Chapter 16

5K 126 3
                                    

I LOVE YOU
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino

Nagising si Lyndon dahil naramdaman niyang may tumatapik sa kanyang balikat kaya agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata.

"Sir pasensiya na po kung naabala ko ang inyong pagtulog, kasi po kanina pa po kita napansin na akala ko lang ay namamahinga ka ngunit ng lumipas ang ilang minuto ay hindi ka parin umaalis sa iyong kinauupuan kaya minabuti kong lapitan na kayo at saka ko lang nalaman na tulog pala kayo" anang guardiya na nag su survey sa paligid ng isla.

"Salamat manong Nakatulog pala ako" sagot naman ni Lyndon na iiling iling...."Manong ano na po bang oras sa ngayon? maya maya ay tanong ni Lyndon.

"Mag aalas dos na ng madaling araw sir" nakangiting sagot ng guardiya at lalo pang napakamot sa ulo si Lyndon ng malaman ang oras.

"Langya nakatulog pala ako dito ng hindi ko namalayan" ani Lyndon na ikinangiting mulu ng guardiya.

"Oo nga po sir, akala ko nga eh nagpa pa presko lang kayo" muling sagot ng guardiya.

"Sige manong babalik na ako sa kwarto ko at salamat sa panggigising mo sa akin" pasasalamat ni Lyndon sa lalaki...." Walang anuman sir" sagot naman ng guardiya at saka tumalima na si Lyndon na ngingiti ngiti.

Nang makarating na sa tapat ng kanyang kwarto si Lyndon ay napasulyap ito sa katabing kwarto nila Glenda at Joy. Bumuntong hininga ito ng malalim ng maalala nito ang hitsura ng dalaga kagabi. Alam niyang galit ito ngunit hindi niya alam ang dahilan ng pinag iinit ng ulo nito.

"Siguro may dalaw siya ngayon kaya mainit ang ulo niya? tanong nalang ni Lyndon sa sarili saka nito binuksan ang kanyang kwarto.

Pagkapasok ni Lyndon sa kanyang kwarto ay agad niyang sinuri ang buong paligid maging sa banyo at ang kanyang gamit. Alam niyang hindi na niya nai lock ang pinto ng kanyang kwarto dahil sa pagmamadali ni Glenda na yayain siya sa dinner ngunut nagtataka siya dahil alam niyang pinatay niya ang ilaw kanina bago siya umalis ngunit bakit ngayon ay nakabukas.

"Sino kaya ang pumasok sa kwarto ko? takang tanong ni Lyndon sa sarili habang ini inspeksiyon ang kanyang mga gamit ngunit wala namnag nawawala sa mga gamit nito.

Nang makitang wala namang nawala sa gamit niya'y ipinagwalang bahala nalang niya ang isiping iyon na kung sino man ang nagbukas ng kanyang ilaw. Ini lock niya ang kanyang pinto at saka nito pinatay ang ilaw at ibinagsak niya sa kama ang kanyang katawan saka ito pumikit upang makatulog siyang muli ngunit pagkalipas ng kalahating oras ay gising parin ang kanyang diwa dahil sa ang isip nito ay nasa tagpong nagsasalo sila ni Joy sa mainit na halikan nila sa tabing dagat.

...

Si Glenda ay libang na libang sa pakikipag kwentuhan kay Lucas at ni hindi niya alintana ang oras. Saka lang sila umalis ng bar ng sabihin ng waiter na magsasara na sila dahil mag aalas singko na ng umaga.

"My goodness umaga na pala ha ha ha! natatawang wika ni Glenda kay Lucas.

"Ako nga rin eh hindi napansin ang oras kasi naman kasama ko ang napakagandang dilag" nakangiting sagot ni Lucas saka nito pinisil ang ilong ni Glenda.

"Oucchh! Ang sakit non ah! daing ni Glenda saka nito hinuli ang kamay ng binata saka pinitik pitik niya.

"Let's have a coffee then afterwards saka tayo maglakad lakad muna sa tabing dagat" suhistiyon ni Lucas sa dalaga.

"Bakit hindi nalang tayo bumili ng coffee at saka tayo pumunta ng tabing dagat at doon nalang natin inumin ang kape natin habang namamasyal? Diba mas maganda kung ganoon? ani Glenda.

"Well, that's the good idea! sang ayon ni Lucas sa sinabi ng dalaga at nagtungo nga sila na bumili ng tig isa silang brewed coffee saka nila tinungo ang dalampasigan.

