Chapter 33

94 6 0
                                    

Chapter 33: Comfort and Concern

—ERIN DE SILVA—

"Andito lang ako." Mahinahong banggit ko kay K habang hawak ang kamay nito. 

Saglit kong pinagkatitigan si Kiyfer at nakitang tuyo na ang luha n'ya pero namumula pa rin ang mga mata n'ya kaya naman hinaplos ko ito sa ulo tulad nang lagi nitong hinihiling sa akin. 

Dama ko ang malalim at mabigat nitong pagbuntong hininga kaya naman hindi ko na napigilan ang yakapin ito habang tinatapik ang likuran.

Kanina lang ay gusto n'ya akong ipakilala sa nanay n'ya. Tapos ngayon ay umiiyak na s'ya.

Oo, nagulat talaga ako nang tuluyan nang umiyak si Kiyfer the moment na makarating na kami dito sa parking lot.

Kanina pa lang ay dama ko na nga na nagbabadya na ang luha ni K pero akala ko naman ay hanggang doon na lang 'yon dahil hindi naman na s'ya kumibo after non.

Kaya ayan, sinamahan ko s'ya dito sa parking lot habang nakaupo sa bukas na trunk ng dilaw n'yang kotse.

~Flashback~

"Mom, this is Erin. My girlfriend." Banggit ng kasama ko sa kaharap namin at ngayon ay pinagsisiklaban na ako ng kaba.

Aba, kahit anong kapal ng mukha ko. Nahihiya at kinakabahan din naman ako. Lalo pa at nanay ito ng boyfriend ko. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakarecover mula sa gulat lalo pa nang makumpirma kong nanay nga ni K ang magandang babae na kaharap namin ngayon.

Habang kinakabahan ay saglit tuloy akong napaisip kung bakit ngayon ko lang ito nakita. 

Matamis na nakangiti sa akin ngayon ang nanay ni K nang aabot pa hanggang tainga kung saan kitang kita mo kung gaano ito kaganda.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mamangha lalo pa nang makitang magkamukhang-magkamukha nga si K at si Ma'am Klein. Alam ko na magkalapit ang itsura nila Attorney at ni K pero mas magkamukha ata sila ng Mommy n'ya. 

Lalo pa ngayon na parehas sila na nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay may nananalamin lang si K habang kaharap si Ma'am Klein.

Atsaka isa pa, ang ganda n'ya. Ang bata pa nito tingnan at ang puti puti pa. Hindi mo mapagkakamalang mag-ina sila dahil sa tangkad nito at kung ikukumpara mo, mas sexy pa ito kaysa sa akin. Nahiya tuloy ako na humarap ako sa nanay ni K nang ganito ang itsura. 

Hindi man lamang ako nakapaghanda o 'di kaya magmake up!

"Magandang gabi po." Nakangiti ngunit kinakabahan kong bati dito na ginantihan naman n'ya ng matamis na ngiti. 

(⁠。⁠ŏ⁠﹏⁠ŏ⁠)

Kinakabahan talaga ako. Parehas ko silang kaharap ngayon! Natataranta ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Uhmm, Kiyfer. Since we're all here. Why don't you join us for dinner?" Pagaaya ni Ma'am Klein habang malambot ang titig sa kan'yang anak.

Nailipat ko ang tingin kay K na saglit pang natigilan sa sinabi ng kaharap bago ngumiti. 

"No need na. Enjoy your dinner."

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero parang napaka-awkward ng hangin sa palibot namin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi magkakilala itong si K at ang Mommy n'ya. 

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now