Chapter 1: Offer
—ERIN DE SILVA—
"Ako ineng e may itatanong sa iyo."
"May bayad ho." Tipid kong sagot at bigla na lang akong nakatanggap ng hampas kay Lola. "Inay naman!"
"Mukha ka talagang pera kahit kailan." Nakasimangot na sabi nito kaya't nagpeace sign ako sa kan'ya. Para nagbibiro lang naman.
Serious yarn?
"Ako e may itatanong." Paguulit pa ni Lola sa akin.
"May bayad nga ho---ARAY! CHAROT LANG NAMAN! ETO SI LOLA LAGI NANG NANANAKIT! HINDI NA MABIRO."
〒▽〒
Agad akong lumipad sa kabilang dulo ng lamesa matapos akong habulin nito ng mahabang panungkit ng sinampay.
Akmang susuwagin na ako ni Lola gamit ng panungkit nang ngitian ko ito at itaas ang hawak kong tasa na may lamang kape.
"The best ang kape mo Inay." Malambing kong sabi dito dahilan para ibaba na nito ang mahabang panungkit sa sinampay na hawak hawak n'ya. Habang ako naman ay naupong muli sa upuan ko kanina.
Lumapit si Lola sa akin at bahagyang pinagkatitigan ang aking anit.
"Ang tanong ko sa iyo Ineng."
"Ano ho?"
"Ikaw ba ga e naligo kahapon?"
(~ ̄(OO) ̄)ブ
Agad akong napalayo kay Inay dahil sa tanong niya sa akin. Grabe ha! Yun talaga ang tanong?
"Aba syempre ho... Hindi."
At nakatanggap na naman ako ng hampas sa balikat dahil sa isinagot ko.
Bakit ba kailangan maligo! Nakakabaho kaya yon. Atsaka maaksaya kaya sa tubig. Siya na nga ang nagsabi sa akin na ako raw e matutong magtipid ng tubig tapos ako e pagagalitan kapag hindi naligo.
"Aba e bat ga ho maliligo?" Tanong ko na lang bago muling simimsim ng mainit na kape. Agang aga e ako na nama'y malalamog sa kahahampas ni Inay sa akin.
"Papayag ka ga nang hindi ka liligo e darating si Attorney Adastre ngayon?" Halos mabali ang leeg ko sa pagkakalingon kay Lola dahil sa sinabi nito at ilang segundo pa bago magsink in sa akin ang sinabi ni Inay.
"Ala! E ako ho'y hindi pa nakakaligo!" Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko pero nang maalalang hindi ko pa ubos ang kape na aking iniinom ay nilagok ko---aray ang init grabe. Napaso ako.
"Gandang babae nga, tatanga tanga naman. Magtubig ka rine."
ಥ‿ಥ
Ay wow. Harsh mo naman La. Okay lang. At least may compliment na may halong panlalait.
"Maya na ho. Maliligo na 'ko." Sagot ko nang ako ay ipagsalin nito ng tubig sa baso.
"Wala ka nang damit dine. Ika'y umuwi muna sa iyong Mommy at doon ka na maligo." Sabi ni Inay na para bang pinagtatabuyan ako.
Pero wala nang time para ako ay magdamdam kaya't nagtatakbo na ako pauwi sa amin para maligo.
。。。
"Dadating pala naman si Attorney. Bakit hindi nyo ako sinabihan?" Tanong ko kay Mommy na nagaasikaso sa bahay.
Palibhasa ay kina Inay ako natulog kagabi kaya hindi ko alam na nagaayos na pala sa amin sila Mommy at ang iba pa naming tyahin.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...