"Kaysarap ng hangin sa umaga, napaka presko at sariwang sariwa" sabi ni Glenda sabay pikit nito na para bang sinasamyo niya ang sariwang hangin.

"Yes it's really great. Specially if you're with a beautiful girl taking coffee or chatting with her" sagot naman ni Lucas sabay tingin sa katabing dalaga na noon ay napatingin naman sa kanya si Glenda at ng magtama ang kanilang mga mata ay hindi maiwasan ni Glenda ang mag blushed dahil sa titig nito na para bang nahihipnotismo siya sa malamlam nitong mga mata.

"Glenda, maybe you may say that im so proud of myself but i want to tell you this. The first time i saw you last night, i had the strange feeling that i can't explain and i don't know why i can't help myself staring at you. I didn't bluff you, believe me Glenda that i telling the truth" paglalahad ni Lucas saka nito hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"Lu- Lucas! You don't know me yet. We just meet last night" nauutal na sagot ni Glenda ngunit sa totoo lang ay kilig na kilig ito.

"Glenda, hindi mahalaga kung gaano katagal ang pagkakakilala natin sa isa't isa. At hindi kita minamadali sa iyong desisyon, i just want to express my feelings for you. Take your time to decide about what i confessed to you, im willing to wait until you say you like me too or you will love me" madamdaming saad ni Lucas saka ginagap nito ang kamay ni Glenda at hinagkan ng paulit ulit.

Halos magtatalon na ang puso ni Glenda ng mga sandaling iyon. Nais na niyang sabihing attracted din siya kay Lucas ngunit kailangan muna niyang magpakipot kahit kunti man lang.

Mga higit isang oras din silang namalagi sa tabing dagat bago ipinasya ni Lucas na ihatid na niya ang dalaga sa tapat ng kwarto nito mismo.

"Sige pasok kana sa loob para makapagpahinga ka and i'll see you later" malambing na wika ni Lucas saka nito muling hinaplos ang pisngi ni Glenda.

"Thanks, ikaw din you have to take a rest dahil wala ka ring tulog" sagot ni Glenda saka muli niyang minasdan ang gwapong mukha ng binata at binuksan nito ang kwarto at bago siya pumasok ay pinagmasdan muna niya ang binatang papaalis na at patungo sa may lift at ng makapasok na ito sa elevator ay saka lang pumasok ng kwarto na nakangiti.

Binuksan ni Glenda ang ilaw dahil umaga narin lang ngunit napakunot ang noo niya ng makitang wala sa kama ang kanyang kaibigan. Tiningnan niya sa banyo ngunit wala naman doon......"Nasaan ang babaeng iyon? Lumabas kaya? Pero kay aga aga namang lalabas kung sakaling lumabas siya? tanong ni Glenda sa sarili.

Tinawagan niya angnkanyang kaibigan ngunit hindi nito sinasagot kaya hinayaan nalang niya muna ito at hinubad ang kanyang damit saka binitbit ang kanyang bath robe saka tinungo ang banyo.

Matapos maligo ay agad siyang lumabas ng banyo upang magpalit. Ngunit napatda siya ng buksan niya ang ward robe na lagayan nila ng damit nila ni Joy dahil wala na doon ang mga damit at gamit ng kaibigan.Dali dali siyang nagbihis saka lumabas ng kanyang kwarto at kinalabog ng malalakas na katok ang kwarto ni Lyndon na noon ay natutulog kaya sa ginawa niyang iyon ay napabalikwas ang binata at agad na tumayo sa kanyang kama saka nagmamadaling tinungo ang pinto na tanging suot lang ay boxer short.

"Gle-Glenda! Bakit anong nangyari? nagtatakang tanong ni Lyndon ng makita g si Glenda ang nasa pinto na ang mukha nito ay nababahala.

"Nagpaalam ba sayo si Joy? tanging sagot ni Glenda.

"Hindi! Bakit nasaan siya? Diba nasa kwarto mo lang siya? naguguluhang tanong muli ni Lyndon.

"No Lyndon! Wala siya sa kwarto dahil kapapasok ko lang sa kwarto namin at ang mga damit at gamit niya ay wala rin doon! ani Glenda sa binata na ikinagimbal ni Lyndon.

"Ano! gulat na bulalas ni Lyndon na biglang naglutawan ang mga litid nito sa leeg.

....itutuloy...

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon