I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino
Epilogue.....AT THE WEDDING RECEPTION.....
Sinamantala ni Glenda na lapitan si Joy ng iwan ni Lyndon dahil pumunta ito sa umpukan ng mga kalalakihan kung nasaan din ang asawa nitong si Lucas. Nang malaman ni Glenda na ikakasal na si Joy ay agad na nag leave muna silang mag asawa sa trabaho ng one week para lang maka attend sa kasal ni Joy.
"Hoy bruha, tama na iyan! Magpahinga kana muna dahil maya maya lang ay honeymoon niyo na ni Lyndon" parang kinikilig na wika ni Glenda sa kaibigan at hinila nito sa isang mesa na hindi naman kalayuan sa kinaroroonan nila Lyndon kaya pabulong ang salita nito dahil baka may makarinig.
"Sira!" natatawang sagot ni Joy saka naupo ito sa tabi ng kaibigan.
"Alam mo Joy kung sa umpisa masakit iyan but afterwards, hay naku sobrang nakakakiliti kaya bibigyan na kita ng tips para alam mo at hindi ka maging nganga" prangkang sabi ni Glenda sa kaibigan.
"Sira ka talaga Glenda! But you're right na masakit sa umpisang pagpasok niya" sang ayon ni Joy sa kaibigan na napangiti ito ng maalala ang unang gabi nila ni Lyndon.
"What! do you mean hindi ito ang unang gabi ninyo ni Lyndon? Ibig mong sabihin ay nauna na ang hineymoon ninyo kesa sa kasal?" hindi makapaniwalang tanong ni Glenda ngunit sa mga mata nito ay nakalarawan ang pilyang ngiti.
"Yes my friend" tanging sagot ni Joy na natatawa sa reaksiyon ng kaibigan.
"Ay ang landi mo Joy, bumigay ka agad!" nanlalaki ang mga matang bulong ni Glenda na si Joy naman ay panay ang hagikgik nito.
"Eh ano ang magagawa ko kung natukso ako eh, at saka kayhirap kalabanin ang puso kaya hayun at isinuko na agad ang bataan" bulong na sagot ni Joy na napahagikgik naman si Glenda.
"Kailan ba iyong unang gabi ninyo?" hindi mapakali sa kinauupuan si Glenda sa katatanong kay Joy.
"Hmm after few days pagkagaling namin sa Boracay." muling sagot ni Joy.
"Naks naman Joy! But honestly friend, diba kaysarap sa unang love making hi hi hi" hindi maawat awat na tanong ni Glenda na para bang sinisilihan sa kanyang upuan dahil akala mo ay siya ang makikipag honey moon.
"Alam ko masyado ka ng usyusera! Actually tama ka nga friend, halos mamaos ang lalamunan ko noon sa kakasigaw dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako at para akong nasa alapaap na nakakakita ng maraming stars" pigil ang tawang saad ni Joy.
"Ay parehas tayo friend at ang unang pag la love making din namin ni Lucas noon ay sa kanilang bahay ng pagkagaling namin sa Boracay ay inaya niya akong mamasyal sa bahay nila at that time ay sinagot ko siya. Then after a few hour ay dinala niya ako sa loob ng room niya dahil manonood daw kami ng movie but ng pagkapasok namin ay agad niya akong pinaghahalikan at ako naman ay mahina sa tukso kaya iyon naganap ang hindi dapat" walang malisyang kwento ni Glenda kaya napahagikgik muli si Joy.
"Ako naman ay dahil sa pag aalburuto ko dahil sa selos ko noon sayo na akala ko ay kayo na ni Lyndon. Hindi ako kumain ng ilang kainan at alam ko bang ikinandado niya ako sa loob ng kwarto ko dahil hindi niya ako mapalabas and before midnight ay dinalhan niya ako ng dinner at pinakain niya ako. Pakiramdam ko noon ay nilalambing niya ako kaya ewan ko ba kung ano na ang nangyari pagkatapos nun basta ang natatandaan ko nalang ay hinagkan niya ako at ng maramdaman ko ang init ng kanyang labi ay parang may kung anong kuryente na umakyat sa buo kong katawan hanggang sa namalayan ko nalang na tinutugon ko ang kanyang mga halik hanggang sa naging mapusok siya at iyon naganap ang unang love making namin at simula noon ay naging kami na" kaytamis ng ngiting saad ni Joy na saktong napatingin sa dakong kinaroroonan ni Lyndon na nakatingin pala sa kanya at kinindatan pa siya nito akay naman mas lumawak pa ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
RomanceAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)