Chapter 22: Her Confrontation
—ERIN DE SILVA—
Mabilis na lumipas ang mga araw at patapos na ang midterms. Hindi ko na nga namalayan ang araw dahil panay lang naman ang pagaasikaso ko sa mga estudyante ko.
Hindi naman nakakadismaya dahil kahit hindi pa inilalabas ang naging result ng midterms ay kumpyansa naman ako na mataas ang makukuhang score nitong anak ni Attorney.
Bukod kasi sa mas naging attentive ito sa klase ay mukhang mas may naiintindihan na ito kaysa noon na tatamad tamad talaga ito at tablet lang ang laman ng bag.
[I'll be late. Hindi ata kita maihahatid sa inyo.] Banggit nito sa kabilang linya na akala mo ay batang pinagkaitan ng candy kaya naman napangiwi ako.
"Marunong akong umuwi magisa."
[Wala naman akong sinabing hindi ka maalam umuwi magisa.]
ಠ,_」ಠ
Pilosopo amp. Sarap sungalngalin haha.
[Or should I ask Hugo to fetch you.]
"Magtigil ka nga." Saway ko dito. "Wala nang lumalapit sa akin kagagawan n'yo."
Tinotoo nga ni Kiyfer 'yung sinabi n'ya na hindi na ako malalapitan ng mga estudyante sa campus kapag nakabalik na ito.
Ayun, ang ending ay lalo nang walang lumapit na mga estudyant sa akin.
Well, advantage na rin 'yon sa akin dahil wala naman na talaga akong kakilala rito sa loob ng West Ridge kung hindi silang tatlo lang din dahil ayaw naman sa akin ng mga kablockmates ko.
Mas maigi nang ganito at hindi ako nilalapitan. Less hassle na din.
[Are you really sure you can?]
"Yup."
[Dumeretso ka na ng uwi after your shift at the cafe ha. Then text me if anything comes up.] Paalala nito sa akin bago tapusin ang tawag.
Isa pa sa dahilan kung bakit wala na akong ibang nakakasama sa campus ay dahil silang tatlo na lang ang laging nabungad sa akin.
Ipinagpaalam na ni K ang panliligaw n'ya sa akin at halos isang buong barangay ang nakinig nung gabing 'yon.
ಠ‿ಠ
Di ko na idedetalye ang pangyayari peste basta ang lakas talaga ng loob n'ya non.
At dahil nga tapos na ang klase ko ay nagderetso na ako sa cafe dahil may shift pa ako dito. May bagong recipe ako na ituturo kay Vy at Miguel
"Galing dito kanina si Shaun." Bulong sa akin ni Vy na kababalik lang sa counter mula sa kabilang table.
Hindi ko ipinahalata dito na medyo nagulat ako sa sinabi nya kaya't bahagya ko pa s'yang tinawanan kaso ay mukhang pangit ata ang pagkakatawa ko dahil umiiling iling lang ito sa akin.
Napilitan tuloy akong magpanggap na nauubo bago umiwas ng bahagya.
"Anong ginawa n'ya dito?" Maingat kong tanong dito.
"May dalang bulaklak."
ರ_ರ
Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi nito.
"Hinahanap ka."
At mas lalo pa akong nasamid dahil dito. Minsan talaga haha. Minamalas ako.
。。。
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...