Chapter 18

5.7K 144 7
                                    

I love you
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino

Pagkaalis ni aling Luring ay pinakiramdaman ni Lyndon si Joy sa loob ng kanyang kwarto. Nang marinig niyang tahimik ay kinatok niya ito ng tatlong beses ngunit walang sumasagot kaya pinabayaan nalang muna ang dalaga at bumalik siya ng kanyang kwarto at inayos ang mga gamit nitong galing ng Boracay.

Sumapit ang hapunan at muling inihanda ni aling Luring ang pagkain ni Joy upang dalhin sa kwarto nito. Bibitbitin na sana ni aling Luring ang tray na lagayan ng pagkain ni Joy ng pigilan siya ni Lyndon na noon ay katatapos nitong kumain.

"Aling Luring wag niyo pong dalhin ang pagkain ni Joy sa kwarto niya dahil hindi doon ang kusina, naririto ang kusina kaya siya ang pumunta rito" ani Lyndon kay Aling Luring.

"Pero Lyndon ayaw niyang lumabas ng kanyang kwarto eh at saka hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga pagkarating niya at kaninang hapon din" alalang sagot ni aling Luring.

"Ako po ang tatawag sa kanya" sagot ni Lyndon sabay tayo nito sa kanyang upuan at naghugas ng kamay saka pinuntahan si Joy sa kwarto nito.

Kaylalakas ng mga katok ang nagmumula sa may pinto na siyang sanhi ng pagkagising ni Joy na itinulog nalang niya ang pangangalam ng kanyang sikmura sa tindi ng gutom nito ngunit nangingibabaw kasi ang pride niya kaya pati ang pagre reklamo ng kanyang tiyan ay pilit niyang ini ignora.

"Blag! Blag! Blaagg!"kalabig ni Lyndon sa pinto ng kwarto ni Joy ngunit parang hindi alintana ng dalaga ang ginagawa nitong pagkalampag sa may pinto na halos magiba na ito sa lakas....." Joy buksan mo ang pinto! sigaw ni Lyndon sabay kalampag ulit ng pinto ngunit nananatiling nakatingin lang si Joy sa may pinto na parang magigiba na ito.

"Lalabas ka para kumain o hindi!?" nanggagalaiti na sa galit na siga ni Lyndon sa dalaga na nasa loob ng kwarto.

"Hindi ako kakain! Ayokong lumabas! sigaw na sagot ni Joy kay Lyndon.

"Sigurado ka bang ayaw mong kumain at lumabas? maya maya ay sabi ni Lyndon.

"Oo ang kulit mo! And i don't want to see you! sigaw na sagot ulit ni Joy.

"Okay! Sige kung ayaw mong lumabas ay walang problema at wag na wag mo akong sisisihin dahil iyan ang ginusto mo ah" pikon ng wika ng binata na noon ay litaw lahat ang litid nito sa leeg sa sobrang galit. Biglang umalis sa may pinto si Lyndon at nagpunta ng kanyang kwarto.

"Huh!what do you think of me Lyndon na isang salita mo lang ay nasusuyo mo na ako? Hmp magtiis ka! nakaingos na wika ni Joy na nakataas pa ang kilay nito.Tiwalang tiwala si Joy sa kanyang sarili na susuko sa kanya si Lyndon palakad lakad siya sa kanyang kwarto habang panay naman ang hilab ng tiyan nito sa gutom ng maramdaman niyang may mga yabag na papalapit sa may pinto.


Dahil sa sobrang galit na ni Lyndon na hindi nito mapalabas sa kwarto si Joy ay ipinasya niyang gawin ang isang bagay. Nang umalis sa may pinto ng kwarto ni Joy ay kinuha nito ang bakanteng susi at kandado at ang kadena sa kanyang kwarto saka bumalik sa may tapat ng kwarto ni Joy.

"Diba ayaw mong lumabas at kumain kaya mas mabuti nang ikandado nalang ang pinto ng kwarto mo para masigurong hindi kana nga makakalabas pa! sigaw ni Lyndon habang ikinakabit ang kadena at kandado.

"Huh! gulat na bulalas ni Joy ng marinig nito ang mga sinabi ni Lyndon sa may labas ng pinto at ang mga kalabog. Nagmamadali niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon ngunit hindi na nito mabuksan pa, naka kandado na nga kaya naman nataranta na ang dalaga.

"Walang hiya ka Lyndon! Buksan mo ang pinto! sigaw ni Joy sabay kalampag ng pinto.

"Diba ayaw mong lumabas? Madali lang naman akong kausap eh, mas maganda na iyan para wala akong po problemahin pa lalo na at sinusumpong na naman ang tuyo mo sa ulo! pasigaw na sagot ni Lyndon saka nito nilisan ang kwarto.

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon