Chapter 3

225 7 0
                                    

Chapter 3: Central District Encounters

—ERIN DE SILVA—

Agad akong napaayos ng tayo nang makita ang screen ng phone ko.

Anak ni Attorney:

Hi, this is K. Ig u know dad.
Sorry di ako nakapagreply agad.
Lost my phone. But dad told me about it.
Anyw, I'll be at Central District later after class. If u don't mind we can talk about it later

2:15 p.m.

Sa wakas ay nakatanggap na rin ako ng reply mula sa anak ni Attorney. Akala ko naman ay aamagin na lang ako kahihintay ng reply n'ya kagabi.

Agad ko namang inalala kung may dapat pa ba akong gawin mamaya after ng klase at wala naman ayon sa schedule ko. Gosh mabuti naman.

"Taki, itake home mo na lang pala 'yan mamaya. Ako na bahala magcomply sa bahay." Nakangiting sabi ko sa kagrupo ko.

"Talaga?! Hala thank you!"

"Magchat ka na lang din sakin kapag nasend mo na." Dagdag ko at tumango naman ito.

Wala na din naman kaming masyadong tatapusin ngayong araw na 'to kaya makakaawas ako ng mas maaga.

( ˘︹˘ )

Kaya nang matapos agad ang klase ay nagderetso na ako sa Central District para tagpuin 'yung anak ni Attorney. Pero the moment na makarating ako sa mall ay agad akong nakatanggap ng tawag mula kay Shinichi.

Ano na naman ba ang kailangan nito?

"Oh?"

[Hello? Si Erin ba 'to?]

Agad kong nailayo ang mukha sa phone at sinilip kung bakit imbis na ang pinsan ko ang marinig sa kabilang linya ay iba ang sumagot sa akin.

Ang sama talaga ng kutob ko kapag iba ang nagsasalita sa kabilang linya kahit na si Shinichi naman ang nasa caller id. 

"Ah oo, anong meron?" Tanong ko dito.

[Kaklase kasi ako ni Shinichi. Ano kasi... Uhm, napaaway si Nichi e hindi namin maawat.] Sagot nito dahilan para maitampal ko na lang ang palad sa aking mukha.

Ano na naman bang klase ng gulo ang pinasok ng babaeng 'to. Talaga namang hindi na nakuntento.

Nung nakaraan lang nangyari 'yung insidente sa loob ng cafe ko tappos ngayon naman ay hindi na naman ito maawat sa pakikipagaway? 

ANO BANG MERON SAYO SHINICHI

(〒﹏〒)

Napakagat na lang ako sa labi dahil may kailangan akong puntahan ngayon tapos eto na naman ang gulo.

"Na saan ba kayo ngayon?"

[Nasa Central District. Sa parking lot.]

"Huh? Bakit kayo nasa parking lot? Wala namang sasakyan si Shinichi." Sagot ko dito dahil pinagbawalan na kaming dalawa na---

[Gamit n'ya 'yung motor n'ya.]

ಠಿ_ಠ

"Nakamotor s'ya ngayon? Teka nga, papunta na ako d'yan. Hintayin n'yo ko. Awatin nyo na 'yan."

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now