Chapter 15: Secret Forum Headlines
—ERIN DE SILVA—
"Bakit ba andito ka na naman? Hindi ka naman taga rito panay pa rin ang punta mo dito. Wala bang pagkain sa inyo? Diba mayaman kayo, umuwi ka sa inyo---hoy bakit hindi mo ako pinapansin."
"Will you shut up?"
ಠ ل͟ ಠ
Halos ihilamos ko na ang plato sa mukha ng dalawa kong kaharap dahil sa asar. Kanina pa sila nagbabangayan.
Paano ba naman kasi ay dito kumain ng agahan si Kiyfer sa amin habang si Shaun naman ay nakidayo ng kape. At habang kumakain ang dalawa sa hapagkainan ay pinagiinitan na naman ni Shaun itong si K.
Hindi ko naman kasi alam kung bakit parang araw araw ko na ata nakikita itong anak ni Attorney. Sa hindi malamang dahilan ay hindi na ata ako nalubay sa kan'ya dahil kahit na saan ako ay andon din ito.
Samanatalang si Shaun naman ay panay ang punta dito sa amin mula pa nitong mga nakaraang araw, wala naman s'yang ginagawa, hindi rin naman n'ya sinasabi sa aking kung anong kailangan n'ya at panay din ang punta n'ya sa amin para lang tumambay.
"Magtigil na nga kayo. Binging bingi na ako sa inyong dalawa, parang awa naman." Pakiusap ko sa kanilang dalawa at laking pasasalamat ko naman nang tumigil na sila sa pagbabangayan
"Erin." Bulong na naman ni K na nasa harapan ko sa may bandang kaliwa. "I still have some potatoes on my plate. Want some?"
ಠ‿ಠ
Yes nabibingi ako sa kan'ya pero wala naman akong sinabi na hindi ko gusto ng patatas.
Syempre pagkain 'yon. Iba namang usapan ang pagkain.
Kahit pa hindi ko sinagot ang tanong nito sa akin ay ibinigay na n'ya nang kusa ang patatas sa plato ko. At bago ko pa man makain ang ibinigay n'ya ay napanganga na lang ako nang may kumuha nito mula sa plato ko.
"Hoy! How dare you! That's for Erin. Ang epal mo."
"Gusto ko din ng patatas e bakit ba."
ರ_ರ
Bakit ba ganito sila! Bwisit. Gusto ko lang naman mag-agahan.
Dahil sa yamot ay hindi ko na ginalaw pang muli ang pagkain ko at agad nang tumayo sa kinauupuan ko. Hindi na ako kakain! Walanghiya ang mga 'to. Gusto ko lang naman kumain!
"Papasok na ako." Huli kong sabi kay Shaun bago layasan ito at magtungo sa labas kung saan andon ang sasakyan ni Kiyfer. Sinabi na nito sa akin kanina na sabay daw kaming papasok ngayon. Na napapansin ko namang napapadalas na.
Pagkasakay namin sa sasakyan nito ay may isinigaw pa si Shaun mula sa labas pero hindi ko na ito narinig pa dahil sarado naman ang sasakyan.
"Should we buy you some coffee?" Nakangiting tanong ng anak ni Attorney sa akin habang inuumpisahan nang magmaneho. "We'll grab one."
Hindi na ako nagsalita dahil nagpapahupa ako ng bwisit at nagpapasalamat naman ako dahil hindi na nagtangka pang magdaldal muna si Kiyfer lalo pa at bwisit na bwisit ng ako.
Gusto ko lang naman kai kumain! Epal talaga itong si Shaun.
Hanggang sa dumaan kami sa cafe para kumuha ng kape ay s'ya ang nagpresinta na oorder sa loob at maghintay na lang daw ako dito sa loob ng kotse n'ya. Na sinunod ko naman na dahil nilayasan na rin n'ya ako bago pa ako makapagsalita.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Novela JuvenilThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...