Chapter 32: Jam Night
—ERIN DE SILVA—
Ilang araw matapos ang congratulatory party ng aming bagong Mayor, muling bumalik sa dati ang lahat na para bang walang nangayari.
At higit sa lahat, natapos na ang imbestigasyon sa mga anumaliya ni Konsehal Panataleon. Hindi kami nabigo at tuluyang naibunyag ang iba pang mga ilegal na aktibidad nito bago pa lamang itong makaupo sa kan'yang pwesto.
Ang ipinagtataka naming lahat, sa kabila ng samu't-saring balita kay Tolentino Pantaleon, wala na kaming narinig pa sa panganay na anak nito na si Tobi.
Bagamat tapos na ang suspension period nito sa school ay hindi na rin namin ito nakita pa.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa sa kan'ya lalo na't hindi na namin alam ang nangyari sa kan'ya.
"Erin may natawag sa cellphone mo." Tawag ni Kuya Jian sa akin habang bitbit ang phone ko na agad ko din namang kinuha at doon ko nakita ang caller id.
Si Dani.
Isa pa 'to. Sa hindi malamang dahilan ay madalas ko s'yang nakakasama simula pa nitong mga nakaraang araw.
"Oh, napatawag ka?" Bungad ko dito pero halos mautas ako kakatawa nang marinig itong mag 'tss' mula sa kabilang linya sa kabila ng ingay. "Taray. Ano, ibababa ko na 'yung tawag kung wala kang sasabihin--"
"Break a leg." Tipid nitong sabi kaya naman napaayos ako ng tayo.
"Nasa open space ka ba ng Central District?" Excited kong tanong habang pilit na sinisilip ang kapal ng tao sa kabuuan ng open space.
"Of couse no! Anong akala mo sa'kin---ouch, stop pushing me."
Agad kong hinanap ito sa may bandang harapan ng stage kung saan nagkakagulo na din ang mga tao dahil mamaya maya lang ay maguumpisa na ang Jam Night.
Bigla naman akong natigilan nang makita ito sa kumpol ng mga tao na mukhang iritado dahil nagkakasagian na.
(~ ̄(OO) ̄)ブ
Hmp, pakipot pa.
"Sige sabi mo e."
"Whatever.." Sabay baba nito ng tawag kaya't napailing na lang ako dahil sa inasal nito.
Natutuwa ako na andito si Daniella ngayon para manood ng Jam Night kahit pa itinanggi n'ya ito sa akin.
Alam ko na isa lang kami sa mga bandang napiling tumugtog at di hamak naman na mga beterano na ang mga kasama namin pero nakakataba ng puso na andito kami ngayon para tumugtog.
Malaking opportunity 'to para sa amin lalo pa at recognition din ang gusto ng banda namin.
Higit sa lahat, nakakatuwa na madami ang andito para sa amin.
Karamihan sa kanila ay mga estudyante ng West Ridge mula sa High School at University at maging sila Mommy ay andito din.
Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagmamasid-masid nang hinihingal na dumating si Kuya Jian.
"Erin grabe, ang dami mong bisita. Hinahanap ka nung anak ni Mayor. Kaano-ano mo ba 'yon?" Kunot ang noong sabi nito na para bang pagod na pagod na ito sa pagaasikaso sa amin.
(︶^︶)
Yan kasi, manager pa.
Anyways, anak daw ni Mayor.
"Secret." Mapangasar na sabi ko dahilan para mapalingon sa amin sila Adrie at iba pa.
"Ikaw ha! Ikaw 'yung girlfriend nung anak ni Mayor noh!"
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...