I LOVE YOU
"LYNDON & JOY"
By...emzalbino"Anong ginagawa mo rito huh!?.....biglang singhal ni Joy kay Lyndon ng makabawi ito sa pagkakabigla..
"Naririto ako para sa aking tungkulin!....sagot ni Lyndon sa pormal na boses nito..
"At anong trabaho ang ipinunta mo rito at kung maka sita ka ay ikaw ang may ari ng bahay na ito?.....muling tanong ni Joy saka pinasadahan mula ulo hanggang paa ang binatang kaharap nito..
"Kinuha akong body guard ni don Hernan at wag mong sabihin na ikaw ang anak na tinutukoy nito!.....
"Yes ako nga ang unica hija ni daddy at mommy, At kung totoo ang sabi mong ikaw ang kinuhang body guard ni daddy upang bantayan ako minu minuto ay ngayon palang sasabihin ko na saiyo na mas mabuti pang umalis kana sa pagiging body guard mo dahil ngayon palang ay ayaw ko ang iyong serbisyo!.....
"Alam mo kung noon palang sana ay alam ko na ikaw ang babantayan ko at pag aaksayanahan ko ng oras ay sana'y hindi ko na tinanggap ang trabahong ito! Pero naririto na ako kaya sa ayaw at gusto mo ay ako ang magiging body guard mo at kung sakaling ayaw mo akong makita eh mas maganda nalang kung magmukmok ka buong araw at oras sa kwarto mo para hindi tayo nagbabanggaan sa bawat minuto dahil kung ang klase mo lang naman ang makakasa ko sa araw araw ay baka mas naisin ko pang makasama ang mga bilanggo o kaya ay ang mga tao sa palengke dahil kahit papaano ay kakausapin ako bilang tao kesa sayo na ni hindi man lang marunong tumanaw ng utang na loob!.....
"Hoy lalaki ang kapal ng mukha mong pagsabihan ako ng ganyan ah!....namumula sa galit na sigaw ni Joy..
"Well miss Sungit kung ayaw mong makarinig ng maanghang na salita ay itikum mo ang bibig mo dahil kahit na anak ka ng aking amo ay hindi ako takot saiyo at hindi ko susundin ang sinabi mo na aalis ako sa pagiging body guard mo dahil hindi ikaw ang nagpapasweldo sa akin, Kaya bumalik ka na sa kwarto mo ngayun din!.....matatag na wika ni Lyndon habang pormal ang mukhang nakatitig sa dalaga..
"What! Minamanduhan mo ako!?....hindi makapaniwalang bulalas ni Joy..
"Oo kaya sa ayaw at gusto mo ay babalik ka ngayon din sa kwarto mo!.....sagot ni Lyndon sabay turo sa may pinto ng likod bahay para pumasok doon.
"Nope! Hindi kita susundin dahil isa ka lang na alipin sa bahay na ito!....sigaw ni Joy sa binata.
"Ah ganon huh!....ani Lyndon saka walang sabi sabing binuhat niya ito at ipinatong sa kanyang balikat na parang palay na nasa sako at ipinasok sa loob ng bahay at kahit na nagpapalag at nagsisigaw ay hindi siya ibinaba ni Lyndon at patuloy lang ito sa paglakad at ng marating na nito ang kwarto ng dalaga ay binuksan niya ito at saka ibinagsak niya sa kama ang dalaga..
"Araaay o walang hiya kang lalaki ka!....nanggagalaiting sigaw ni Joy kay Lyndon saka pinagbabato nito ng unan..
"Iyan ang bagay sa iyo babaeng kasing tigas ng bato ang ulo! Oh ang unan mo kailangan mo iyan sa iyong pagtulog!.....ani Lyndon saka ibinato pabalik kay Joy ang unan at tumama sa mukha ng dalaga..
"Walang hiya ka bastos!.....maiyak iyak na sigaw ni Joy..
"Good night and sweet dreams!.....nang aasar na wika ni Lyndon na napangiti ito dahil sa nakitang pagkainis ng dalaga sa kanya saka medyo pabagsak nitong isinara ang pinto ng kwarto ng dalaga..
"Walang hiya kang lalaki ka may araw karin sa akin!...sigaw ni Joy saka pinagbabato nito ang pinto ng unan..
Napahagulgol si Joy sa sama ng loob dahil hindi niya inakala ang lahat ng kanyang natuklasan..
"How dare you daddy na ito pang kumag na ito ang nakuha mong body guard ko sa dinadami ng tao sa mundo!.....ani Joy habang panay ang agos ng kanyang luha dahil hindi niya maisip na may isang taong nagbabanta sa kanya..
Pagkaraan ng ilang sandali ay agad niyang pinahid ng palad ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi saka dinampit ang kanyang cell phone at tinawagan ang kaibigang si Glenda..
"Hello Glenda,are you still awake?...,naninigurong tanong ni Joy..
