Chapter 17: A Date Before A Week Off
—ERIN DE SILVA—
"Tatamaan ka talaga sa'kin mamaya kapag hindi mo natapos 'yang pinagagawa ko sa'yo." Banta ko sa anak ni Attorney na hawak lamang ang phone n'ya.
"Grabe, I still have 10 minutes break pa. You're so strict, geez." Banat nito na ikinairap ko.
Talaga namang may balak pa s'yang magbreak time e hindi pa ng an'ya natatapos ang pinapagawa ko sa kan'ya.
Atsaka baki ba reklamador ito. Hindi na nga ako ganong kaistrikto sa kan'ya dahil masyado itong kampante sa lahat ng oras kaya nayayamot lamang ako.
"K, talaga sinasabi ko sa'yo---"
"Can I post our picture kanina?" Kaswal na tanong nito na akala mo ay wala akong pinasasagutan sa kan'ya.
"Bakit ba nagpapaalam ka pa?"
Palagi na lang kasi itong nagpapaalam sa akin na akala mo ay hindi ako papayag.
"I need your permission first." Sabi nito habang tutok na tutok sa phone. At matapos ang ilang segundo ay ihinarap nito sa akin ng kan'yang phone na may picture naming dalawa sa balcony kanina habang nagmemeryenda.
"Tag mo na lang ako."
"I'm guessing that the social media will be on fire again." Mayabang na sabi nito na ikinailing ko na lang. "Nga pala, did the heads find out who was the person behind the post against you?"
"Yung sa secret forum?"
"Hmm."
"NakaVPN daw 'yung author. Tapos anonymous pa kaya hindi nila malocate yung address." Sabi ko dito na ikinasimangot n'ya.
"Screw that author."
"Pabayaan n'yo na lang."
Lalo pa ngayon. Hayagan na sa social media ang pagpopost ng tatlong 'to na lagi kaming magkakasama. Mas lalo lamang nagiinit ang mata ng mga tao sa akin. Isa pa, nangaasar talaga sila. Lalo na si Hugo at Edrigo na lagi pang ineemphasize yung 'hang out with friends/homies/Erin' at kung ano ano pa.
Tsaka alam na rin sa school na madalas kaming nagkakasama. Hindi nga lang nila alam na tutor talaga ako ni K originally. At ang iniisip agad ng mga tao ay natural friends na talaga kami simula pa lang noong umpisa.
Napagusapan na din naming dalawa na hindi muna ako sasabay sa kanilang tatlo for the mean time. May motor naman ako. Tsaka isa pa, ayaw kong masanay na naaabala ko sila. Sasabay naman ako sa kanila pag gusto ko, pero hangga't maaari ay magmomotor na lang muna ako.
"Look, why are people so intrigued?" Muling reklamo ni K bago itutok muli sa akin ang phone nito.
"Malamang. Hindi ka naman basta-bastang tao lang e."
Anak s'ya ng tatakbong Mayor sa lugar namin. Plus, hindi rin talaga basta-basta si K.
Pogi s'ya, kilala sa school, mayaman, kilala ang tatay. Pero tamad.
ಠ‿ಠ
'Yung nga lang at hindi nila alam na tamad talaga si K. Or alam talaga nila. Wala lang silang pakialam dahil bumawi naman ito sa mukha.
Sino bang hindi bibigay sa mukha ng anak ni Attorney.
"That anonymous author must hate you." Dagdag nito kaya't nakatanggap ito ng batok mula sa akin.
"Bakit ba kasi mas affected pa kayo kaysa sa akin. Tigilan n'yo na nga ang kababanggit don. Lalo lang akong naiistress nang dahil sa inyo." Sabi ko dito pero sinamaan lang n'ya ako ng tingin.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...