I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbinoHindi pinansin ni Lyndon ang pagma martsa ng anak ng kanyang amo na siyang kanyang binabantayan dahil alam naman niyang hindi ito lalabas ng bahay kaya itinuon niya ang kanyang pansin sa dalagang kaharap..
"Buti't nagkakasundo kayo ng kaibigan mong spoiled brat".....lantarang sabi ni Lyndon kay Glenda.
"Hmm matagal na kaming magkaibigan niyan kaya alam ko na ang likaw ng kanyang bituka, pero kahit na ganyang mataray iyan eh mahal ko ang kaibigan kong iyan dahil mabait naman siya eh, hindi mo lang napapansin dahil magkasalungat kayo ng gusto".....pahayag ni Glenda.
"Siguro nga! Pero na upset talaga ako sa ginawa niya sa akin noon sa may mall kaya naman ng makita ko siya at malaman na siya pala ang babantayan ko ay parang gusto kong umurong ngunit tao akong kausap ni don Hernan kaya mas pinili kong manatili upang patunayan sa kanya na hindi lahat ng mahihirap na gaya ko ay hindi niya kayang tapak tapakan ang pagkatao lalo pa at lalaki ako".....saad ni Lyndon
"Well hindi naman kita masisisi kung ganyang ang naging approached mo sa kaibigan ko dahil kung stranger kasi ang tao sa kanya ay talagang masungit siya but after all ay mabait naman ang kaibigan kong iyan lalo na pag nagkasundo na kayo at doon mo lang makikita ang talagang pagkatao niya, sa ngayon ang makikita mo sa kanya ay ang kanyang kamalditahan dahil mag kaaway kayo".....salaysay ni Glenda na ngumiti lang si Lyndon dahil parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng dalaga.
"Sige Glenda aling Puring maiwan ko muna kayo at makikigamit muna ako ng banyo rito para makaligo na"....paalam ni Lyndon sa dalawang babae sa kusina.
"Sige".....halos sabay na sagot ni aling Puring at Glenda.
"Aling Puring pupuntahan ko lang po si Joy sa kwarto niya".....paalam nito sa matandang katiwala.
"O siya sige at ng maituloy ko na itong mga ginagawa ko rito sa kusina".....sagot naman ng matanda at pinuntahan na nga ni Glenda ang kaibigan na may ngiti sa kanyang labi.
"Gwapo pala ang loko na iyon lalo na sa malapitan at napaka macho niya!.....sigaw ng isip ni Glenda saka binuksan nalang niya ang pinto.
Tuloy tuloy si Glenda at naupo ito sa may kama habang pinapanuod nito ang kaibigan na nagpapahid ng sunscreen lotion..
"Magsu swimming ka?....maya maya ay tanong ni Glenda na noon ay naka short lang si Joy.
"Yes of course, what do you think?....mataray na sagot niya sa kaibigan ngunit nagkibit balikat lang si Glenda.
"Eh naka short ka naman eh!....
"Pinatungan ko lang dahil alangan namang maglalakad ako sa buong bahay na naka swim suit!...
"Ay oo nga pala ano, pahiram ako ng spare swim suit mo at maliligo rin ako".....ani Glenda at binuksan naman ni Joy ang kanyang ward ribe saka kinuha nito ang isa pang swimsuit na kulay itim...
"Akala ko ba ay doon ka nalang sa monster na iyon para makipag landian?.....nakasimangot na saad ni Joy sa kaibigan.
"Naligo na kasi eh at alangan namang hintayin ko pang matapos siyang maligo o kaya ay samahan siya sa banyo baka magkaaswa siya ng wala sa oras"....natatawang biro ni Glenda at umirap lang sa kanya ang kaibigan.
"Hmm selos yata ang ale".....natatawang pasaring ni Glenda.
"Hoy Glenda wag na wag mo akong itutukso sa lalaking iyon dahil kahit na anong gwapo niya ay hinding hindi ako magkakagusto sa isang katulad niya na antipatiko!....inis na bulyaw ni Joy sa kaibigan sa nagmamaktol na nilisan ang kwarto nito habang nagbibihis palang si Glenda.
"Tingnan mo ang babaeng ito, sobrang defensive eh kita ko naman kanina na napasulyap siya sa kahubdan ni Lyndon eh ayaw lang niyang aminin dahil sa kanyang pride!.Well Joy tingnan natin kung tama ang hinala ko o mali, Mapapaamin din kita hi hi hi".......humahagikgik na mag isa si Glenda sa kwarto ng kaibigan habang nagbibihis.
