Chapter 4

5.7K 135 3
                                    

I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By....emzalbino

Isinama na ni mang Aldo si Lyndon sa mansiyon ng mga Torres upang pormal na makausap at makaharap si don Hernan..

Medyo kabado si Lyndon dahil unang sabak palang niya bilang maging body guard at ayon kay mang Aldo ay parang spoiled brat ang kanyang magiging amo, pangalawa ay makikisalamuha siya sa mga taong ngayon palang niya makikilala..

Hindi sa naduduwag siya kundi kailangan na naman niyang i adjust ang sarili sa panibagong kapaligiran at mga taong kanyang pakikitunguhan...

Tahimik lang siya habang papasok sila sa mansiyon ng mga Torres. Namangha si Lyndon sa lawak ng mansiyon ng magiging amo niya..

Palinga linga siya sa paligid,bawat sulok ng paligid ay malinis at nakalagay sa tamang lugar ang lahat ng mga bagay bagay sa mansiyon...

"Halika sa loob iho at ipakikilala kita kay don Hernan para makausap ka niya ng personal at masabi niya saiyo ang mga dapat mong gawin".....ani mang Aldo kay Lyndon na tumango lang ito at sumunod sa matanda..

Dumiretso sila sa library at kumatok ng tatlong beses si mang Aldo bago bumukas ang pinto..

"Oh Aldo magandang umaga"....bati ng don kay mang Aldo..

"Magandang umaga rin po don Hernan at donya Fely!......"Magandang umaga rin sayo Aldo"....sagot naman ni donya Fely saka napasilip siya sa may pinto at nakita nito si Lyndon..

"Sino siya?....maya maya ay tanong ni donya Fely kaya naman pati si don Hernan ay napasilip narin..

"Ay siya po si Lyndon, siya iyong sinasabi ko po sa inyo na magiging body guard ni mam Joy".....sagot ni mang Aldo..

"Magandang araw po sa inyo".....bati ni Lyndon sa mag asawa..

"Ay siya ba? Papasukin mo Aldo at ng makapag usap kami!.....ani don Hernan kaya pumasok naman ang dalawa..

"Maupo ka iho!....

"Salamat po"....magalang na sagot ni Lyndon saka naupo ito sa tabi ni mang Aldo habang nakaharap sa mag asawa..

Parang naaasiwa si Lyndon dahil ilang ulit na tiningnan siya ng don mula ulo hanggang paa, Naaalangan siya na baka hindi siya magustihan ng don bilang body guard ng kanyang anak..

"Panginoon ko, sana Po ay matanggap ako para magkaroon ako ng panibagong trabaho"piping usal ni Lyndon habang nasa harap ng mag asawa na para bang nakasalang siya sa isang detective test..

"Hmm Lyndon iho, Nakikita ko sayong personalidad na may pagka istrikto ka and i like the way like that dahil ang nag iisang anak namin ay may pagka maldita! Sinasabi ko na ang totoong pagkatao niya para alam mo at kung itutuloy parin ang pagiging body guard nito kahit alam mo na ang kanyang asal"......mahinahong pahayag ni don Hernan..

"Salamat po don Hernan,Itutuloy ko parin po ang pagiging alalay ng inyong anak kahit na kasing tigas ng bato ang ulo nito at wag kayong mag alala dahil gagawin ko ang lahat para magampanan ko ng maayos ang aking trabaho".....sagot ni Lyndon na ikinatuwa ng don.

"That's good iho! At wag na wag kang pasisindak sa kanya at kung alam mong nasa tama ka ay wag kang patatalo hangga't alam mong nasa katwiran ka dahil kahit na ako na ama niya ay hindi niya pinakikinggan,palibhasa ay nasanay siya mula noong bata palang siya na lagi kong sinusunod ang lahat ng kanyang gusto kaya nakalakihan niyang nakukuha niya ang kanyang naisin at ngayon ay nahihirapan na akong ituwid ang baluktot niyang asal"....buntong hiningang saad ni don Hernan..

"Opo don Hernan umasa po kayo na magiging okay po ang lahat"....

"Salamat iho"....masayang wika ng don saka may inabot ito kay Lyndon na usang sobre..

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon