Chapter 11

5.3K 130 2
                                    

I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbino

"Ang sabi ko anong ginagawa mo rito!......ulit ni Lyndon saka mahigpit nitong hinawakan ang braso ni Joy at pilit na pinatayo ang dalaga.

"Eh nag be breakfast kami ng mga kapatid mo"......naaalangang sagot ni Joy saka pilit nitong binabaklas ang kamay ni Lyndon sa kanyang braso..

"Alam ko kaya wag kang pilosopo!......muling singhal ni Lyndon kay Joy...

"Alam mo pala eh bakit mo pa tinatanong!.,.,..naiinis na ding sabi ni Joy dahil habang pinipilit nitong alusin ang kamay ng binata sa kanyang braso ay mas humihigpit naman ang pagkakahawak nito.

"Talagang ginagalit mo ako babae ka!......ani Lyndon at tangka sana nitong hihilain papalabas ng yumakap si Faith kay Joy.

"Kuya bitawan mo na si ate Joy, wala naman siyang ginagawang masama eh! Nakikipagkwentuhan lang naman siya sa amin at saka binilhan pa niya kami ng mga masasarap na cake at mga iba pang mga groceries kaya bitawan ko na ang kamay niya"..........ani Faith na pilit din inaalis ang kamay ni Lyndon sa braso ng dalaga at dahil doon ay napaiyak na si Joy...

"Wag kang umiyak para lang kaawaan kita dahil hindi bagay sayo dahil hindi ka naman artista para umarte ng ganyan!.......pasigaw na sabi ni Lyndon saka inalis nito ang kamay sa braso ng dalaga at dahil mahigpit ang pagkakahawak nito ay namula ang braso ng dalaga..

"Oo alam ko namang hindi ako artista at hinding hindi ako magiging artista! Umiiyak ako ngayon dahil nasasaktan ako sa ginagawa mong ito sa akin! Oo, alam ko na nagkamali ako noong una nating pagkikita! Nasaktan ko ang damdamin mo! Nilait lait kita at pinagsalitaan ng masasakit kaya kahit na anong pagsusungit mo sa akin ay tanggap ko dahil alam kong naapakan ko ang iyong pride! Pero sana naman ay wag mong ipagkait sa akin na makiamot ng kunting kaligayahan sa iyong mga kapatid dahil aaminin ko sayo na lahat ng bagay ay nasa akin! Nabibili ko ang lahat ng aking gusto napupuntahan ko ang bawat lugar na naisin ko, lahat ng mga naisin ko ay nakukuha ko,. Kumpleto ako sa mga bagay bagay na kailangan ko sa araw araw, may magarang kotse,.nahihiga sa malambot na kama, kumakain ng masasarap na pagkain, lahat nasa akin na pati ang body guard na suplado nasa akin narin! Pero hibdi parin ako masaya dahil hindi ko man lang naranasan ang maging malaya! Ni para akong isang ibon na laging nakakulong sa gintong hawla! Ni hindi man lang ako makaalis ng bahay ng sarili kong pasya! Laging may nakabuntot sa akin! At ngayong sinamantala ko ang pagkakataon para lang makaamot ng kunting kaligayahan sa piling ng iyong mga kapatid ay bawal parin? Oo, alam ko na kasalanan na naman itong ginawa ko dahil tumakas ako ng bahay ng lahat nakakaalam, dahil kung magpapaalam naman ako sa iyo eh alam kong hindi mo naman ako papayagan diba?! Bakit Lyndon masama bang makita mo akong nakangiti kahit sandali lang?.........humihikbing sabi ni Joy saka naglakad papalabas ng kusina..

Halos hindi makahinga sa sama at bigat ng dibdib si Joy habang naglalakad patungo ng pinto. Parang hindi niya kayang ihakbang ang mga paa nito dahil sa sama ng loob nito kay Lyndon. Nais lang niyang makasama ang mga kapatid ni Lyndon dahil nais miyang maranasan kung papaano ang pakiramdam ng may kapatid dahil noong unang nakita niya si Lyndon sa kasa kasama niya ang mga kapatid nito ay nagkaroon siya ng inggit sa sarili kaya ng magkaroon siya kanina ng pagkakataon minabuti niyang tumakas para pumunta sa bahay nila Lyndon na hindi niya akalain na pupunta naman pala ang binata sa mga kapatid nito....

..

Sa mga sinabing iyon ni Joy ay parang natauhan si Lyndon lalo pa at nakita niya sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya at ang sakit na nakalarawan sa mukha nito. Inaamin naman niya na ang dahilan ng pagsusungit nito sa dalaga ay ang nasaktan nitong pride ngunit ang pinakama rason ay ayaw niyang mapalapit ng husto sa dalaga dahil ayaw niyang tuluyang mahulig ang loob nito dahil marami pa siyang pangarap para sa kanyang mga kapatid na gusto niyang matupad at hindi pa ngayon ang oras para sa kanyang sarili.

I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon