Chapter 35: Final Session
—ERIN DE SILVA—
Hindi na ako mapakali habang naghihintay. Halos isang oras na rin kasi ang nakalipas mula nang iwan ko si K at ang mommy n'ya sa loob ng lumang bahay ni Lolo. Habang ako naman ay naiwan sa loob ng kotse ni K.
,,ԾㅂԾ,,
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kada maaalala ang itsura ni Kiyfer kanina bago ko sila iwan ng mommy n'ya.
Alam ko naman kasi na gusto nilang magusap pero parehas lang silang nagaalangan. Sa katunayan nga ay nanay pa n'ya itong mas excited at mukhang gustong gusto na magkausap sila. Wala naman talaga akong ibang ginawa kundi ang hanapin ang contacts ni Ma'am Klein pero s'ya talaga ang nagpush nitong plano namin.
Kaya din nilakasan ko na ang loob ko at kinapalan ng bonggang bongga ang mukha ko na manghiram ng sasakyan kay Dani dahil gusto kong matuloy itong sinasabi ni Ma'am Klein nang hindi nagdududa si Kiyfer.
After all, hindi na magtatagal dito sa Pilipinas sila Ma'am Klein at ang kapatid ni K. Kaya sana manlang ay makapagusap sila ng maayos bago ito umuwi sa America.
Dala ng kaba ay napainom na lang ako ng tubig pero halos maibuga ko na lang ito nang makita sa hindi kalayuan si Ma'am Klein at si K na buhat buhat ang kapatid nito na si Kevyn.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita lalo na nang makita ang lapad ng ngiti ng tatlo. At sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko na lang ang pamamasa ng pisngi ko.
Gulat na napapahid ako ng luha bago pa man makarating ang tatlo sa kotse kung na saan ako. At nang kumatok si K sa bintana ng kotse ay napatulala na lang ako nang makita ang ngiti nila.
"Kevyn this is Ate Erin." Bungad nito the moment na maibaba ko na ang bintana ng sasakyan.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at alam ko na mukha akong tanga na nakatulala lang sa dalawa nang sumingit mula sa likuran ng dalawa si Ma'am Klein na nakangiti sa akin.
"Thank you..." Bulong nito na mukhang hindi narinig ni K.
Bigla akong natauhan at nakarecover din agad mula sa pagkakastarstrucked kaya't binuksan ko na ang kotse.
Naisip ko na baka kailangan ng time ng tatlo kaya dali dali akong tumungo.
"Uhm Ma'am Klein, mauuna na po siguro ako ng uwi." Pagpapaalam ko pero umiling ito sa akin.
"No need. Kevyn and I are leaving na din."
Agad akong napalingon kay K para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ng nanay nito dahil baka mamaya ay nakakagulo lang pala ako sa kanilang tatlo at may balak pa silang magsama ng matagal.
"Nah, Mom's leaving. She has some appointments tonight. Siguro bukas, we'll have dinner at the house." Banggit ni K habang nakatingin sa kaniyang mommy. Ni hindi ko magawang sumingit man lang sa usapan ng dalawa dahil baka nakakagulo lang ako.
"That sounds great since we're leaving the next day. Bring Erin with you ha."
"Of course, how could I leave her."
Pinagmasdan ko ang tatlo at napagtantong okay na ang lahat. Masaya ako na kahit papaano ay may nagawa ako para kay Kiyfer.
Hindi ko alam kung papaano sila nagusap pero mukhang ayos na. Napagusapan na nila ang lahat ng dapat nilang pagusapan.
"Mauna na kami Mom." Banggit ni Kiyfer bago ibaba ang kapatid na buhat-buhat nito. Bumaba pa ito at bumulong sa bata dahilan para magtawanan ang dalawa na hindi ko naman maintindihan.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Novela JuvenilThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...