Chapter 8

149 8 0
                                    

Chapter 8: Ditch

—ERIN DE SILVA—

"Bakit kayo andito?"

"Support." -Edrigo.

"Inaya ako ni Ego." -Hugo.

•́  ‿ ,•̀

Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa mga kaharap ko ngayon. Sabado na kasi at si Kiyfer na naman ang tuturuan ko.

Masyado akong loaded this week, dahil nung Thursday at Friday ay may iba akong tinuturuan. Hindi naman hassle dahil junior highschool at elementary lang naman sila. Kumpara mo dito sa college na 'to.

"Hindi kayo kailangan dito. Magaaral kami." Saway ko sa dalawa na nakaupo sa tabing desk namin ni K.

ಠ◡ಠ

Bakit ba kasi sila nandito. Ano bang kailangan nila.

"Sit in." Tipid na sagot ni Edrigo habang si Hugo naman ay panay lang ang ngiti.

"Sige na. Friends naman tayo eh." Dagdag ni Hugo na ikinailing ko na lang.

Hindi kasi makapagfocus si K sa kanila dahil magtitinginan pa lang silang tatlo ay sasabog na ang mga ito katatawa. Kanina pa sila ganyan.

Kaya't kinuha ko ang lahat ng lakas ko at kasabay ng pagalarm ng Pomodoro timer ni Kiyfer ay tinampal ko ang desk.

ಠ◡ಠ

Wala kang maririnig sa kwarto kung hindi ang walang tigil na alarm ng timer kaya't pinatay ko muna ito.

"Saan ka nakakita ng sit in na mas mapapel pa sa estudyante." Nakangiti kong sabi sa dalawa na natahimik na lang at hindi na nagawang makasagot pa.

Kinuha ko ang papel na sinasagutan ni Kiyfer at ipinagsulat ko si Hugo at Edrigo ng math problem na katulad nang nasa papel nitong anak ni Attorney. 

"Gusto n'yo maging sit in diba? Walang tatayo sa inyong dalawa hangga't hindi n'yo 'to nasasagutan."

ಠ‿ಠ

Halata pa rin ang gulat sa mga mukha nila nang tinanggap nila ang papel mula sa akin. At nang ibaling ko ang tingin kay Kiyfer ay kita ko ang titig nito sa akin.

"Ano?" Tanong ko dito pero imbis na sagutin ako ay ininom lang nito ang bote na may lamang apple juice.

。。。

"Dito mo hanapin sa kabilang section 'yung para d'yan sa lower paragraph."

"I'm hungry."

"Kakakain mo lang."

Kita mo ang pagnguso nito at ang kagustuhang magreklamo pero pinili na lang n'yang tumahimik.

Saglit kong sinilip ang dalawa sa desk kung saan kami malapit kanina at nakita kong nakanganga na si Hugo habang si Edrigo naman ay nakahalumbaba habang nakapikit.

Pinaglayo ko sila ng upuan kanina. Tapos kaming dalawa ni K ang lumipat ng pwesto dahil hindi kami makakausad hangga't nakikita nila ang pagmumukha ng isa't isa.

"Hoy K teka. Lagpas ka na ng binabasa." Puna ko nang mapansin na malayo na ang binabasa nito sa pinapaaral ko sa kanya kanina.

"I told you I'm hungry."

ಠ◡ಠ

Ang arte naman nito haha. Sarap ipakain nung libro sa kanya ah.

Saglit kong pinasadahan ang pointers naming dalawa at halos matapos naman na kami. Tumingin din ako sa libro at nakitang mag-aalas syete na pala.

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now