Chapter 12: Eye Candy
—ERIN DE SILVA—
。
Club President:
Good morning everyone, the producers have called for a meeting today at 8 am, sharp. Pls proceed to the studio at the said time. Ty🤗
6:45 am.
。
Angas, Tuesday pa lang pero may pa meeting na agad ang club.
ಠ∀ಠ
Napailing na lang ako bago bumaba sa hagdan.
"Erin parine at mag-agahan ka na."
"Magkakape lang ho ako."
"Aba, sabayan mo dine ang anak ni Attorney nang tayo'y magkaige."
ರ_ರ
Dali dali akong napababa ng hagdan at agad akong napaayos ng tingin sa katabi ni Inay at napagtantong si Kiyfer nga ito. Kumakain ito ng agahan na para bang dito talaga s'ya nakatira.
"T-Teka bakit ka dito kumakain?" Gulat na tanong ko rito pero si Mommy ang sumagot sa akin.
"Sabay daw kayo papuntang University." Sabi ni Mommy habang ipinagbabalat si K ng saging.
ಠಿ_ಠ
At talagang pinagsisilbihan pa ni Mommy at Inay si Kiyfer?!
Ano na naman bang naisipan nito at dito pa s'ya dumayo ng agahan. Ang laki laki ng bahay nila, ang dami daming nagluluto sa kanila tapos sa ibang bahay s'ya makikikain?
"S'ya, pupunta muna ako sa bayan at may bibilihin. D'yan na muna kayong dalawa." Sabi ni Mommy bago umalis. Habang si Inay naman ay kumindat pa muna sa akin bago pumuntang terrace.
ತ_ತ
Anong trip ni Inay.
Nang masiguro ka na wala nang tao sa bahay ay agad ko itong sininghalan.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito. Galing ka na nga nung Linggo dito, tapos andito ka na naman ulit? "
"To have breakfast." Sabi nito bago magtuloy sa pagkain.
"Mas maraming pagkain sa inyo, K."
"I like it here."
"Anong I like it here e puro gulay ang pagkain dito samin."
"Do I look unhealthy? Gosh Erin, kumakain ako ng gulay."
ರ_ರ
Haha, krazy anak ni Attorney. Ang daming sinasabi.
Kinuha ko na lamang ang kape na ihinanda ni Mommy sa akin at akmang iinom na ako nang magsalita na naman ito.
"You're just having coffee for breakfast?"
"May meeting pa kami sa Broadcasting club mamaya."
"Then have a proper meal."
¯\_ಠ_ಠ_/¯
Pakialamero ka K?
"Alam mo kumain ka na lang magis—"
"Eat with me please."
Natigilan naman ako agad nang makita ang paglambot ng mukha nito sa akin. Gan'to rin s'ya last time nung sinabi n'ya na tapikin ko ang ulo n'ya.
Natigilan tuloy ako sa pagtataray ko at saglit na napaisip dahil parang pamilyar na naman ang eksena namin ngayon.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Novela JuvenilThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...