na nga niya natandaan kung kailan sila huling nagsiping dahil pagdating nito ay parang pagod na pagod.
"Lyndon sana hindi magkatotoo ang sabi ng matanda noon". bulong ni Joy sa isip nito at marahan niyang hinaplos ang mukha ng tulog na tulog nitong mahal.
....
Kinaumagahan ay ganoon na naman ang nangyari, nagising na naman si Joy na hindi niya naabutan si Lyndon at ang sabi ni aling Luring ay nagmamadali daw itong umalis at ng tanungin daw ito ni aling Luring ay may importante daw itong nilalakad.
Sa nalamang iyon ni Joy ay biglang nagkaroon ng pangamba sa kanyang dibdib.
"Aling Luring aalis po ba kayo? maya maya ay tanong ni Joy sa matanda na nakabihis ito.
"Mamamalengke ako,bakit?anang balik tanong ni aling Luring saka nito binitbit ang kanyang mga basket para sa pamamalengke.
"Sasama nga po ako sa inyo kasi nakakabagot naman pong naka kulong sa bahay at ni wala po akong makausap. Gusto ko rin sanang makalabas kahit ilang sandali sa bahay" sagot ni Joy.
"Baka magalit si Lyndon?alalang sabi ni aling Luring.
"Eh aling Luring kasama ko naman kayo at hindi naman po tayo magtatagal diba? sagot muli ni Joy na medyo malungkot ang boses nito at dahil doon ay naawa si aling Luring at pumayag ito.
Nakabili na lahat ng kanilang kakailanganin si aling Luring at uuwi na sana sila ni Joy ng mapadaan sila sa isang babaeng nasa bangketa at nakahawak ng baraha at sa harap nito ay may babaeng nagpapabasa ng kanyang palad.
Biglang parang nakaramdam ng pagkaengganyo si Joy sa ginagawa ng matandang babae sa isang babae na nagpapabasa sa palad nito kaya lumapit siya ng walang pag aalinlangan.
"Iha magpapabasa karin ba?tanong nganghuhula kay Joy.
"Marunong po ba kayo?balik tanong ni Joy.
"Syempre naman! Akin na iyang palad mo" anang matandang babae at ibinigay naman ni Joy at tahimik nitong binasa...."Akin na iyong isa" maya maya ay muling sabi ng babae.
"A-ano po ba ang nakikita ninyo sa palad ko?kinakabahang tanong ni Joy sa babae.
"May babae, may babaeng magiging dahilan ng iyong pagluha. Pero magiging okay ang lahat kung magtitiwala ka lang, alisin mo ang pagdududa sa iyong isipan at magiging masaya ka habang buhay". pahayag ng matandang babae kay Joy na siyang nagpasikip sa dibdib ni Joy.
Agad niyang binayaran ang babae at nagmamadali siyang umalis sa lugar at habang naglalakad ay biglang naglaglagan ang butil ng luha sa pisngi nito.
"Ka-kaya ba nawawalan kana sa akin ng amor Lyndon dahil may iba ng babae sa buhay mo? Sino siya, sino ang babaeng ipinalit mo sa akin? Bakit hindi mo nalang ako kinausap at sabihin na ayaw mo na para hindi ako umasa na hanggang habang buhay ang ipinapakita mong pagmamahal sa akin"luhaang sabi ni Joy sa isip nito habang naglalakad na halos hindi na makita ang daan sa nanlalabong mga mata nito sanhi ng mga luha.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)