Matapos maligo ni Lyndon ay isinampay na niya ang kanyang nilabhang damit sa may likuran ng bahay. Dahil masyadong maliko ang kanyang daan kung pupunta siya sa harap at dadaan na naman siya sa bahay kaya sa may likuran nalang siya dumaan para madaling makarating sa harapan.
Papalapit na siya sa harden ng makarinig siya na parang may nagtatampisaw sa tubig kaya napatingin siya sa pool at saktong papaahon si Joy na naka two piece red swim suit na lalong nagpalitaw sa kanyang kaputian.
Bahagyang napatulala ang binata dahil sa kinis ng hita ni Joy na mahahaba at napakaputi.Kahit inis siya sa dalaga ay hindi niya napigilan ang sarili na hangaan ang kariktan ng dalaga.
Nang mapamsin papaharap ito sa kinaroroonan niya na malapit narin sa may pool ay iniiwas niya ang tingin dahil baka maging mitsa na naman ng kanilang away kung sakaling malaman nitong nakatingin siya sa dalaga kaya pasimpleng naglakad ito na baliwala lang sa kanya ang taong nakita niya sa paligid..
Pagharap ni Joy sa kanang bagahi niya ay nakita niyang papalapit sa kinaroroonan niya si Lyndon at dahil doon ay parang nainis siya sa binata dahil pakiwari niya ay sinasadya nitong sundan siya.
Sa inis niya ay isinuot niya ang kanyang tsinelas para kunin ang kanyang tuwalya na ipinatong niya sa may bench ngunit dahil basang basa siya at basa rin ang sahig ay nadulas siya kaya napatili siya ng malakas...
Ngunit nagulat si Joy na imbis sa semento siya bumagsak ay sa malalapad na dibdib ni Lyndon siya lumanding. kaya ang hitsura nila ay nakapatong siya kay Lyndon na siya naman ang napahiga sa may semento.
Hindi makatayo si Lyndon dahil nakadagan sa kanya si Joy at ng mga sandaling iyon ay damang dama ni Lyndon ang malambot na katawan ng dalaga at ewan ba niya dahil bigla nalang nag react ang kanyang katawan.
Nang tingnan niya nag dalaga ay saktong nakatingin din sa kanya at doon lang niya nakita ang pamumula ng mukha ni Joy na mas lalo pang nagpaganda sa dalaga.
Pinilit bumangon ni Lyndon na kahit na nakadagan sa kanya si Joy ngunit hindi niya kaya.
Samantalang parang natuka ng ahas si Joy ng mga sandaling iyon at ni hindi niya magawang bumangon at nakatingin lang siya kay Lyndon at alam niyang pilit na bumabangon nito ngunit siya ay walang kakilos kilos, ngunit bigla siyang napalingon ng...
"Aheeemmm!!....anang malakas na tikhim ni Glenda na sadyang nilakasan para mapansin siya ng dalawa..
Namumula ang mukhang tumayo agad si Joy at dahan dahan naman na bumangon si Lyndon na agad na lumapit sa kanya si Glenda.
"Lyndon are you okay?....alalang tanong ni Glenda sa binata sabay pagpag ng dumi sa suot na t shity ni Lyndon na sadyang ginawa iyon para malaman kung ano ang reaksiyon ng kaibigan at kitang kita nito ang paglukot ng mukha ni Joy.
"Salamat Glenda,okay lang ako"...sagot ni Lyndon saka kinuha nito ang tuwalya sa may bench at inabot kay Joy..
"Tuwalya mo, sa susunod mag iingat ka para hindi ka nadidisgrasya"....paalala ni Lyndon saka pasimpleng tiningnan ang kabuuan ng dalaga at saka nilisan ang magkaibigan..
"Ano kaba hah Glenda! Ano na nga ang nasaktan,sa kanya ka pa nag worried ng husto"...nakasimangot na turan nito kay Glenda.
"Eh bakit naman hindi eh iyong tao ang mas higit na nasaktan kesa saiyo"....sagot ni Glenda.
"Kahit na!....muling wika nito.
"Hmm baka nagseselos kalang sa akin,girl aminin mo na na masarap bang mahiga sa dibdib ni fafa Lyndon dahil halos hindi ka nakagalaw upang bumangon?....nang aasar pang tanong ni Glenda sa kaibigan..
"Baliw!....inis na bulyaw nito kay Glenda ngunit biglang sumagi sa isip niya ang naganap kanina na para bang ng mapahiga siya sa dibdib ni Lyndon Ay pakiramdam niya ay safe na safe siya roon kaya hindi niya napigilan na tirigan kanina ang mukha ng binata at noon lang nito namasdan ng mabuti ang kakisigan ng binata kaya bigla siyang pinamulahan ng mukha..
...itutuloy...
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)