I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino
(Pre-Finale)...Nang magka hiwa hiwalay na ng landas sina Joy at ang mag anak ni Glenda ay nagmamadaling sumakay ng taxi si Joy. Habang tumatakbo ang taxi ay panay ang agos naman ng mga luha nito. Halos hindi na siya makahinga dahil sa panay ang singhot nito at pati ang driver ay pasulyap sulyap na sa kanya na para bang nag aalala.
Mahigit isang oras din ang biniyahe ni Joy bago nakarating sa kanilang mansiyon dahil sa trapik narin. Nag door bell siya dahil wala sa may guard house ang guardiyang si mang Aldo at maya maya pa ay may dumungaw na isang dalagita sa may pinto at ng makita siya ay nanlaki ang mga mata nito at nagmamadaling tinungo ang gate saka binuksan.
"Si aling Luring at mang Aldo?" agad na tanong ni Joy habang binubuksan ng dalaga ang gate na nasa edad na biente anyos.
"Nasa kusina po si tiyang Luring, pamangkin po niya ako at dahil po sa nahihirapan na po siyang makapaglakad o umakyat sa taas ng bahay kaya kinuha niya ako. At si mang Aldo po ay matagal na pong umalis dito yun ang sabi ni tiyang Luring sa akin ng bago palang ako dahil na stroked yata ang asawa nito" salaysay ng dalaga.
"Ah ganoon ba? Matagal ka na ba rito? maya maya ay tanong ni Joy na noon ay tinutulungan siya ng dalaga na ipasok ang kanyang mga bagahe.
"Mahigit isang taon na po ako rito, at ako nga po pala si Anna. Kayo po ang kaisa isang anak nila don Hernan at donya Fely? Ang ganda niyo pala mam sa personal at bagay na bagay ang pangalan ninyong Sunshine" madaldal na sabi ni Anna.
"Saan mo nalaman ang pangalan kong Sunshine?" nagtatakang tanong ni Joy kay Anna.
"Nakita ko po kasi sa may white bed sheet ninyo na may mga nakasulat doon na halos mapuno ng salitang I Love You Sunshine at may mga natuyo na ngang bulaklak doon at iyong tatlong boxes ng chocolates ay expired na at ang alikabok narin ng kobre kama,pero sabi ni Toyang Luring ay wag na wag ko daw pakikialaman at ang lilinisin ko lang daw ay sa sahig at mga cabinet ngunit sa ibabaw daw ng kama ay hindi ko daw gagalawin dahil iyon daw po ang pakiusap nung Thunder dahil gusto daw niya na makita nga ni Sunshine pagdating nito ang ganoong ayos ng kama para ipabatid sa kanyang mahal kung gaano niya ito kamahal. Kaya nagtaka po ako mam kay tiyang Luring kung sino si Sunshine at Thunder kasi po napaka unique ng kanilang pangalan at ang sabi nga ni tiyang Luring ay kayo nga po at iyong nobyo niyo pong Lyndon ba nag pangalan" walang prenong pagbabalita ni Anna na ikinagulat ni Joy.
"To-totoo ba ang sinasabi mo Anna?" nangingilid na naman ang mga luhang tanong ni Joy sa dalaga.
"Opo mam!"agad na sagot ni Anna na noon ay papasok na sila sa may pinto at nagulat nalang ang dalaga ng nagtatakbong pumasok ng main door ang dalaga at dumiretso sa hagdanan para pumanhik sa kanyang kwarto.
Nang nasa tapat na si Joy ng kanyang kwarto ay kaybilus ng pintig ng kanyang dibdib habang ang mga luha nito ay nag uunahan sa pagpatak. Nang tuluyan na niyang mabuksan ang pinto at tumambad ang mga nasa ibabaw ng kama ay napahagulgol siya ng malakas. Hinaplos haplos niya ang mga tuyong tuyo na mga bulaklak na naging sanhi pa ng pagkamantsa ng puting bed sheet, ang mga chocolates na nasa boxes na kung saan ay nakalagay ito sa isang malaking puso na alam niyang ginuhit ni Lyndon iyon. Maya maya ay kinuha nito ang isang liham na nakaipit sa may boxes ng chocolates at habang binabasa niya ito ay panay ang hikbi at hagulgol nito na halos hindi na niya nakikita pa ang kanyang binabasa dahil sa nanlalabong mga mata sanhi ng kanyang mga luha. Nang mapansin niya ang kanyang unan na naroroon ay iisa na lamang at ang naiwan ay si Thunder pillow kaya mas lalo pang napahagulgol si Joy.
"Lyndon, im so sorry my Thunder! Patawad kung naging makitid ang utak ko, hindi ko alam ang totoo, hindi ko alam dahil hindi kita binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Im so sorry my Thunder, im still loving you at miss na miss na kita hu hu hu!" sigaw na iyak ni Joy na noon ay yakap yakap nito ang Thunder pillow.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
Roman d'amourAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)