"Syempre naman dahil ang sabi mo ay hintayin ko ang tawag mo kaya heto naghihintay ako, O nakatakas kaba? Nasaan kana?....sunod sunid na tanong ni Glenda sa kaibigan.
"Nope hindi ako nakatakas dahil sa walang hiyang lalaking iyon!.....galit na sagot ni Joy kaya naman nagtaka ang kanyang kaibigan.
"Sinong lalaki na iyon at bakit hindi ka nakatakas?....muling tanong nito.
"That damn man! Naalala mo ba iyong kuwento ko sayo noon na lalaking nagtutulong tulungan sa akin ng may mangholdap sa bag ko?..
"Yes why?...kunot noong sagot ni Glenda......"Wag mong sabihing siya ang body guard na kinuha ng iyong daddy dear?.....
"Exactly!.....halos pasigaw na sagot ni Joy ng matumbok ng kaibigan ang sasabihin sana niya.
"What! Nagbibiro kaba?...hindi makapaniwalang tanong ni Glenda.
"No im not! At alam mo ba na binantaan pa niya ako na hindi daw siya natatakot sa akin at sinabihan pa ako na kung alam lang daw sana niya na ako ang ng kanyang amo na babantayan ay never niyang tinanggap ang kanyang trabaho at alam mo bang inutusan niya akong pumasok ng bahay but i refused then he carried me like a cavan of rice on his shoulder,tapis ibinagsak niya ako sa may kama at ibinato pa niya ang unan sa mukha ko"......sumbong nito sa kaibigan sabay iyak nito hanggang sa napahagulgol na ng tuluyan...
"His so rude!....hindi makapaniwalang saad ni Glenda sa kaibigan..
"Yes he is! At kakausapin ko si daddy na paalisin niya ang monster na iyon!....
"Bakit tinawag mong monster? Diba noon you said that he is handsome?....
"I called him monster dahil sa ginawa niyang iyon sa akin at hinding hindi ko makakalimutan ang mga iyon at i swear na magiging mortal kong kaaway ang lalaking iyon!.....determinadong saad ni Joy sa sarili..
"Hmm i think i have to visit you tomorrow if you don't mind"....maya maya ay wika ni Glenda.
"Yes it's a big favor for me! And you can stay here kahit na ilang oras o araw para hindi ako mabaliw dito sa bahay dahil si daddy ay wala ng tiwala sa akin, They still threating me like a kid, ginagawa nila akong paralisado o kaya ay iyong walang kaalam alam na hindi kayang alalayan ang sarili dahil mula ng bata ako hanggang ngayon ay lagi nalang may nakabuntot na asungot sa aking likuran at bawat galaw ko ay nakamonitor,Alam mo Glenda sakal na sakal na ako kaya kung minsan i've choosed to stay in my room para kahit papaano ay maranasan ko rin ang mamuhay ng normal na gaya sayo"......pahayag ni Joy habang walang tigil ang mga luha nitong naglalandas sa kanyang pisngi..
"Naiintindihan kita friend but i understand also ang gusto ng iyong mga magulang na protektahan ka palagi dahil alam mo na ang estado ng buhay ninyo,Marami ang naiinggit sa iyong daddy dahil sa siya ang isa sa kilalang tao sa lipunan kaya hindi nalalayo sa kanya ang mga panganib, do you remember ng muntik na kayong ma ambush at buti nalang dahil may napadaan na grupo ng mga pulis na nagpapatrolya? Kaya simula noon ay lagi ng may mga alalay ang daddy mo sa tuwing lalabas siya o kahit sino sa inyo dahil natatakot siya na baka maulit muli ang sandaling iyon. At bilang magulang at ama ng tahanan ay kailangan niyang protektahan ang kanyang mahal na pamilya para mailayo sa anumang gulo o panganib kaya dapat mong ilagay sa isip mo na hindi gagawin ng iyong daddy ang alam niyang ikinaiinis mo kung walang magandang idudulot ito".....salaysay ni Glenda sa nagmamakurulyong kaibigan.
"Hmp! Ngayon ako pa ang naging bad sa lahat!.....reklamo nito sa kaibigan.
"No one has fault,At hindi ko sinasabing mali ka friend but you have to consider what your daddy's want, because there's no parents that will put their daughter to the risk"....muling turan ni Glenda sa kaibigan..
"Amen! Alam ko naman iyon eh kaya lang minsan napipikon na ako! Hmm stop that topic, tomorrow i will wait you here"......maya maya ay wika nito kay Glenda.
"Okay, sige good night na para makapag beauty rest na rin ako at ikaw rin!....
"Good night too!....sagot ni Joy saka pinatay ang kanyang cellphone..
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nasaksihang lahat ni don Hernan ang naganap at talunan ng mga ito kaya lihim na natatawa ang don.
"I very sure na si Lyndon ang makakatapat ng spoiled brat kong anak"....ngingiti ngiting turan ni din Hernan saka itinungga ang nasa basong whisky para pampatulog nito.
.....itutuloy...,,
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)