Chapter 3

6.1K 137 2
                                    

I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbino

Nang makaalis si mang Aldo ay tahimik na naupo si Lyndon at nakatulala ito dahil sa problema nitong lisensiya na hindi niya matubos tubos at dagdag pa ang pang araw araw na gastusin nila at higit sa lahat ay ang allowance ng kanyang mga kapatid..

Nasa ganoon siyang sitwasyon ng madatnan siya ng kapatid na si Tanya kaya labis ang pag aalala ng kapatid..

"Kuya may problema kaba?...alalang tanong ni Tanya saka naupo ito sa tabi ng kapatid..

"Ah eh wa..wala!...pagkakaila ni Lyndon ngunit ngumiti lang ng pilit ang kapatid dahil alam ni Tanya na may problema ang kanyang kuya dahil hindi kumikibo ilang araw na ang nakalipas..

"Hmm kilala kita kuya at alam kong may problema ka kaya wag ka ng magkaila pa dahil nababasa ko sa mga mata mo na may malalim kang iniisip"...giit ni Tanya sa kuya nito..

Walang nahintay na sagot si Tanya sa kapatid bagkus ay puro mga buntong hininga lang na kaylalalim..

"Kuya inaalala mo ba kami ng mga kapatid ko?....maya maya ay muling tanong ni Tanya na nangingilid na ang luha nito...

"Tanya siyempre lagi ko kayong inaalala dahil kapatid ko kayo ngunit hindi ibig sabihin niyon na naging pabigat kayo sa akin, Inaalala ko kayo dahil gusto ko kayong makatapos ng pag aaral at magkaroon ng magandang trabaho kaya sana ay pagsisipagin ninyo ang inyong pag aaral para naman hindi ako mabigo sa pangako ko kila inay at itay"....ani Lyndon saka kinabig nito ang kapatid na noon ay tuluyan ng lumuluha..

"Kuya alam kong nahihirapan kana sa pagpapaaral sa amin ng sabay sabay ngunit pilit mong kinakaya ng walang kaangal angal kaya bilang gantimpala ko sayong kabutihan ay pipilitin kong makakuha ng matataas na marka para kahit papaano ay magkaroon ng kapalit ang mga pagsusumikap mo sa pagtatrabaho upang maipatupad mo ang iyong pangarap para sa amin, Salamat kuya dahil sa pagmamahal at pagkalinga mo sa amin ng aking kapatid at ni hindi mo kami pinabayaan lalo na ng mga oras na talagang kay hirap limutin ang pagpanaw ng ating mga magulang"....panay singhot na saad ni Tanya..

"Hindi ko kayo kailan man iiwan hanggang ako ay nabubuhay at gagawin ko ang lahat para makatapos kayo ng inyong pag aaral".....ani Lyndon na pinipigil nito ang maiyak..

"Salamat kuya! Napakaswerte namin dahil ikaw ang naging kuya namin kaya lagi kaming magpapakabait para hindi ka gaanong mahirapan sa pagpapalaki at pagsuporta sa amin dahil ikaw lang ang tanging karamay at tagapagligtas namin ng mga kapatid ko"....

"Kaya magpapakabait kayo lagi at higit sa lahat ay lagi kayong manalig sa ating Poong Mayakapal upang lagi Niya tayong gabayan sa bawat oras at sandali"....ani Lyndon na tanging tango nalang ang isinagot ni Tanya dahil panay ang singhot nito.....

...

"Good morning daddy,mommy!...bati ni Joy sa mga magulang nito habang papalapit siya sa mga ito sa may veranda ng kanilang mansiyon kung saan halos tanaw ang buong paligid ng bahay...

"Magandang umaga iha"....sagot ni Fely sa anak saka nakipag beso beso ito at hinagkan din ni Joy ang pisngi ng ama at naupo ito sa pagitan ng kanyang mga magulang...

"Hmm mukhang may pinag uusapan kayong mahalagang bagay mommy,daddy"....muling saad ni Joy sa kanyang mga magulang..

"Well iha, Mayroon nga kaming pinag uusapan ng mommy"....sagot ni don Hernan..

"What is it daddy?....interisadong tanong ni Joy saka inayos nito ang pagkakaupo..

"About you!....tipid na sagot ng ama nito..

"What about me?!...takang tanong ni Joy saka palitan nitong tiningnan ang kanyang mga magulang..

"Ikinuha na kita ng personal body guard mo at malalamam natin kay Aldo pagdating niya kung pumayag iyong sinasabi niyang kakilala na inirekomenda niya sa akin"....paglalahad ni don Hernan na ikinagalit ng dalaga..

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon