Chapter 26

5K 140 4
                                    

I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino


Nakapagpasya na si Lyndon na aalis na siya sa mansiyon ng mga Torres dahil wala na rin si Joy doon.

Inayos niyang mabuti ang kama ng dalaga na halos walang pagkakagusot, inilapag niya ang binili niyang isang dosenang red roses at tatlong small boxes ng ferrero chocolates sa ibabaw ng kama saka kinuha nito ang pulang pintel pen sa may drawer Ng cabinet ni Joy. Gumuhit siya ng napakalaking puso sa puting bed sheet saka doon inilagay ang bulaklak at chocolates sa loob ng inukit niyang puso.

At saka gumawa siya ng mensahe na ang nakasaad ay.." Joy my Sunshine, I LOVE YOU SO MUCH. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, ikaw ang nagbibigay ligaya sa aking buhay, ikaw ang nagbigay pag asa para ipagpatuloy ko ang aking pangarap para sa pag pagkakaroon ng isang pamilya.Kung ano man ang naging pagkukulang ko sayo ay humihingi ako ng kapatawaran, hihintayin kita mahal ko hanggang sa iyong pagbabalik. Hindi ako susuko,hindi ako mapapagod na hintayin ka dahil ganyan kita kamahal, kulang ang salitang I love you para mapatunayan ko kung gaano kita kamahal kaya mas ninais kong ipadama saiyo kesa sabihin dahil para sa akin ay mas gusto kong ipinapadama dahil nagmumula ito sa kaibuturan ng aking puso kesa sa sinasabi nang bibig. Maghihintay ako My Sunshine kahit na gaano pa katagal dahil ang puso ko ay ikaw lang siyang nilalaman nito....I LOVE YOU MY SUNSHINE....Always loving and waiting for you....,Thunder". saka isinuksok nito ang liham sa mga bulaklak at chocolates.

Pinuno ni Lyndon ng salitang I Love you Sunshine ang bed sheet na puti ni Joy at ang unan nito na siyang ginagamit ni Lyndon ay nilagyan ng pangalan na Thunder at ang unan naman ni Joy ay Sunshine. Matapos ang kanyang ginawa ay pinagmasdan niyang mabuti saka huminga ng malalim. Napapikit siya na para bang may inaalala ito ngunit naudlot ang kanyang pag iisip ng may kumatok sa pinto.

"Alibg Luring kayo po pala" magalang na tanong nito sa matanda.


"Handa na ang agahan, halika na at ng makapag almusal ka" yaya ni aling Luring na napatingin sa may ibabaw ng kama.

"Salamat po aling Luring ngunit hindi po ako nagugutom at isa pa po eh aalis na ako. Pero aling Luring may ipapakiusap lang po ako sa inyo"malungkot na sabi ni Lyndon.

"A-ano iyon Lyndon?" nagtatakang balik tanong ng matanda.

"Aling Luring gusto ko po sana na wag ninyong aalisin ang mga nasa ibabaw ng kama ni Joy o kaya ay wag ninyong papalitan ang kobre kama niya. Gusto ko po na kung sakaling bumalik siya ay madatnan niya ang mga ito na kahit na malanta na diyan ang mga bulaklak ay naririyan parin at kahit na puno na ng alikabok ang kama ay wag na wag po ninyong papalitan dahil gusto long makita niya, gusto ko na kahit na hindi niya ako madatnan rito ay malaman niyang naghihintay parin ako sa kanya na umaasang magkakaayos kaming muli dahil naniniwala akong babalik siyang muli dahil dito ang bahay niya kundi babalik siyang muli upang ipagpatuloy namin ang nasimulan naming pagmamahalan" maluha luhang pahayag ni Lyndon.

"Kung iyan ang kagustuhan mo ay gagawin ko iho at sana nga ay magdilang anghel ka dahil kahit ako ay parang naninibago na wala siya rito sa bahay. Nasanay na akong lagi siyang naririto lang na palakad lakad na kahit na sa akala ng ilan na suplada ay may puso naman siya at marunong maawa sa kapwa sadyang mataray lang sa bagong estranghero sa kanyang paningin"

"Alam ko po iyon aling Luring at salamat pong muli, hindi narin po ako magtatagal dahil hinihintay na ako ng aking mga kapatid. Kukunin ko lang mga gamit ko sa aking kwarto saka ako aalis ingat po kayo rito at wag kayong masyadong magpapagod"paalala ni Lyndon kay Aling Luring na pinipigil nito ang mapaluha.

"Salamat Lyndon" anang matanda na nakatingin sa mga mata ng binatang kausap na namumula ang mga mata sa pagpipigil nitong umiyak.

Isinarang muli ni Lyndon ang kurtinang manipis at ang makapal ay nakabukas lang para kahit papaano ay hindi madilim sa loob ng kwarto.

Inilibot niya ang mga mata sa bawat sulok ng kwarto at maya maya ay hindi na niya napigilan pa ang mapaluha. Lumapit siya sa kama at kinuha nito abg Sunshine's pillow saka nikayap niya ng mahigpit.


"Magpapaalam na ako mahal ko, pero wag kang mag alala dahil kahit wala na ako dito ay magjihintay parin ang puso ko sa iyong pagbabalik. I love you Joy, my Sunshine at miss na miss na kita kahit isang gabi palang na hindi kita kasama ay parang napakatagal na nating nagkahiwalay. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang bukad na wala ka sa tabi ko dahil nasanay na akong kasama sa umaga't gabi, na mi miss ko na ang mga malulutong mong tawa, ang paglalambing mo sa akin, ang mahihigpit mong mga yakap at ang boses mong parang musika sa aking pandinig. Miss na miss ko na, ako ba ay ni hindi mo na miss?" umiiyak na saad ni Lyndon at wala siyang pakialam kung ano man ang isipin ni aling Luring dahila ng gusto niya ay mailabas ang nasa kanyang dibdib.

Taas baba ang dibdib ni Lyndon na para bang hindi na niya kaya pang magtagal sa kwarto ni Joy dahil parang naririnig nito ang boses ng dalaga na naglalambing sa kanya kaya agad na niyang tinalikuran ang kama dahil baka masiraan pa siya ng bait kung magmumukmok siya ng ilang araw doon.


"Aalis na ako aling Luring ngunit kukunin ko po ang unan ni Joy dahil kahit wala siya ay parang kasa kasama ko rin siya palagi" saad ni Lyndon sa matanda na tumango lang ito at hindi makapagsalita dahil bikig ang lalamunan dahil parang kaysakit din para sa kanya abg nakikitang paghihirap ng dalawa.

Nang makuha na lahat ni Lyndon ang mga gamit niya ay kaybigat ng kanyang mga paa na tinugma ang gate ngunit bago pa niya buksan ang pinto ng gate ay napasulyap siya sa may swimming pool kung saan nagsimula ang lahat, lahat ng matatamis na ala ala nila ni Joy at minsan pa ay napatingala siya sa may kwarto ni Joy at doon ay muling nalaglag ang masagana niyang luha, luha ng isang naiwang nagmamahal na umaasang babalikan ngunit hindi niya alam kung kailan ang sandaling iyon basta pinanghahawakan niya ang pintig ng kanyang puso dahil ibinubulong nitong muling magbabalik ang kanyang mahal, ang kanyang Sunshine upang bigyang muli ng liwanag ang makulimlim niyang mundo ng dahil sa kanyang paglisan.

Hanggan kailan kakayanin ni Lyndon ang pag iwan sa kanya ni Joy?

Kaya ba niyang panindigan ang kanyang paghihintay kay Joy?

....itutuloy.

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon