I LOVE YOU
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino
Pabalibag na isinara ni Joy ang pinto ng kwarto ng makapasok na ito sa suit nila ni Glenda, Ayaw sana niyang umiyak ngunit talagang nasaktan siya ng husto sa lambingan ng dalawa. Pinilit niyang in ignura ang kanyang nakikita ngunit ng tangkain sanang hawakan ni Lyndon ang kanyang labi ay doon na humalagpis ang kanyang poot dahil bigla niyang naalala ang pinagsaluhan nilang halik ni Lyndon na siyang nagpatangay sa kanya, Nadala siya sa mga matatamis na halik ng binata ,sa mga haplos nito na para bang kinikiliti ang buo niyang pagkatao at ang yakap nito na para bang ayaw na siyang pakawalan pa ngunit ngayon ay harap harapan silang naglalampungan ni Glenda.
"Aaahhhhh!!.......,garalgal ang boses na sigaw ni Joy kasabay ng pagdaloy ng mga luha nito....."I swear Lyndon pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin! Hayop ka, matapos mo akong paasahin sa mga halik mo'y sasaktan mo lang pala ako ng harapan? You will pay for this!.......humihikbing sabi ni Joy saka nagtungo ng banyo at inayos nito ang sarili.
Samantala dahil sa mga sinabing iyon ni Joy kay Lyndon ay hindi na muna niya inabala ang dalaga, nagpaalam siya kay Glenda na maglakad lakad muna sa may dalampasigan upang makapag pahinga ng husto at pumayag naman si Glenda kaya't naiwang mag isa ito sa restaurant.
Habang naglalakad sa dalampasigan ay panay ang buntong hininga ni Lyndon dahil parang pakiramdam niya ay magkaka problema na naman siya sa kanyang alaga dahil sa aura ng mukha nito na para bang nais niyang pumatay sa talim ng mga mata nitong nakatingin sa kanya kaninang papaalis ito.
"Ano na naman kaya ang nakain ng babaeng iyon dahil bigla nalang naging leon sa bangis ang mukha nito?..........bulong na tanong ni Lyndon sa sarili saka napapikit ito kasabay ng pagbuntong hininga ng biglang sumagi sa isip niya ang pinagsaluhan nilang halik ni Joy na halos pumukaw sa kanyang pagtitimpi.
Pilit niyang nilalabanan kanina ang kanyang nararamdaman habang nakapatong sa kanya si Joy ngunit ng haplusin nito ang labi ng dalaga at napaawang ito ay doon na napatid ang kanyang pagpipigil dahil sa mga labi nitong nag aanyaya sa kanyang mga halik.
Nang maghinang na ang kanilang mga labi ay mas lalo pa siyang nadarang ng maramdaman nito ang lambot ng labi ng dalaga at ng tumugon na si Joy ay parang hindi na alam pa kung ano ang tama, Ang tanging naa isip lang niya ay ang mabigyang laya ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon lalo pa ng lumakbay ang kanyang mga kamay sa malambot na katawan ng dalaga.
Parang nais na niyang tapusin ang lahat ng mga sandaling iyon ngunit biglang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang mga kapatid kaya naman bigla nalang niyang itinigil ang kanyang ginagawang iyon sa dalaga, nais niyang tuluyang palayain ang kanyang damdamin ngunit marami siyang mabibigong mga pangarap lalo na ang kinabukasan ng kanyang mga kapatid kaya pilit niyang nilabanan ang sariling kaligayahan para sa kanyang mga kapatid.
Ipinasya ni Lyndon na manatili muna sa dalampasigan hanggang hindi pa siya inaantok, inabot na siya doon ng alas onse ng gabi ay naka dilat parin ang kanyang mga mata at ni wala man lang palatandaan na siya ay inaantok kaya ang ginawa niya ay naupo siya sa may makaling bato at isinandal doon ang kanyang likod habang pinapanuod ang mga naglalakihang mga alon na tumatama sa mga bato at tanging ang mga bituin lamang at ang buwan nag nagsisilbing ilaw niya para makita ang mga paligsahan ng mga alon.
Umabot pa ng halos kalahating oras si Lyndon sa kanyang kinaroroonan hanggang sa hindi nito namalayan na napaidlip na pala sa panunuod niya sa mga alon at sa mga munting bituin na nasa kalangitan.
....
Si Glenda naman ng iniwan na siya ni Lyndon ay ipinasya niyang mag bar hopping muna na mag isa dahil ayaw muna niyang puntahan ang kanyang kaibigan sa kanilang kwarto dahil kilala na niya ito na kung galit ay wag na wag mong kakausapin dahil mas lalong mag aalburuto ito, kailangang bigyan muna ng ilang sandali upang maging mahinahon bago mo muling kausapin ito.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbino
Roman d'amourAng kwentong iyo ay kathang isip lamang, kung sakaling may pagkakahalintulad sa anumang bagay o pangyayari sa tunay nabuhay ay hindi sinasadya ... .......salamat po.....emzalbino(emmz)