Chapter 16: Maximum Tolerance
—ERIN DE SILVA—
"Welcome to Café de L'ouest. Can I get your order ma'am---"
"Oh hi, you're working here pala."
Agad akong natigilan nang makita ang susunod na costumer. May mga kasama ito na mukhang mga sosyal manamit at maging ang paraan ng pananalita.
Si Daniella at ang mga kaibigan n'ya.
Hanggang sa maging ang mga kasama ni Dani ay nakatingin na din sa akin na para bang kilala nila ako.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas matapos ang mga issue sa akin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahupa dahil hindi pa din naman nahahanap ang tao sa likod ng post na 'yon. Although nabura na ng head ng campus ang post, syempre laman pa rin ako ng balita.
Hindi maiiwasang ako pa rin ang usapin sa loob at maging sa labas ng campus katulad nito.
"I did not expect to see you here." Para bang gulat pa rin si Dani na kaharap ako at nakauniform ng pang empleyado.
"Ah, dito ako nagtatrabaho after classes." Magalang kong sabi dito bago ito ngitian. "So anong order n'yo."
"Girls, what do you like?" Tanong nito sa kan'yang mga kasama. At halos matawa ako nang titigan lang ako ng tatlong babae sa likuran n'ya.
ಠ ل͟ ಠ
Walanghiya 'tong mga 'to haha.
"Do you not have any order?" Abot tainga ang ngiting tanong ko sa kanila at hindi na nga nakapagpigil ang isa at tinanong na ako.
"You heard about that one post sa secret forum ng campus ano?"
Napakagat na lang ako sa labi dahil sa tanong nito sa akin habang pinipigilan ang matawa. Haha. Sana naman ay hindi pa ubos ang maximum tolerance ko mula kay Tobi nung nakaraaang araw dahil hindi ko naman alam na kakailanganin ko rin pala ito ngayon.
"Hazel, stop. Erin is not like that. Kilala ko s'ya girls." Sabi ni Dani sa kanila na tila ba nagpantig sa tainga ko.
Alam kong walang mali sa sinabi nito pero pakiramdam ko ay lalo lamang akong nairita dahil sa kaniya mismo galing ito.
Habang nagpipigil ako sa tuluyang pagtaas ng aking dugo ay tumabi sa akin si Miguel na mula sa kusina at bumulong.
"Ako na dito ate Erin." Sabi nito sa akin pero nginitian ko lang s'ya bago umiling ng bahagya.
"Ako na."
Hindi pa sana susunod si Miguel sa sinabi ko pero wala naman na itong nagawa dahil wala din naman akong balak na umalis.
"I'm sorry Erin. Sige na girls, maghanap na lang kayo ng seats natin. Ako na lang dito."
ರ_ರ
Hindi ko alam pero unti-unti na akong naiirita kay Dani habang tumatagal. Tila ba hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi nito. Sa katunayan nga ay wala naman itong nasasabing masama. At kahit anong galang ng pagkakasabi nito ay hindi ko magawang matuwa.
Pero dahil naparito nga ako para magtrabaho ay hindi ko na hinayaan pang mabwisit ako. Kinuha ko na ang order nila at hinayaan ko na si Vy ang magserve sa kanila.
Alam kong nakapansin na si Miguel ng masamang hangin kanina nung naguusap kami ni Dani. Buti pa talaga 'yung batang 'yon, malakas ang pakiramdam.
"Dapat hindi mo na pinapasok sa cafe 'yung mga 'yon. Parang nangiinsulto pa 'yung isang babae na maiksi 'yung buhok. Kunyari pang mabait." Seryosong bulong sa akin ni Miguel na katabi ko ngayon sa counter. "Kaklase mo ba 'yon?" Sabay nguso kay Dani na hindi nakaharap sa pwesto namin kaya't malaya namin s'yang napapagkwentuhan.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...