I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbinoPigil hiningang tinalikuran ni Lyndon ang magkaibigan ngunit ng kanyang lingunin niyang muli ang dalawa ay nakatingin sa kanyang kinaroroonan si Joy na para bang natuklaw ng ahas na nakatanga ito..
Binawi ni Lyndon ang tungin sa dalaga at saka tumuloy sa kanyang quarter's room at doon ay nakahinga siya ng maluwag saka inalis nito ang kanyang suot na t shirt na narumihan..
"Maganda siya ngunit ngayon ko lang siya natitigang mabuti at mas maganda siya kung namumula ang kanyang mukha, at kayganda ng hubog ng kanyang katawan"....hindi napigilang bulong ni Lyndon sa sarili saka nahiga sa kanyang kama ngunit bigla siyang bumangon at naupo nalang ito sa ibabaw ng kama habang nakatanaw sa labas ng bintana...
Samantala ay kanina pa nakaalis si Lyndon sa may swimming pool ngunit parang hindi magawang ihakbang ni Joy ang mga paa nito para kumilos, para siyang naparalisa ng mga sandaling iyon dahil pakiramdam niya ay damang dama parin niya ang matitipunong dibdib ni Lyndon kaya ng lingunin siya ng binata ay parang may kung anong kumudlit na hindi niya maintindihan sa kanyang sarili..
"Hoy madam! Kumilos kana diyan dahil baka ma sun burn kana diyan sa tindi ng sikat ng araw!...bulyaw ni Glenda habang panay ang tampisa nito sa may tubig...
"Ah ok im coming na".....tanging sagot ni Joy kaya noon lang niya nagawang tumayo at nagtungo sa gilid ng pool saka iniladlad nito ang mga paa sa may tubig at hinila naman ni Glenda kaya tuloy ay nahulog siya sa tubig..
"Walang hiya ka talaga!....natatawang sugaw ni Joy sabay wisik ng tubig kay Glenda ngunit lumangoy palayo ang dalaga..
"Iyan ang dapat sayo para mawala sa isip mo ang kamachohan ni Lyndon na kahit na deny to death ka pa ay kitang kita ko kanina na nabighani ka sa mga muscles niyang kaysarap pangigilan".....nakangiting turan ni Glenda..
"Hindi ah sira!....mariing tanggi ni Joy ngunit parang tumutol ang isip niya ng ipagkaila niya ang sinabi ng kaibigan..
"Naku Joy kahit na naka shade ka pa kanina ay kitang kita ko ang reaksiyon mo kaya wag mong ipagdiinan ang pag de deny mo dahil buking kana girl"....natatawang saad ni Glenda..
"Hoy Glenda tumigil ka nga baka may makarinig sayo diyan eh nakakahiya kaya ang mga punagsasabi mo na wala naman talagang katotohanan"....awat ni Joy sa madaldal na kaibigan..
"Hmm iyan na ang sinasabi ko na wag kang magsalita ng patapos dahil baka kakainin mo rin ito pagdating ng araw and im sure na maiinlove ka rin kay pogi kaya dapat kang mag sorry sa mga nasabi mo sa kanya noon para ligawan ka niya"....
"What! Hoy Glenda hindi pa ako desperada na walang nobyo kaya wag mo akong pagdiskitahan diyan dahil malabo na magkakagusto ako sa Lyndon na iyon kaya tigilan mo na ako dahil nakakairita kana!.....pasinghal na turan ni Joy.
"Hmm kaya!? Well let's see sa paglipas ng mga sandali kung hindi ka rin maiinlove kay pogi, dahil ako inaamin ko na attracted ako sa kanya"......natatawang turan ni Glenda saka umahon ito sa tubig at ibinalabal nito ang tuwalya sa kanyang katawan...
"O saan ka pupunta?.....biglang tanong ni Joy.
