Chapter 12

5.6K 124 3
                                    

I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbino


Nang makitang kalmado na si Joy ay agad ng nagpaalam si Lyndon dahil parang pakiramdam niya ay bibigay na siya ng mga sandaling iyon. Habang naglalakad siya palayo sa kwarto ni Joy ay panay ang buntong hininga nito na para bang kinakapos siya sa paghinga.

"No, hindi ako matatalo ni Joy! Hindi niya ako makukuha sa kanyang panlabas na kagandahan!.......mariing wika ni Lyndon sa sarili saka nagmamadaling tinungo nito ang kanyang kwarto...

Samantala, naiwang parang tulala parin si Joy at hindi makapaniwala sa ginawang iyon ni Lyndon. Ngunit hindi maikakaila sa kanyang sarili na siya ay kinilig dahil sa kung anong kiliting bumalot sa kanyang katauhan...

Maya maya ay nagpalakad lakad siya sa loob ng kanyang kwarto, alumpihit siya na hindi niya alam ang gagawin. Dumungaw siya sa may bintana at tumanaw sa kawalan. May ilang sandali siyang naroon na waring nag iisip ng kanyang susunod na gagawin ng biglang may sumagi sa kanyang isipan at napangiti ito sabay kuha ng kanyang cell phone at idinayal nito ang phone number ni Glenda.

"Hello friend! musta napatawag ka ah"........bungad na wika ni Glenda na noon ay kagagaling lang nito sa banyo..

"Heto mabuti naman!....sagot ni Joy........."Are you busy this week?....maya maya ay tanong nito kay Glenda.

"Hmm hindi naman,bakit ba?.........sagot na tanong ni Glenda.

"Because i want to envite you for a holiday!........saad ni Joy..

"Holiday! Saan?......ani Glenda.

"Punta tayo ng bora total wala sina daddy at mommy kaya nabo bored ako dito sa bahay"......pahayag ni Joy.

"Eh naku tiyak na hindi ka papayagan ni Lyndon!.......

"Sa tingin mo makakaalis ba naman akong hindi siya kasama! Alam mo namang mula ng maging body guard ko siya eh parang anino ko na ang supladong iyon eh!.......nakaingos na wika ni Joy ngunit ang kanyang mga mata ay parang may ningning ng bigkasin nito ang pangalan ng binata..

"So alam na ba ni Lyndon ang plano mong ito?......tanong muli ni Glenda.

"Nope! Sasabihin ko palang at hindi iyon makakatanggi dahil ayaw niya akong tumakas hi hi hi!.......ani Joy na may ngiti sa kanyang labi.

"Okay! Approve ako diyan at sabihin mo kay pogi na magdala ng swim trunk niya para mayaya kong maligo together with me at ng masilayan ko ang mga pandesal nito!.......parang kinikilig na wika ni Glenda na nagpasimangot kay Joy sa kabilang linya.

"Gaga kung anu ano ang pinagsasabi mo!......singhal na sabi ni Joy kay Glenda na para bang bigla siyang nainis sa kaibigan...

"Selos ka!......nanunudyong ani Glenda kay Joy.

"Hindi noh! Anong paki ko sa lalaking iyon, kahit na maglabitin pa ang mga babae sa kanya ay wala akong pakialam!.......turan ni Joy ngunit ang kilay nito'y nakataas na para bang tutol sa kanyang sinabi.

"Sabi mo iyan ah! Well tingnan natin kung totoo nga ang iyong sinabi"...,....parang nagbabantang wika ni Glenda sa kaibigan.

"Heh magtigil ka nga! Sige tatawagan nalang kita kung kailan ang alis natin dahil sasabihan ko pa si Lyndon!.........inis na wika ni Joy saka pinatay na nito ang kanyang cell phone at hindi na hinintay na magpaalam ang kaibigan..

....

Matapos labhan ni Lyndon ang kanyang mga damit ay nagtungo ito ng kusina upang magkape sana ngunit nadatnan niya doon si Joy na kararating lang naman nito na mas mauna lang ng kaunti..

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon