Chapter 18

100 6 0
                                    

Chapter 18: Three Minus One

—ERIN DE SILVA—

Back to normal. Natapos na ang weekend at katulad nang last week, may klase ako. Ang kaibahan nga lang, nakahinga ako ng bahagya dahil nabawasan ako ng sakit sa ulo for this week. 

Gaya nga ng sabi ni Kiyfer ay kasama s'ya sa campaign ni Attorney at wala ito sa campus ngayon. Maging ang dalawa ay hindi ko din mahagilap. Mukhang kasama n'ya din ito sa campaign dahil hindi naman maipagkakailang hindi basta-basta ang pamilya ng tatlo.

Hindi ko naman alam na boring din pala na walang nagdadaldal sa'yo. Pero at least tahimik ang buhay ko. Pakiramdam ko tuloy ang haba haba ng araw.

Kanina pa ako sa klase na ito at pakiramdam ko ay inaantok na ako. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganitong antok. Dahil lagi naman akong ganad kapag may klase. 

"We'll have a pairing for this project. I am giving you the freedom to choose your partner according to your own will." Banggit ng professor sa unahan at hindi pa man nakakapagsalitang muli ang professor ay tila ba nauna nang maghanapan ng partner ang mga estudyante. 

ಠ‿ಠ

Ang iba nga ay may partner na agad. At mukhang maguumpisa na rin silang magusap sa kanilang mga gagawin nang mapansin ko ang kakaiba. 

Hindi even number ang klase. 

Hindi ako nagsalita at hinintay ko na mapansin ni Prof Galvez ang bilang namin na hindi naman nagtagal dahil napuna na rin n'ya ito. 

"Miss De Silva, you can join another group. It's fine kung may isang group na tatlo ang members." Sabi nito sa akin kaya't tumayo na ako para maghanap ng group na sasamahan. 

"Hi, pwede ba maki---"

"Okay na kami nang dalawahan." Pagputol nito sa sasabihin ko dahil para bahagya akong matigilan. 

Nananadya ba 'to?

Napahinga na lang ako ng malalim dahil dito. 

"Okay no problem." Tanging sagot ko na lang dahil wala naman akong magagawa. 

Sinubukan ko ulit na humanap ng makakagrupo at saktong pagharap ko kina Faye ay agad itong tumayo at tumaas ng kamay.

"Sir, bakit po hindi na lang gumawa ng project magisa si Erin? Matalino naman ho s'ya." 

ಠಿ_ಠಿ

Agad na tumaas ang kilay ko lalo na nang tingnan pa ako nito. Wow, so iniiwasan talaga nila ako? Kapal naman ng mukha ng mga 'to. Hindi naman kami close!

Dahil dito ay inunahan ko si Prof at nagtaas ng kamay. 

"Sir, I can perfectly comply to the said project without any partner or groupmate. Please allow me to work on this alone." Nakangiting sabi ko kay Prof Galvez na mukhang nagaalala sa partner ko. 

"Are you sure with this?" 

"Yes Sir." 

"Okay, if that is what's convenient for you." 

Nakita ko ang tingin ng lahat ng estudyante sa room kaya't nginitian ko ang mga ito bago bumalik sa upuan ko. 

。。。

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now