"Kukuha lang ako ng makakain dahil nagugutom na ako at tuloy na ring hantingin si pogi para makayapos sa mga abs nito".....parang nanunuksong sagot ni Glenda saka tumalikod na ito para pumunta ng kusina at sa may likod bahay na ito nagdaan para mas malapit ang kanyang lalakarin...
Habang nagtungo sa kusina si Glenda ay sinamantala naman ni Joy ang lumangoy ng lumangoy sa pool.
Kung ilang beses siyang paroo't parito sa magkabilang panig ng pool hanggang sa parang may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang sarili...
"Oh my God! Hindi ko maigalaw ang mga paa ko!....tarantang wika ni Joy sabay lingon sa paligid ngunit wala siyang makitang kahit sinong tao..
Pilit niyang ikinakampay ang mga paa dahil nasa pinakamalalim pa naman siyang bahagi ng pool na nasa 6 feet ang lalim nito...
Nais niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa dahil parang hinihila siya pailalim at tanging mga kamay lang niya ang naikakampay niya hanggang sa unti unti nang lumulubog ang kanyang ulo na kahit na anong gawin niyang kampay ng kanyang mga kamay ay walang silbi dahil hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa...
Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Lyndon dahil nakatanggap siya ng tawag mula kay don Hernan na nagpapasundo ito sa kanya kaya naman agad na lumabas siya ng bahay para tumungo ng garahe..
Bubuksan na sana ni Lyndon ang kotse ng biglang mapasulyap siya sa may swimming pool, ngunit maya maya lang ay biglang kumunot ang kanyang ulo ng makitang parang may kung sinong lulubog lilitaw na ulo sa may pool kaya naman medyo lumapit ito roon para tiyakin kung sinasadya bang gawin iyon o nalulunod na.
Ngunit nataranta siya ng makita mula sa ilalim ng tubig na para bang nakikipaglaban si Joy sa tubig para lang maiahon nito ang kanyang katawan, at dahil doon ay agad na hinubad ni Lyndon ang kanyang bagong palit na t shirt at agad na inalis ang sapatos saka walang pagdadalawang isip na lumusong sa tubig..
Tama nga ang kutob ni Lyndon dahil nalulunod na nga si Joy kaya dali dali niya itong dinala sa gilid ng pool at saka binuhat sa may bench at pinaupo roon saka pinayuko nito at panay pampag sa likod ng dalaga hanggang umubo ng umubo ito...
"Anong nangyari sayo?.....alalang tanong ni Lyndon habang hinahagod nito ang likod ng dalaga..
"Namintig ang mga paa ko at hindi ko maigalaw".......nanginginig at naiiyak na sagot ng dalaga.
"Ang lalim pa naman ng kinalalagyan mo kanina! Eh kung hindi kita nakita malamang na natuluyan kana dahil nasa pinakamalalim na bahagi ka pa naman ng pool"......alalang turan ni Lyndon at alam niyang labis ang pagkakagulat ng dalaga dahil sa nangyaring iyon sa kanya dahil maya maya ay napaiyak na ito..
Parang mas lalong nanlambot ang katawan ni Joy dahil sa sobrang panginginig nito sanhi ng takot at niyerbiyos na napansin naman ni Lyndon kaya bilang pag aalo sa dalaga ay walang pagdadalawang isip na kinabig niya ito at punasandal sa kanyang dibdib habang hagod hagod nito ang likod ng dalaga na noon ay humagulgol na ng tuluyan...
"I.. I thought im going to die already".....humihikbing turan ni Joy na nakasubsob sa matitipunong dibdib ni Lyndon..
"No, ligtas ka at wag ka ng mag alala dahil hindi naman kita pababayaan eh".....sagot ni Lyndon sa dalaga na noon ay biglang nag iba ang kanyang pakiramdam dahil kahit na basang basa siya ay parang uminit ang kanyang pakiramdam sa pagdadaiti ng kanilang mga katawan.........
.....itutuloy.......
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)