Chapter 30....finale

10.5K 218 14
                                    

I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino

.........(RATED SPG)...FINALE.....

"Joy, ikaw nga ba iyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Lyndon kay Joy at agad na hinawakan nito ang kamay ng dalaga na nanginginig pa na sanhi ng pagkakababad niya sa ulan o sa pagkakakita nito kay Lyndon.

"Ly-Lyndon" tanging salitang nanulas sa bunganga ni Joy dahil hindi makapagsalita, parang biglang naumid ang kanyang dila na hindi nito masabi ang gustong sabihin sa binata ngayong kaharap na niya.

"Totoo nga ang sinabi ni aling Marta kanina ng makita ko siya na bumalik kana, na nanggaling ka daw sa dati naming bahay! Joy, bumalik ka para sa akin diba? Bumalik ka para para sa ating dalawa?" sunod sunod na tanong ni Lyndon na noon ay hawak na nito ang magkabilang pisngi ng dalaga na noon ay naglalandas ang mga luha sa mata nito.

"I- im so sorry Lyndon! Im so sorry for being so stupid! Im so sorry kung nasaktan kita, hindi ko alam ang gagawin ko noon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Gulong gulo ang aking isipan, natakot ako na mawala ka. Natakot ako na marinig mula saiyo na may iba ka ng mahal. Hindi ko kakayanin na marinig sa iyo ang salitang iyon kaya mas pinili kong lumayo, ang magpakalayo kahit na nagdurugo ang aking puso dahil sa isiping iba na ang mahal mo, na hindi mo na ako kailangan sa iyong buhay. Im so sorry kung nagpadala ako sa emosyon ko, nabulag ako ng sobrang selos dahil sa pagmamahal ko sayo. Patawad, im so sorry Lyndon. Please forgive me, please!" nagsusumamong pahayag ni Joy habang ang hikbi nito at maging si Lyndon ay lumuluha narin.

"Sshhhh! Tama na, wala kang dapat na ihingi ng kapatawaran. Ako man ay may kamalian din, hindi ko sinabi sayo ang aking problema sa aking mga kapatid, napabayaan kita, hinayaan kitang mag isip ng kung anu ano pa mang bagay hanggang sa humantong tayo sa ganoong sitwasyon. Ayaw ko kasing bigyan ka ng alalahanin kaya sinarili ko nalang ang aking problema tungkol sa aking pamilya na dapat ay sinabi ko sayo.ayaw ko kasing nag aalala ka, nag iisip ka ng malalim dahil gusto ko ay ako lang ang ang nasa iyong isipan, ako lang lagi ang laman ng iyong puso at wala ng iba pa. Joy, hindi ako sumuko ng lumayo ka. Halos mimu minuto kong ipinagdarasal sa Diyos na sana ay bumalik kana dahil nangungulila ako ng labis saiyo, miss na miss ko na ang mga yakap mo, ang mga ngiti mo,ang bawat paglalambing mo sa akin, ang mga halik mong kaytamis, ang kasama ka sa tuwina sa mga gabing kaylamig na lagi mong pinapainit sa bawat yakap at haplos mo. Na miss ko lahat ang mga iyon mahal ko, i Love you Joy, my Sunshine. Ang buong akala ko ay hindi na kita makikita pang muli ngunit laging sinasabi ng puso ko na wag akong sumuko, wag akong mapagod sa paghihitay sayo dahil muli kang babalik sa akin para muling bigyan ng buhay, ng pag asa ang aking buhay, bigyan ng sigla ang makulimlim kong buhay. I love you so much Joy, my Sunshine at hinding hindi ako magsasawang bigkasin ng paulit ulit kahit ilang beses ang salitang I LOVE YOU dahil ganoon kita kamahal Joy, ang pagmamahal ko saiyo ay walang hanggang, mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko" luhaang saad ni Lyndon saka nito idinikit ang mukha sa mukha ni Joy.

"I love you too Lyndon, my Thunder" madamdaming sagot ni Joy saka hinawakan nito ang mukha ni Lyndon.

Dahan dahang inilapat ni Lyndon nag labi nitong uhaw sa labi ni Joy saka marahan nitong sinakop ang labi ng dalaga. Buong pag iingat, punong puno ng pagmamahal, maiinit na labing kaytagal nauhaw sa halik ng bawat isa. Mga labing nagkalayo ng matagal na panahon kaya ngayon ay parang uhaw na uhaw sa isa't isa. Bawat pagkibot ng kanilang mga labi'y parang pinupunan nito ang mga sandaling nasayang, mga sandaling inukupa ng lamig, ng pangungulila kaya buong pagmamahal, buong init na ninanamnam nila ang sandaling muling naghinang ang kanilang mga labi upang muling buhayin ang init nito na gaya ng dati.

"Lyndon hug me tight please! Yakapin mo akong mahigpit my Thunder" nagsusumamong pakiusap ni Joy kay Lyndon at agad namang sinunod nito at buong higpit na niyakap niya si Joy at maging si Joy ay yumakap rin ng mahigpit kay Lyndon.

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon