I LOVE YOU
"Lyndon & Joy"
By...emzalbinoLumusong sa tubig si Joy,nakipagtampisaw siya sa mga alon sa dagat ngunit ang kanyang isipan ay wala sa kanyang ginagawa kundi okupado ni Lyndon...
Sa naganap na halikan sa pagitan nila ng binata ay parang nakapagkit parin sa kanyang labi ang mga labi ni Lyndon at parang damang dama parin nito ang lambot ng mga labi ng binata, ang mahihigpit nitong mga yakap at haplos na parang may ibug sabihin, ang mga titig nito sa kanya habang magkahinang ang kanilang mga labi na waring may nais sabihin ngunit sa kabila nag mga agam agam niyang iyon ay ang hindi nawaglit sa kanyang isipan ang sinabi ni Lyndon sa kanya na matagal na daw niyang gustong gawin sa kanya ang hagkan siya ng binata..
Parang isang teen ager na kinikilig si Joy ng mga sandaling iyon, nang maramdaman nito ang haplos ng mga kamay ni Lyndon sa kanyang katawan ay ramdam nito ang init ng palad ni Lyndon na para bang lalagnatin siya...
Dahil sa isiping iyon ay umabot na ng takip silim si Joy na nakababad sa tubig kaya naman nag alala na si Lyndon na noon ay kanina pa naghihintay sa dalaga na matapos maligo,dahil sa hindi na nito maantay antay ay kusa na itong lumapit sa dalaga na noon ay nakadapa sa may buhanginan..
"Hindi ka pa ba aahin eh madilim na!......pasigaw na sabi ni Lyndon para marinig siya ni Joy at tumingala naman ito sa kanya.
"Aahon na".......sagot ni Joy saka muling sumisid sa tubig para maalis ang mga buhanging dumikit sa kanyang katawan.
Dahil sa sagot ni Joy ay hinintay nalang ni Lyndon na makaahon ang dalaga at ng makalapit na ito sa kanyang kinaroroonan ay tahimik nitong inabot ang kanyang t shirt instead her satin dress that she wore just before she bath.
"Bakit ano ito?.......takang tanong ni Joy saka napatingin sa mukha ni Lyndon.
"Iyan ang susuotin mo dahil ampangit tingnan ang damit na suot mo kanina lalo pa't basang basa kana at bakat na bakat ang katawan mo sa damit mo".......paliwanag ni Lyndon.
"Eh maiksi rin naman ito ah!........protesta ni Joy ngunit nagdilim lang ang mukha ni Lyndon sa sagot na iyon ng dalaga.
"Ang sabi ko iyan ang isuot mo kaya suutin mo na dahil babalik na tayo sa hotel"........may pag uutos na sabi ni Lyndon saka mataman nitong pinagmasdan si Joy mula ulo hanggang paa saka bumuntong hininga ito.
Walang nagawaa si Joy kundi isuot ang t shirt ni Lyndon at ng maisuot niya ay sakto lang ito sa kanya ngunit dahil sa stretchable natatakpan ang halos isang dangkal na bahagi ng hita nito kaya mas okay tingnan kesa sa suot niya kanina lalo pa at basang basa na nga ang dalaga.
Naka bermudes short lang si Lyndon na nakapatong sa kanyang swim trunk at dahil walang suot na t shirt ay nakaladlad ang matitipuno nitong mga muscles sa dibdib at ang six packs nito sa kanyang may tiyan na siyang tinitingnan ng mga kababaihan na kanilang nadadaan at mayroon pang mga babaeng talagang nagpapa pansin na kay Lyndon..
Parang natutuwa naman si Lyndon dahil bawat kaway sa kanya ng mg akababaihan ay napapangiti ito kaya naman parang gustong humila ng buhok ni Joy ng mga sandaling iyon, tanging nagagawa nito ay ang tingnan ng masakit at parang nakakamatay na irap ang mga dalaga na hindi napapansin ni Lyndon.
"Ang mga babaeng ito, ang lalandi nila! Alam na ngang may kasama iyong tao eh sige parin sa pagpapa cute hmp!........bubulong bulong na wika ni Joy na parang naulinigan ni Lyndon.
"May sinasabi kaba?......maya maya ay tanong ni Lyndon sa katabing naglalakad ng marinig nitong parang bumubulong at may sinasabi na hindi niya maintindihan dahil parang siya lang ang nakakarinig.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)