"Anyare?"
"Naiinis ako."
"Kanino?"
"Kay Kiyfer."
Agad akong nakatanggap ng mataas na mataas na kilay mula kay Shinichi dahil sa aking kinwento.
"Ano na namang nangyari?"
"May hindi s'ya sinasabi sa'kin." Iiling iling na sabi ko dito dahilan para mapalayo ito ng bahagya sa akin.
"Paano mo naman nalaman aber."
Saglit kong binalatan muna ang ponkan na nasa lamesa bago ito bulungan.
 ̄へ ̄
"Para kasing may itinatago s'ya sa'kin nitong mga nakaraang araw pa."
Hindi naman sa pinagdududahan ko si Kiyfer or ano pero nitong mga nakaraang araw pa kasi ito iwas na iwas sa akin na akala mo ay may ginawa itong kasalanan sa akin. Sinubukan ko naman s'yang tanungin kung anong problema pero iniiwas nito ang tanong ko o hindi kaya, parang hindi n'ya naririnig 'yung mga sinasabi ko.
Kaya hinid ko maiwasan ang mapaisip talaga na baka may itinatago itong si K dahil sa mga ikinikilos nito sa akin.
Ayokong magduda sa kan'ya dahil alam ko na hindi naman ganong klase ng tao si K pero kung patuloy n'yang gagawin 'to at ganito pa rin ang attitude nito sa mga susunod na araw ay baka lalo lang akong mainis.
"Hindi kaya..." Bigla kaming nagkatitigang dalawa ni Shinichi at mukhang parehas kami ng iniisip pero tatawa tawang umiling kaming dalawa. "TANGA HINDI MAGLOLOKO 'YAN SI K. ALAM MONG BALIW NA BALIW SA'YO YAN E HAHAHAHA."
(・∀・(・∀・(・∀・*)
Sabay pa kami nitong naghampasan sa balikat dahil sa saglit naming naisip. Sabi nang mahirap kapag kami ni Nichi ang magkasama at parehas kaming nababaliw.
Hindi mo masabi kung parehas bang tama ang tumatakbo sa isip naming dalawa.
"Hindi 'yan. HAHAHAHA. Naaaning lang tayo." Tatawa tawa kong sabi dito habang hindi pa rin kami natitigil na dalawa sa pagtatawanan.
Humupa na sana ang tawanan naming dalawa nang magkatinginan na naman kami at sumabog ang pagkalakas lakas na tawa.
( ̄y▽ ̄)╭
。。。
Saglit kong pinasadahan ng tingin si Hugo na nagddrive. Oo, si Hugo ang nagddrive. At hindi ko din alam kung bakit si Hugo ang maghahatid sa akin papuntang West Ridge.
Naiintindihan ko naman kung busy si K at hindi n'ya talaga ako maihahatid pero ipinipilit daw kasi ni K kay Hugo na ihatid ako sa school kaya lalo akong nabubugnot.
"Na saan si K?" Deretsong tanong ko kay Hugo na napatuwid pa ng upo sa driver's seat dahil sa tanong ko.
"M-may pinuntahan lang."
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay dahil sa sagot nito.
May pinuntahan lang?
"Sino?"
"Si ano---T-teka nga. Anong sino." Nanlalaki ang matang sabi nito kaya naman napahalumbaba ako sa bintana ng sasakyan at matamang tiningnan ito dahilan para ito ay kabahan.
(ㆆ_ㆆ)
Kita ko kung paanong nagpalipat-lipat ang mata nito sa akin at sa kalsada. Mukhang nanginginig pa ng bahagya ang kamay nito na gamit n'ya sa pagmamaneho.
"Sinong pupuntahan ni Kiyfer." Pagbabanta ko dito pero mas lalo lamang itong nataranta dahil sa deretso ng pagkakasabi ko.
"E-erin naman e."
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
أدب المراهقينThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...