Chapter 10: Crashed in
—ERIN DE SILVA—
Days have passed nang hindi ko namamalayan. Patuloy lang ang pagtuturo ko sa ibang mga estudyante at pati na rin sa anak ni Attorney.
Hindi ko na rin nabanggit sa kanilang tatlo na bigla na lang sumulpot 'yung Tobleron, Tobias, Tobi kung ano man 'yon, pakialam ko sa kan'ya at kilala pala n'ya ako.
ಠ◡ಠ
Thank goodness, after naman ng engkwentrong 'yon ay hindi na nagkrus pang muli ang landas namin ng Tobi na 'yon. Pero once again, member pa din ako ng Broadcasting Club at nagkikita pa rin kami ni Dani. At sa tuwing kami ay nagkakasama, dama ko 'yung lihim na inis n'ya sa'kin.
Anyways, nagpatuloy pa rin ang buhay ko. Pagaaral, pagtatrabaho at higit sa lahat ang pagkita ng pera.
(ノ゚0゚)ノ~
"The band is finally open for song requests." Pagaannounce ni Yassi; main vocalist namin.
At dahil gusto ko pa ng maraming pera, andito ako ngayon sa restobar ni Kuya Jian para tumugtog kasama ng mga kabanda ko.
"Ate Yas, balita ko nagaudition ka daw sa S-Team." Sabi ko dito habang naka standby kami.
"Sus, madami naman kaming nagaudition." Sagot nito.
"Baka mawalan ka ng time samin pag natanggap ka." Pambobolo ko pa pero nginusuan lang ako.
"Edi itong si Adrie ang pakantahin. Tas ipasok na ulit si Shinichi." Suggestion ni ate Yassi na ikinailing ko.
"Una sa lahat gahaman sa mic si Adrie." Nakangiwi kong sabi habang umiiling dito.
"Aray ko naman Erin." Nakahawak sa pusong sabi ni Adrie sa akin pero sinangayunan ako nila Jeric.
"Gahaman ka talaga sa mic pre." Bira ni Jeric dito at mukhang ihahampas na ni Adrie ang drum sticks sa kan'ya habang ang malaking bass naman ang kay Jeric. Habang si Loren naman ay napapailing na lang habang katapat ang piano.
Mabuti pa si Loren. pqtahi-tahimik na lang.
"Ang ligalig n'yo." Iiling iling na sabi na lang ni ate Yassi sa amin.
"Yassi may nagpaparequest ng kanta." Sabay abot ni Kuya Jian ng papel dito.
"Anong table sila para maplug natin."
"Table 5."
"Kaya n'yo Tadhana?" -Ate Yas.
"Ng Up Dharma Down?" -Adrie.
"O ng GMA?" -Jeric.
"Tange ka ba." -Loren.
"UDD baliw. Sige na mag sound check na kayo." -Ate Yassi.
At gaya ng request ay tinugtog namin ito.
Matapos ng unang kanta ay nasundan pa ito nang nasundan at napagkasaya-saya ko dahil malaki laki ang tip na nakuha namin ngayon gabi.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...