Chapter 13

5.7K 139 6
                                    

I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbino

Dahil sa pagka pikon ni Joy ay imbis na lumabas ng kwarto at inihiga nito at dahil sa pagod sa biyahe ay hindi niya namalayang naka idlip na pala siya..

Samantalang si Glenda ay nayayamot na sa loob ng kwarto habang pinagmamasdan ang himbing na himbing na kaibigan.. Maya maya lang ay may naisip itong bigla at napangiti sa kanya..

Agad siyang tumayo at binuksan ang ward robe saka kinuha nito ang kanyang swim wear saka pinalitan ang kanyang damit, isinuot nito ang two piece black swimsuit at ipinatong nalang niya ang kanyang maikling short at ang kanyang t shirt.

Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ay pinagmasdan niya ang kanyang kaibigan na natutulog ngunit bigla siyang bumalik sa loob ng kwarto at kumuha ito ng kapirasong papel saka nagiwan ng mensahe na nagsasabing...."Joy baba lang ako para maligo,kasama ko si Lyndon" ang nakasaad sa mensahe ni Glenda saka ipinatong nito sa ibabaw ng glass table at pinatungan ng cell phone ni Joy saka ngingiti ngiting lumabas ng kwarto at deritso sa katabing kwarto...

Sinadya na niyang isuot ang kanyang swimsuit para hindi na siya matanggihan ni Lyndon. Nang mismong nasa tapat na siya ng kwarto ni Lyndon ay marahan niyang kinatok ang pinto at ilang sandali lang ay bumukas na ito.

"Ah ikaw pala Glenda!......ani Lyndon ng makitang si Glenda ang nasa harap ng pinto na sa una ay inakala niya na ang estariray niyang amo.

"Ah kasi magpapasama sana akong mag swimming! Kasi si Joy eh tinulugan ako at hayun parang mantika sa sarap ng tulog nito, napagod yata sa biyahe".......wika ni Glenda na pinakikiramdaman ang kilos ng binata.

"Ah,eh!......kakamot kamot sa ulong sagot ni Lyndon na may pag aalinlangan sa sarili.


"Please! Nabo boring na kasi ako sa loob eh, ayaw namang gumising ni Joy"........medyo malungkot na saad ni Glenda kaya parang naawa naman ang binata sa kanya.

"Okay,pero sandali lang at magbibihis ako"........ani Lyndon kay Glenda na halos magtatalon sa tuwa dahil napapayag niya ang binata.

Dahil sa ipinagpilitan kanina ni Jopy ang binili nitong swim trunk kay Lyndon ay siya na itong ginamit ni Lyndon, pinatungan lang nito ng kanyang bermudes at isinuot nito ang nike black shirt na fitted na tumerno sa kanyang black swim trunk na binili ni Joy.

"Okay tara!.......yaya ni Lyndon kay Glenda ng makapagbihis na ito.

"Okay let's go! Thanks Lyndon at pinagbigyan mo ako"......sagot ni Glenda saka tumalima ang dalawa upang bumaba ng hotel at tumungo sa may beach ang dalawa dahil mas gusto ni Glenda ang maligo doon kesa sa swimming pool..

Masayang masaya si Glenda dahil umaayon sa lahat ng kanyang balak ang pagkakataon at si Lyndon naman ay nakikiayon sa kanya dahil ni hindi siya nito natanggihan.

Nasa dalampasigan ang dalawa na noon ay pinapanuod palang ang mga taong naliligo habang punagmamasdan ang unti unting paglubog ng haring araw.

Biglang naalala ni Lyndon ang sabi kanina ni Joy na maliligo daw ito pagpapalubog na ang araw kaya binalingan nito ang katabing dalaga na nakaupo sa kanyang tabi habang sila ay nakaupo sa malaking bato.

"Sabi kanina sa akin ni Joy na maliligo daw pagpapalubog na ang araw"........umpisa ni Lyndon.

"Ha ha ha! Eh papaanong maliligo ang babaeng iyon eh kay sarap ng tulog nito! Di bali sinabi ko naman sa note ko na naririto tayo kaya susunod iyon pagkagising niya".......ani Glenda kay Lyndon.

"Ah okay!.....tanging sagot ni Lyndon.

"Hmm Lyndon can i ask you something?.....maya maya ay hindi napugilang tanong ni Glenda dahil nais niyang malaman ang pagkatao ng lalaking katabi na sa pagkakalarawan ng kaibigan ay parang terror o macho terror.

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon