I LOVE YOU
"LYNDON & TIFFANY"
By...emzalbinoKahit na sinabing ligtas na si Joy sa kapahamakan ay oarang ayaw parin nitong gumalaw sa pagkakayakap sa kanya ni Lyndon, dahil ang pakiramdam niya ay mas safe siya sa mga bisig ng lalaki ngunit ng makitang papalapit na si Glenda ay saka siya unti unting kumalas kay Lyndon...
"Ba-bakit anong nangyari?.......alalang tanong ni Glaenda sa dalawa ng makitang parang nanlalambot at nanginginig ang kaibigan...
"Muntik na siyang nalunod buti nalang at nakita ko siya".......sagot ni Lyndon saka inalalayang tumayo at pinaupo nito si Joy sa may bench at kinuha nito ang tuwalya saka ibinalot sa katawan ng dalaga...
"Eh papaanong nangyari samantalang marunong ka namang lumangoy ah!?......muling tanong ni Glenda..
"Namintig nga ang mga paa ko at hindi ko maigalaw!......wika naman ni Joy..
"Magbibihis muna ako".......maya maya ay paalam ni Lyndon sa dalawang babae..
"O-okay tha- thanks ulit"........sagot naman ni Joy saka napalingon sa binata na sa akala niya ay hindi nakatingin sa kanya ngunit nananatiling nakatingin pala kaya ng magtama ang kanilang mga paningin ay hindi mapigilan ni Joy ang pagba blushed nito...
Nang hindi sinasadynag magtama ang paningin nila ni Joy ay hindi alam ni Lyndon kung bakit biglang may kakaibang nadaramang kumudlit sa kanyang pagkatao, ewan niya kung ito ay awa sa dalaga dahil sa hitsura nito kanina na parang takot na takot o ang pagkakadaiti ng kanilang katawan na kahit na basang basa silang pareho ay ramdam niya ang pagbabago ng temperatura ng kanyang katawan kaya hindi niya mapigilan ang mapabuntong hininga dahil sa pagkakadama nito ng lambot ng katawan ng dalaga...
"No Lyndon wag kang ganyan dahil kahit kailan ay hindi ka maaaring mapalapit sa babaeng katulad niya dahil isang hamak na mahirap ka lang kumpara sa kanya at masasaktan ka lang kung sakaling ipagpatuloy mo ang pagnanasang ito"........ani Lyndon sa sarili saka unti unting nilisan ang lugar na kinaroroonan ng magkaibigan...
Hindi naman mapigilan ni Joy na hindi lingunin ang binatang papalayo, hindi siya makaimik dahil hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon kung tatayo na ba siya o ano ang dapat niyang gawin....
"Hoy babae baka matunaw na si Lyndon niyan ah!.......untag ni Glenda sa kaibigan na siyang nagpabalik ng diwa nito...
"A-ano bang mga pinagsasabi mo!......kunwa'y iritadong sabi nito sa kaibigan saka inayos ang pagkakatapis ng tuwalya sa kanyang katawan...
"Totoo naman ah! Ni halos ayaw mo ng kumalas sa kanya kanina at kung hindi pa ako dumating eh siguro nakayakap ka parin sa kanya hanggang sa ngayon"........nanunuksong turan ni Glenda sa kaibigan na hindi maalis alis ang ngiti nito sa labi...
"Tumigil ka nga Glenda! Muntik na ngang mamatay ang tao eh kung anu ano pa ang sinasabi mo riyan!.......namumulang sabi ni Joy.
"Whoaaa mamamatay na daw! Baka mamamatay sa kilig! Biro mo aayaw ayaw kay Lyndon eh kung makayakap naman eh wagas na halos ayaw ng kumalas".......hindi tumitigil na pang aasar ni Glenda sa kaibigan....
"Glenda please tumigil ka nga ritan dahil baka may makarinig sa mga sinasabi mo at nakakahiya!....napipikon ng sita ni Joy kay Glenda ngunit sadyang mapang asar naman ito..
"Hmm friend matitigas ba ang muscles ni Lyndon sa dibdib nito? Kasi parang kaysarap himas himasin eh"!........mas lalo pang pang aasar ni Glenda na sa inis ni Joy ay tinalikuran nito ang kaibigan saka nagdadabog na nagtungo ng kanyang kwarto ngunit habang naglalakad papunta ng kanyang kwarto ay bigla niyang naisip ang sinabi ng kanyang kaibigan...
Biglang napapikit si Joy ng muli niyang maalala ang pagkakayakap nila ni Lyndon kanina, ang pagkakalapat ng kanyang katawan sa matitigas na muscles ni Lyndon at ngayon ay tama nga ang sinabi ni Glenda na parang kaysarap himasin ang matitipunong dibdib ng binata at kanina habang nakahilig siya sa mga bisig ni Lyndon ay parang lugtas na ligtas siya ng mga oras na iyon..
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)